Chapter 48

1.6K 31 0
                                    

(A/N: I know suuuper late na nito pero eto na tatapusin na.)

"Okay lang ba?" tanong nya.

"Oo naman," sang-ayon ko.

"Ba't parang na-disappoint ka?" pang-uusisa at panunukat nya habang nakakunot ang cute nyang noo.

"Ay hindi. Hindi naman," iling at ngiti ko.

"Or you tired na?"

"Hindi, hindi," iling ko.

"We'll take the chopper naman eh," sabi nya. "Mabilis lang ang byahe."

"Malayo ba?" tanong ko. Kailangan pa naming mag-chopper? Baka malayo.

"Hindi. Hindi naman," makahulugang ngiti nya.

Sumakay nga kami sa chopper, bagay na minsan ko nang sinumpang gawin. May pakiramdam kasi akong tuwing sasakay ako ng helicopter ay may magbabagong malaki sa buhay ko. Madalas din kaming mag-byahe ni Sebastian lulan ng sasakyang ganun kaya hindi ko rin maiwasan ang hindi sya maisip pati ang lahat ng idinulot nya. Sabihin na lang nating hindi ko paborito ang sasakyang ganun.

Hawak ni Custan ang kamay kong pinipisil-pisil nya habang nasa byahe. Batid kong pinapakalma nya ako dahil nararamdaman nya ang pagka-balisa ko sa byahe, o maaari, sa sinasakyan.

Saan kaya kami pupunta at parang matagal-tagal na eh hindi pa kami lumalapag? Parang hindi naman ito Metro Manila.

Madilim at kakaunti lang ang ilaw na nakikita ko sa baba mula sa chopper.

Mukha ngang hindi na 'to Metro Manila.

Maya-maya, sa 'di na kalayuan, ay mga malalapad na gusaling hindi naman kataasan na nababalot ng matitingkad at sumasayaw na pailaw.

Nasaan kami? Parang ang complex na ito ang tanging mailaw dito sa... kabundukan? Hotel ba ito? Resort?

Tiningnan ko si Custan sa pagtataka. Maganda naman ang ngiti nya sa'kin. Masaya sya at nakikita ko ring sabik na sabik na syang pinipigil nya.

Teka, magyayaya na ba sya ng kasal?

Naku, baka video-han! Hindi pa naman maganda ang suot ko ngayon. Dapat pala pula ang isinuot ko. Itong itim parang pampatay!

Napangiti ako sa naisip ko. Natuwa akong ayun ang inalala ko at hindi ang ibang dapat akala kong maiisip. Napagtanto kong sigurado na ako sa kanya. Waksi na ang lahat ng natitira kong takot o pag-aalinlangan.

Oo naman, ooo ako sa kanya kung aalukin nya ako ng kasal. Bukod sa mahal na mahal ko na sya, kahit hindi bumalik ang alaala ko, kampante at kumportable na ako sa kanya.

Alam kong hindi lang ang puso ang pinaiiral ko sa pagpili ko sa kanya at sa pananatili kong kasama sya sampu ng aking pamilya. Alam kong pati isip at buo kong pagkatao ay kasama sa desisyon ko, at nakakatuwang kasama nun ay ligaya ko na rin, ligaya naming pareho.

Naging mahalaga rin ang paglimot nya sa mga nagkasala sa amin, sa kanya. Hindi naging madali iyon para sa amin pero dahil sa malaki nyang puso, nilimot nya lahat para mapalaki namin ng maayos ang anak namin. Batid naming hindi naaayon na iputong sa iba o ibaling sa kung saan o alalahanin at ikasira ng kahit isang saglit, ang natitira naming poot sa mga taong sumira ng malalaking parte ng mga buhay namin. Natuto kami at iyon na lang ang patuloy naming hahayaang maalala tuwing magagawi kami sa pag-iisip o pag-uusap tungkol sa mga bagay na nabibilang na sa nakalipas.

Hindi ako nagmamadali sa kanya. Hindi na rin naman ako nababagabag sa mga hindi ko maalala noon. Buo na ang tiwala ko sa mga taong nakapaligid sa'kin, lalung-lalo na sa kanya, at alam kong darating din ang lahat sa tama naming panahon. Gagawa ulit kami ng mga bago at masasayang alaala.

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon