"Custan, akyat na tayo? O gusto mo bang pailawin ko yung isang lampara? Nasa taas kunin ko?" tanong ko sa kanya.
Naramdaman ko ang kamay nya sa kamay ko. "'Wag. Stay. Dito ka lang."
Natigilan ako sa pag-hawak ng kamay nya sa'kin. Parang tumigil ang pag-hinga ko. Huminga ako ng malalim ng ilang beses para bawiin yun. "Hindi ka sanay sa dilim, uh hindi ka sanay dito sa'min. Baka mapa'no ka."
Pinagsalikop nya ang mga kamay namin. "Okay ako."
Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Magka-hawak kamay kami ni Custan. Bakit? "Custan-"
Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko. Hindi ko naituloy ang sasabihin ko.
Ano bang nangyayari? Bakit sya ganito?
Hindi ko namalayan ang tibok ng puso ko. Mabilis yun at nag-uunahan. Napalunok pa ako ng mas maraming laway.
Naramdaman kong inangat nya ang kamay ko. Nag-antay ako ng mangyayari. Hinalikan nya ang kamay ko.
"Custan-"
"Shhh. Let's just be quiet."
Huh? "Bakit? Ano bang iniisip mo?" tanong ko.
Naramdaman ko ang hinga nya sa kamay ko. "Ikaw."
"Huh? Bakit ako?"
Hindi sya kaagad sumagot. "Hindi ko rin alam."
"Iniisip mo ba kung tatanggapin ko ang alok ninyo?"
"Sana. Kung hindi, ang hirap namang balik-balikan ka dito."
"Ano? Bakit mo 'ko babalik-balikan kung tumanggi na nga ako?"
"Gusto ko. Dahil sa'yo ata. Hindi dahil sa lupa."
Ano ba 'tong sinasabi nya? May gusto ba sya sa akin? Imposible yun. Bakit ako?
At saka mahirap ang mga ganyang pangako. Nasasabi nya lang yan. Baka pilit nya sa'kin yun para sa lupa. Ewan ko. "May nagsabi na rin nyan," sabi ko. Nangako na rin naman si Vic noon.
"Tsk. Hindi ko nga alam kung bakit ako ganito eh."
Binabawi ko ang kamay ko pero 'di nya yun binibitawan. "Hayaan mo muna sa'kin 'to," sabi nya. "At least alam kong andyan ka pa."
"Hindi naman ako aalis. Hindi kita iiwan dito sa baba."
"Pinipilit kong magkasya ako sa mga kamay mo Ligaya."
Natawa ako. "Ano? Hindi ka naman kasya sa mga kamay ko Custan. Ang gulo mo."
"Hindi naman yun yung ibig kong sabihin."
Eh ano? Huh?
Bakit ganito sya?
"Aakyat na 'ko Custan. Sasama ka na ba?"
"Dito ka lang naman o."
Sige na nga. Masamahan na nga sya.
Eh ano bang gagawin namin dito? Ang dilim. Magkukuwento ba sya?
"Ligaya?"
"O?"
"Mabait ba 'ko?"
"Ha? Oo."
"You didn't hesitate. You answered right away."
"Ramdam ko naman na mabait ka kasi may malasakit ka."
"You don't know me."
"O 'di sige, hindi ka mabait."
"Wala ng bawian, sinabi mo na," sabi nyang napatawa. Hinila nya 'ko pero sya ang mas lalo pang tumabi sa'kin.
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?