(A/N: O sorry na!)
"Bro-... Why would-?... Stop being ridiculous-... How would that happen?... At bakit?... And you should be happy now diba? Buo na kayo diba? Congratulations pala on that... But no Dude. And leave me alone," sabi ni Sebastian sa kausap na si Custan sa phone.
"Hubby, ibaba mo na yan," bulong at kagat ko sa tenga nya nang makapag-simula na kami. "Custan?" sabi ko sa kausap nya sa phone. "Custan ba Hubby?" tanong ko kay Sebastian. "Custan ibababa na ni Sebastian yung phone."
Nangiti si Hubby sa ginawa at sinabi ko at hindi nya muna inintindi ang phone nya at hinalikan ako. Binalikan nya rin ang kausap sa phone pagkatapos ng matunog na halikan namin. "Narinig mo sabi ng girl ko? I'm putting the phone down. We're busy." Ibinaba na ni Sebastian ang tawag. "I love you Mrs. Ligaya Martin," sambit nya. Hinalikan nya 'ko ulit at niyakap ng mahigpit.
"I love you Sebastian Martin," sagot ko rin nang sa leeg ko na sya humahalik. Napakasarap at napakatamis nyang magmahal bukod sa magaling syang magparamdam ng kiliti sa mga halik nya. Nawalan ako ng alaala, pero dahil sa kanya, nawalan ako ng pangamba sa mga nalimutan ko sa nakalipas.
Mas nang-gigil sya sa akin pagkatapos ng tawag nung lalaki at mas pinaramdam nya ang pagmamahal at pagnanasa nya nang hapong yun. Pagod, pero masaya ako. Maligayang-maligaya ako sa piling ng asawa ko.
Nung hapon ding iyon, dahil bago ang phone ko, kinuha ko ang phone ni Sebastian para mangopya ng contacts.
"Hubby?" tawag ko sa kanya. Nasa loob sya ng kwarto habang nasa labas ako sa terrace.
"Mmm?" sagot nya. Lumabas sya at tinabihan ako sa lounger doon.
"Sino na nga yung tumawag sa'yo kanina? Tristan ba yun? Tristan Enriquez ba?" tanong ko. Gusto ko kasi sanang idagdag ang taong yun sa Contacts ko dahil nakilala nya ako sa boses pa lang. Malamang kilala nya ako sa totoong buhay at malapit kami o malapit kami ni Sebastian sa kanya.
Natawa si Sebatian. "Wala yun," iling nya. "'Wag mo nang i-add yun dyan sa phone mo."
"Kaaway mo ba yun?" tanong ko. O pinagseselosan? Baka kabarkada nyang ayaw na ayaw nyang kausap ko?
"Hindi. Wala yun," ulit nya. Hinalikan nya ang balikat ko. "Kailangan ko ata ng fourth round Wifey. Bitin pa rin."
"Naku Hubby ah. 'Di ako dapat napapagod," paalala ko sa kanya. "Pinagbigyan lang talaga kita dahil matagal din tayong nagtikis," sabi kong ngumuso pero natutukso rin sa kanya.
Tumawa sya. Binalangkas ng daliri nya ang mukha ko. "You're so cute. I love you," masaya nyang sabi.
Nangiti ako sa lambing ng sinabi nya. "Masyado ka naman atang naging mapagmahal ngayon. Ganyan ka ba talaga 'pag napagbibigyan?" biro ko sa kanya.
Ngumiti lang sya ng matamis. Masaya ang naging buntung-hininga nya. "It's not impossible pala to love you even more. You've surpassed every love I have experienced," sabi nya. Malalim ang tingin ng mga mata nya sa akin. Alam kong masaya din sya tulad ko. Mahal nya rin ako.
"Pasensya ka na dahil ngayon ko lang ulit nararamdaman yung love ko sa'yo," amin ko sa kanya. Sana naibabalik ko na yung pagmamahal ko sa kanya bago ko nalimutan ang lahat.
"Hindi mo naman kasalanang nakalimot ka," ngiti nya.
"Sana bumalik na ang alaala ko 'no?" buntung-hininga ko.
Hinalikan nya ako sa noo. "Sana mas maging masaya tayo everyday. Especially with the baby coming. That's my wish," sabi nya.
"Lagi kang tumawag 'pag nasa Manila ka na ha?" lambing ko sa kanya at hinalikan ko sya sa pisngi. Parang kahit hindi pa sya umaalis, sabik na 'ko kaagad sa kanya.
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?