Aba! Nagri-ring!!!
Anong sasabihin ko? Miss na kita Custan!? O - sorry mahal ko? Kumusta ka na?!
Sagutin mo! Sagutin mo!
"Hello?" boses ng isang babae ang sumagot.
"Uh, hello?" Bakit babae? Hindi nya na ba 'to numero? "Ah mali ata. Si Custan Iver Estanislao kasi-"
"Yes, this is his phone," mabilis na sagot ng babae. "He's just in the shower. This is Jade. You are? I'll tell him you called."
Napasinghap ako. Si Jade.
Si Jade.
Si Jade.
Nagkabalikan na siguro sila.
Ganun. Okay.
"Mangungumusta lang sana ako. Pero 'di bale na lang. Pakisabi na lang na tumawag si Ligaya... Dati nyang kaibigan."
"Owkay. Wonderful. Byeei!"
Natitigan ko ang phone ko nang narinig ko ng maputol ang tawag.
Nagkabalikan na sila ni Jade... yung matagal nya nang mahal.
Siguro basta masaya na sya ayos na rin ako. Oo siguro masaya na sya.
Akala ko...
"Ate?" tawag ni Udong ng pansin ko.
"Ha?" sagot ko sa kapatid ko.
"Anong nangyari?" tanong nya.
Malamya ko syang nginitian. "May iba na yata si Custan Udong... pero okay lang naman," paliwanag at sabi ko na lang. "Yung dati nyang kasintahan, yung si Jade."
Malungkot na ngumiti si Udong. "Mayaman eh. Mabilis nga sa kanila ang mga ganyang bagay. Hayaan mo na Ate. Mabuti at nalaman na natin. Ang mahalaga, maayos ang kalagayan nya. Mukha namang maayos sya kung nakaka-ibig na sya."
Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Udong. Kahit paano kasi'y umasa akong mahal pa rin ako ni Custan at maghihintay sya sa pagbabalik ko pero alam kong pangarap lang yun, lalo na sa isang tulad nya. Mabuti nang naging bahagi sya ng buhay ko.
Wala akong ibang maisip kundi si Custan at ang naging kapalaran ng pag-iibigan namin. Matindi ang lungkot ko ngunit hindi ko naman sya masisi. Kahit na nagkukuwento si Udong tungkol sa pag-aaral nya, hindi ko magawang tumutok sa sinasabi nya dahil si Custan pa rin ang iniisip ko. Bukod sa mahal na mahal ko pa sya, nasasabik akong makita, mayakap at maka-usap sya.
Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari sa'min ni Custan pero kung hindi ko ginawa ang ginawa ko, hindi makakapag-aral ang mga kapatid ko, at hindi kami mabubuhay.
Hindi nga lang ako maayos na nakapag-paalam sa kanya nung umalis ako. Hindi ko sya nakausap. Kahit sinubukan ko naman, hindi ko pa rin kasi nagawa.
"Hindi ka naman nakikinig Ate eh," puna na ni Udong.
"Paulit-ulit naman kasi Udong," sabi ko. "Oo na, magaling ka na sa klase nyo. Buti yan at sana tularan ka naman ni Utoy."
"Ay aywan ko nga dyaan kay Utoy. Napapabarkada pa ata. Mahuli ko lang yan Ate, makikita nya," banta ni Udong.
"Baka hindi mo dapat pagalitan," pagpapakalma ko sa kanya.
"Kailangang tutukan eh. Pero ang hirap naman kasi nun, an daming gawain tapos pa-asikaso pa sya. Ang Ning muna ang lagi kong una syempre dahil sa mga sakit nya."
"Ano bang nangyayari kay Ning at laging may sakit?" tanong ko.
"Wala naman kasing ganang kumain parati. Aywan ko ba sa batang yun. Pinipilit kong kumain minsan ay ayaw! Nawiwili sa telebisyon ni Tiya Issa," sumbong ni Udong.
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?