Hindi ko sya maintindihan. 'Diba may Jade na sya? Na mapapangasawa nya na? Sino 'tong sinasabi nyang namimiss nya?
Pero hindi ko naman sya kailangang intindihin. Hindi ko sya kailangang usisain. Buhay nya yan. 'Di ko naman sya kilala.
Humigop ako sa tsaa ko nang hindi ko na sya matanong pa. Mula nang iangat ko ang tasa, hanggang sa pag-inom hanggang sa paglapag 'ko ulit nun, minasdan nya ako.
Ano ba 'tong taong 'to? "'Di ako TV Custan."
"You're so beautiful," banggit nya. Walang pag-aalinlangan nyang sinambit ang mga salitang yun.
Ha? Uh. Hmn. Magte-thank you ba 'ko? O binobola nya lang ako. Si Jade na fiancée nya ang maganda. 'Wag nga ako Custan.
Ngumiti sya. Bahagya pang pumikit ang mga mata nya. Pumangalumbaba sya sa harap ko.
Tsk, ang gwapo nya naman.
Teka, normal lang namang humanga ako diba? Sa ganda nyang lalaki... (lunok) sa ganda ng katawan nya... hayyy, sa ngiti nya... sa-sa mata nya... at hmmmn... sa bango nya?
"Tell me, what are you doing here? Where're you from? Originally? Where're you based? And where the heck is your husband? Bakit ka nya iniiwang mag-isa dito?" sunud-sunod nyang mga tanong.
"I could ask you the same questions Mister Estanislao," sabi ko.
"I have been entranced by your beauty, kaya nandito ako sa harap mo," sagot nya sa tanong nyang ibinalik ko sa kanya. "Formalities aside, ang ganda, ganda, ganda mo."
Hindi tama 'to. "I think I need to leave," sabi ko sa kanya. Kailangang maipaalam ko sa kanya na hindi ako kumportable sa mga sinasabi nya.
"Don't. But anyways, I'll follow you. I have to. Now that I've seen you," buntung-hininga nya.
"That's not healthy," kumento ko. "Hindi tayo magkakilala."
"Then I want to know you more."
"'Wag kang magpatawa. May asawa ako." Delikado 'to.
"I have to look at you," kakaiba nyang dahilan. "That's my only defense."
Nasisiraan na ata sya ng ulo. "Umayos ka," sabi kong muntik mapatawa.
"Ikaw lang ata ang makakagawa nun," nguso nyang sabi. "Fix me."
"Naparami ka na ata ng inom," pag-iiba ko ng usapan at puna ko.
"I think so," tango nya. "I'm becoming more honest." Mas lumapad ang ngiti nya. Napayuko sya at halos matawa. Tila may naisip, naalala o napagtanto syang masaya.
"Bakit?" usisa ko.
"Huh?"
"Bakit ka ngumiti? Yung ganun, yung kanina," tanong ko.
"It's like with you I had found what I've been looking for and I'm so happy. Pa'no pa kaya 'pag totoo na? When I've actually found her?"
Napakagat-labi ako. Bakit sya ganito? "Yung kamukha ko?" paghingi ko ng linaw.
Tumango-tango sya. "My love for her keeps me sane and because of that as well, I'm positive that I'll see her again."
Ano ba 'to? 'Diba ikakasal na sya?
"Why are you looking at me like that?" tanong nya.
"Magkaka-asawa ka na," lahad ko sa kanya bilang paalala kung nalilimutan nya.
"I know," sagot nyang may taas-kilay pa. "My fiancée reminds me every minute of every day."
Eh ayun naman pala. "Hindi ka magiging masaya kapag lagi mong hinahanap yung wala, yung hindi naman sa'yo, yung hindi ka kuntento sa kung anong mayroon ka. May Jade ka naman. Maganda, maba-"
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?