Chapter 10

2.1K 33 0
                                        

(A/N: Living on the edge: hindi ko in-edit 'tong chapter na 'to. Bahala na. Hahaha.)

"Custan pasensya ka na makulit ako," hingi ko ng paumanhin. "Sorry."

Nilingon ako ni Custan. Malamya ang mga mata nya. At naninigarilyo pala sya?

Pinatay nya yun. Napailing sya. "Sorry napa-yosi. I stopped a long time ago actually."

At napa-yosi sya ulit dahil kay Jade?

Umupo ako sa mga upuan dun. Tinapatan naman nya ako at umupo sa sahig sa harap ko, hawak ang mga tuhod ko. Batid kong malungkot sya.

Inangat ko ang mukha nya at tiningnan ko ang mga mata nya. "Wala akong alam sa maraming bagay at tinatanggap ko yun. Mahirap sa'kin yun lalo na't ako ang inaasahan ng mga kapatid ko. Pero sana yung mga bagay na gusto kong malaman sabihin mo naman. Hindi lang ako ang damay sa'ting dalawa, pati mga kapatid ko kasama sa mga desisyon ko pagdating sa'yo. Ano bang meron sa inyo ni Jade?"

Bumuntung-hininga sya. "She was my ex. I was young. She was my first girlfriend. Seryoso ako sa kanya. I was in love with her eh."

Umupo sya sa tabi ko. Ipinulupot nya ang kamay sa baywang ko. "Anong nangyari?" tanong ko.

"She was a budding model then. Bata pa kami nun eh. We were fifteen. Ngayon kasi high-fashion model na sya travelling kung saan saan."

Maganda. Mayaman. Matalino. Tapos pagkatapos nung relasyon na yun, ang seryosong girlfriend nya eh ako lang? Na nagtatanim lang sa bundok? Imposibleng mahal nya ako. At hindi kami magtatagal.

"Bakit kayo naghiwalay?" tanong ko.

Nagkuyom sya ng palad sa biglang galit muli. "She's fvcking ambitious kasi," sabi nya biglang tapon ng kaha ng sigarilyo sa dulo ng balkonahe nya. Kumalampag yun. Galit sya.

"Bakit galit na galit ka? Mahal mo pa ba sya? Naiinis ka ba dahil mas pinili nya ang trabaho nya kaysa sa'yo?"

"Oo!"

Napalunok ako. Hindi ko inaasahan ang pag-amin nyang yun. Bakit apektado pa rin sya? Mahal nya pa nga kung ganun.

Tumayo ako at umalis na dun. Ramdam kong gusto pa 'kong pigilan ni Custan pero hinayaan nya na lang ako.

Nahiga ako sa tabi ni Ning. Niyakap ko ang kapatid ko at lihim na lumuha.

Hindi ko kasi dapat minahal si Custan. Ang kulit ko naman kasi. Iba sya, ibang-iba. Ayan tuloy. Lumabas ang totoo. Panakip butas lang ako.

Naalala ko ang dapat gawin.

Pipirma na 'ko sa kontrata. Nasa kusina yun kanina binabasa ni Custan.

Pumunta ako sa kusina at naiwan pa nga doon ang kontrata.

Ang turo ni Custan, bawat pahina dapat may lagda.

Iyon ang ginawa ko. Pinirmahan ko na ang lahat ng pahina ng kontrata na may petsa ng araw na yun.

Pagkatapos ay kinatok ko sina Udong. "Udong?"

"Ate, gising ako," sabi ni Udong.

Pumasok ako ng kwarto. "Udong pumirma na 'ko sa kontrata. Aalis na tayo bukas. Bubukod na tayo."

"Gusto ko rin naman Ate na magsimula na ang buhay natin dito sa Manila pero bakit parang nagmamadali ka?"

"Mahirap umasa sa ibang tao. Maganda nang kaya nating tumayo sa sarili nating mga paa."

"Pero si Kuya Custan naman ay nobyo mo."

"Kahit na. Ayokong kakitaan tayo ng mali lalo na sa posisyon nya. Hindi tayo masama Udong pero kailangan nating laging patunayan yun at dapat makita ng lahat yun sa ikinikilos natin. Hindi tayo dapat mag-tagal pa dito."

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon