"We'll call Mister Martin! Right away!" nagmamadaling sabi ng Receptionist. "Jon, tawagan mo-" utos nya sana sa isang dumalo sa'min.
"No, no, no!" putol at tutol sa kanya ni Custan. "Call an Ambulance! Now!Hurry!" sabi nya. Binuhat nya ako. "We're going to be in front!" dagdag nya sa Receptionist. "Have the ambulance meet us there."
Nahilo na 'ko dahil sa kumusyon, sa sakit ng tyan ko at sa napagtatanto ko tungkol kay Sebastian at sa mga inililihim nya. Hindi ko na napansing naiupo na ako sa isang wheelchair. Si Custan ang nagtutulak sa'kin.
"Where's the freaking ambulance?!" dinig kong sigaw ni Custan sa mga tao nang nakalabas na kami sa main entrance ng hotel.
Sino sya sa buhay ko? Bakit ganito na lang sya makapag-alala sa'kin? Kilala sya ni Sebastian, positibo ako... bagay na hindi ibinahagi ni Sebastian sa akin.
May humarurot na sasakyan na biglang tumigil sa harap namin. "Dito na lang po Sir," narinig kong sigaw nung driver ng sasakyan.
Walang anu-ano'y binuhat akong muli ni Custan at maayos na isinakay sa sasakyan. Tumabi rin sya sa akin kaagad. "Bilis!" tapik nya sa upuan ng driver. Inakbayan nya ako para maalalayan sa magiging bilis ng sasakyan.
Gusto kong patigilin ang sasakyan dahil gusto kong sabihing wala akong pera o insurance o ID para sa pagpapa-ospital pero naisip ko ring hindi ko rin naman talaga kilala ang sarili ko. Baka hindi rin tama ang mga impormasyon sa ID ko.
Sino ba ako? Bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin maalala ang noon?
Si Sebastian. Malaki ang kagagawan nya sa'kin.
Mahal ko si Sebastian. Isa syang taong itinuring kong buong buhay at kaluluwa ko na, pero hindi ko alam kung anong mga tama sa mga pinagsamahan namin. Mali at pakana nya lang ata ang lahat - ang pag-aasawa namin... Nasaan ang, nasaan ang pamilya ko? Mga magulang, kapatid, kaibigan ko?... Niloko nya ako. Niloko ako ng asawa ko... o akala kong asawa ko. Pinagsamantalahan ako.
"You're crying," puna ni Custan sa'kin. Pinunasan nya ang mga luha ko. "Are you contracting? Masakit ba? Were you taught breathing exercises? Diba ganun yun? How're you feeling?"
Hindi ko sya masagot. Tiningnan ko lang ang takot na takot nyang mukha. Alalang-alala sya para sa'kin pero hindi ko alam kung sino sya sa buhay ko. Hindi ko alam kung malapit kami sa isa't isa at hindi ko alam kung bakit ko sya nakalimutan... o hindi maalala.
Tanda kong si Sebastian lang ang naaalala ko dahil tanda kong sya lang ang alam ko ang pangalan nung magising ako noong naaksidente ako...
Bakit ako basa? Nakakahiya! "Sorry, basa ako," hagulgol kong nasabi agad. Nakakahiya kay Custan. Nakakahiya dito sa sasakyan ng hotel.
Buti pinagmamalasakitan ako ng mga taong hindi ako kakilala. Teka... Ako rin naman hindi ko rin kilala ang sarili ko.
Aray. Anak. Masakit.
"Don't worry. Your water broke," ngiti ni Custan. "It's normal."
"Okay lang po yan Ma'am," sabi ng driver ng hotel. "Ano Ser?" patuloy ng driver. "Excited na po ba kayo sa baby nyo? First nyo po ba?"
Nagitla si Custan at tumingin sya sa'kin. Para syang nakakita ng multo. "How far along are you?" tanong nya.
Tiningnan ko lang sya. May posibilidad bang anak ng estrangherong ito ang ipinagbubuntis ko? Ako ba ang Ligaya sa buhay nya na ibinahagi nya lang kanina?
Pero diba mag-asawa kami ni Sebastian? At kanya ito?
Pero mag-asawa nga ba kami?
Mas umagos ang luha ko dahil hindi ko alam ang totoo. "Masakit ang hilab ng tyan ko," ang isinagot ko na lang sa kanya. Ayokong sagutin ng tama ang tanong nya. Ayokong kumpirmahin dahil hindi ko naman talaga alam kung sino ako para malaman kung sino talaga ang ama ng anak ko.
Eh di kung ako nga ang Ligaya sa buhay nya, iiwan nya rin ako? Para sa pamilya nya - kay Jade at anak nila? Sinabi nya yun kanina.
"Hang in there," sabi ni Custan na hawak ang mga kamay ko. Hinalikan nya ang mga yun.
Patuloy ang iyak ko dahil sa sama ng loob. Para akong lutang. Bukod sa humihilab ang tyan ko, masamang masama ang loob ko. Galit na galit ako sa sitwasyon at awang awa ako sa sarili ko.
Saan kami pupulutin ng anak ko?
Mas lalo akong napaiyak dahil hindi ko alam kung kanino ko ipapasa ang anak ko 'pag napagod na 'kong buhatin o alagaan sya. Sinong ilalagay kong ama sa birth certificate? Asawa ko ba talaga si Sebastian? Kung hindi, bakit nya ako ginaganito?
"She's bleeding fast," sigaw ni Custan sa mga pasilyo ng ospital. "Please help us now!"
"Anong pangalan ni misis Ser?" tanong ng nurse na pumigil sa'min kay Custan.
Tumingin sa'kin si Custan. Hindi sya sigurado. Gusto nya akong tanungin.
"Ligaya Martin!" isang sigaw ang sumagot sa tanong ng nurse.
Boses ni Sebastian yun.
Andito na sya. Malalaman ko na ba ang totoo? Kaya ko ba ang totoo?
Nilingon ni Custan ang tinig at matinding galit ang kaagad na rumehistro sa mukha nya.
Nakita ko nga si Sebastian sa paglingon ko rin kaya't nakita ko ring sinalubong sya ni Custan ng suntok.
Wala akong nagawa sa mga sumunod na nangyari. Hindi ko na lang sila pinanood. Ang alam ko lang, sumugod ang lahat sa kanila para paghiwalayin sila.
"Gago! You kept her!"
"She's my wife!"
"T*ng ina mo!"
"Ilabas nyo yang mga yan! They're crazy. Magugulo lang tayo dito!"
"Ay ano ba yan?!"
"Uy Ser."
"Tama na po! Tama na Ser!"
"Aray! Ser, awat!"
"Ayyy!"
Gusto kong mahimatay. Gusto kong mawalan ng lakas. Gusto kong lamunin ako ng lupa. Masamang masama ang loob ko. Pagod na pagod ang puso at isipan ko sa sakit na nararamdaman ng katawan ko pati na rin sa pag-intindi ko nang lahat nang nangyayari. Parang tinalikuran ako ng ligaya, ng bait, ng pag-asa... pero masakit rin ang tyan kong nagpapa-alala sa'kin na gusto nang lumabas ng anak ko, sarili kong laman at dugo. Sa kanya lang ako sigurado at anak ko sya at mahal na mahal ko sya. Kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong malampasan ang lahat. Kailangan kong ibaling ang atensyon ko sa maayos na paglabas nya.
"Hi. I'm Doctora Yulo," sabi ng Doctor sa'kin. "Your water broke na ano? But you're bleeding," puna nya.
Tumango ako. Nagkakagulo pa rin dahil sa mga sigawa ni Custan at Sebastian pero itinuon ko na lang ang pansin ko sa Duktor na nasa harap ko.
"Let's get inside," sabi nya at itinulak nya na ang wheelchair sa loob ng isang kwarto. Tinulungan ako ng isang nurse para makahiga ng maayos at maitaas ang mga paa ko sa stirrups na nasa kama.
"Do you have history here?" tanong nya. "Your OB?"
Umiling ako.
"Are you in pain?"
Tumango ako.
"Misis, kailangan ko ng sagot," buntung-hininga ng Duktor. "Tatawagin sana namin ang asawa mo pero hindi naman namin alam kung sino doon sa dalawa at saka magulo at mainit sila."
"Nag-break ata ang placenta ko bago nabasag ang panubigan ko," hayag ko kaagad sa Duktor. "Pagkatapos, patuloy na ang pagdudugo ko." Ayokong tawagin nya si Sebastian o si Custan. Kakayanin kong mag-isa ito. Pipilitin ko.
Ineksamin nya ang tyan at bukana ng sinapupunan ko. "We may have to operate on her now," sabi ng Duktor sa nurse. "C-section. Placenta previa."
"Sige Doc. Ipapa-accomplish ko lang yung form sa asawa," kamot ng nurse sa ulo. "Kanino ba Mam?" tanong nya sa'kin.
"Sebastian Martin. Yung mas matangkad," sagot ko.
BINABASA MO ANG
His (Completed)
Storie d'amoreBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?