Tinakbo ko ang pinto mula sa kusina. Si Miss Rina pala ang pumasok sa bahay.
"Nakita mo na si Custan?" tanong nya agad.
Umiling ako. "Hindi pa Miss Rina."
"Nasaan kaya si Custan?" pagtatanong nya sa hangin.
"Si Jade kaya may kinalaman dito?" tanong at pagsasalita ko na sa hinala ko. "O yung nakabangga sa kanya, yung Sebastian?"
Kumunot ang noo ni Miss Rina. "Sino yung Sebastian?... Pero si Jade? Bakit mo natanong?" pagtataka nya.
"Eh kasi sya na lang na malapit kay Custan ang hindi ko pa natatanong kung asan na sya."
Nagliwanag ang mukha nya. "Hindi. Wala yung alam. Matagal na silang hindi nagkikita."
"Dumalaw sya dito nun. Nakita ko na sya," sabi ko.
Kumunot ulit ang ulo nya. "At anong sinabi ng babaeng yun?"
Nagulat ako sa naging reaksyon ni Miss Rina na tila may galit kay Jade. "Um, nangungumusta? Ipinakilala ako ni Custan sa kanya pero hindi sya naniniwalang nobya ako ni Custan. May dapat ba akong malaman tungkol sa kanya?"
Bumuntung-hininga si Miss Rina. Inakbayan nya ako. "Tulad ng ginawa ni Don Rico sa'yo, bilang susi kay Custan noon, pinahanap din nya si Jade para umiwas sa babae at bisyo ang pamangkin nyang si Custan. She would just ignore my calls and emails, dahil sikat sya non, marami syang pera, marami syang trabaho at in demand sya. Ngayon, hindi na. Tinawagan nya 'ko para makipag-usap tungkol daw kay Custan. 'Di ko sya pinansin tulad ng ginawa nya sa'kin dati. At para saan pa? Masaya na si Custan sa'yo. Mang-gugulo na lang yung si Jade."
"Sya nga kaya ang may kinalaman dito?" natanong ko tuloy.
"Humingi na 'ko ng tulong sa mga investigators ni Don Rico. In a few hours, they'll report to me. Mahahanap din natin sya Ligaya, don't worry."
"An' tagal na kasi. Alam nyang mag-aalala ako. Magsasabi yun sa'kin kung asan sya, kung kaya nyang mag-text o tumawag. Baka may nangyari nang masama sa kanya."
Biglang sumulpot si Custan sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"Custan!" Sumugod ako sa kanya at niyakap ko sya. "San ka ba galing?"
Walang lakas nya 'kong niyakap. Pinagmasdan ko ang buo nyang katawan pagkatapos ng yakap namin. Hindi naman sya madumi at wala namang dugo kahit saan. Pero latang-lata sya.
"Custan?" ulit ko at pinag-aralan ang mga mata nya. Hindi ko mawari kung masaya o malungkot sya. Hindi maipinta ang mukha nya.
"Are you alright Custan?" dinig kong tanong ni Miss Rina. Nilapitan nya si Custan. Pinakiramdaman nya ang noo ni Custan. "Were you drugged?"
Umiling si Custan. Pagkatapos ay tumingin sya sa'kin. "Ligaya, kailangan nating mag-usap," sabi nya at bahagyang nangiti.
Bakit? Para saan? Bakit ganito ang tono nya? Mukhang masaya sya pero mukhang naghihirap sya at iiyak na.
"Excuse us," patuloy ni Custan at paalam nya sa mga taong naroon na nakatanga sa kanya.
Nakita kong tumango si Miss Rina. Tuwang-tuwa naman sina Manang Delia sa pagsulpot ni Custan ulit. "Hay salamat naman Ser, ligtas ka!" sabi pa ni Manang Delia.
Tumingin si Custan ulit sa akin. "Halika na," sabi nya at buong pagmamahal nyang pinagsalikop ang mga daliri namin. Inilagay nya ang kamay ko sa dibdib nya, sa puso nya, pagkatapos ay hinalikan nya yun.
Sumama ako sa kanya, nagpahila, habang tinitingnan ko si Miss Rina na tulad ko ay nangingiba sa ikinikilos ni Custan.
"Tungkol saan ang pag-uusapan natin Custan?" tanong ko.

BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomantizmBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?