(A/N: Happy long weekend peeps! Sorry sa late UDs. Malapit na Pasko. Let's forgive!)
"You're being too hard on a lonely guy. Kausap lang naman ang hanap ko."
"May asawa akong tao Mister Estanislao," depensa ko sa sinabi. "At hindi kita kaibigan." At ayoko rin kitang tulungan sa klase ng problema na mayron ka.
"Let me walk you to your car, or suite? Are you staying here?" tanong at kilos nyang may kumpyansang hahayaan ko sya sa gusto nyang mangyari na paghatid sa'kin.
"Ayoko," tanggi ko at naglakad na palayo.
"I have to. You're pregnant," habol nya sa'kin.
Umirap na lang ako at bumuntung-hininga sa pangungulit nya.
Alalay nya ang likod ko habang palabas kami ng lounge.
Malapit ang katawan nya sa'kin na tila malapit kaming magkakilala. Tila inaamoy nya ako o sinusukat o pinag-aaralan ang tangkad o lapad ko. Dahil sa pagka-ilang ko sa mga inaasta nya, napapa-una ako ng lakad na sinasabayan pa rin nya.
Sinalubong kami ng Receptionist na ikinatuwa ko naman dahil, sa isip ko, mapuputol ang kakaibang trato ni Custan sa'kin. Bigla ko namang naalalang hindi pa pala ako nagbabayad o nagbibilin na charged sa kwarto namin ang mga inorder ko.
Ngumiti sa'min ang Receptionist. Bumaling syang una kay Custan. "Sir, charged to your account?" tanong nya.
"Yes," tango ni Custan. "Hers as well."
Ikinagulat ko ang sinabi nya. Ayoko sanang magpalibre pero gusto ko ring makasalba sa kahihiyan na tila tinakasan ko na lang ang mga inorder ko.
"Oh, okay, got it Sir," tanggap at tango ng Receptionist. Bumaling rin naman sya sa'kin. "We've charged yours to Sir Sebastian's account, Missus Martin, we will just cancel it," ngiti nya.
Ay in-automatic na pala nila. "Sige, thank you," payag ko na rin sa libre nang hindi na humaba pa ang usapan.
Palakad na 'ko nang mapansin kong kakaiba ang pagka-estatwa ni Custan. Tiningnan ko sya.
"Excuse me?" sabi ni Custan bigla sa'min ng Receptionist pareho. Binitawan nya ako saglit pero hinawakan rin ulit agad.
Pinaharap nya ako sa kanya, hawak ang likod at braso ko. Papikit-pikit sya. Laglag ang panga nyang tila tulala sa mukha ko. Malalim ang iniisip nya.
Naguguluhan ako sa mga ikinikilos nya. Pinag-aralan ko ang hindi maipintang ekspresyon nya sa mukha. Parang may biglang nagbukas ng switch sa kanya at nag-iba syang bigla dahil dun.
"Sir?" tawag-pansin sa kanya ng Receptionist. "Are you okay?" Tiningnan din ako ng Receptionist sa pagkalito sa ikinikilos ni Custan.
"Missus Martin?" tanong ni Custan sa'kin. Inulit nya ang pagbanggit ng Receptionist sa pangalan ko.
Tumango ako. Oo. Bakit?
Ah! Baka akala nya Martina ang pangalan ko? Yun ba yun?
"Ligaya Martin," paliwanag at paglilinaw ko sa kanya. "Pasensya ka na, hinayaan kong akalain mo na Martina ang pangalan ko. Yung waiter kasi kanina sa restaurant mali-mali, eh nagugutom na 'ko nun. Alam mo naman, buntis, ma-"
"You're married to Sebastian Martin?" putol at tanong nyang mabagal at may diin.
Oo.
Papalit-palit ang tingin ko sa kanya at sa Receptionist.
May prob...le...ma... ba?
"O-," Sasagutin ko na sana ang tanong nya nang napansin kong namumula na sya at tila nanginginig. Tila umaapoy ang mga mata nya sa pagkapula ng mga yun. Hindi ko alam kung na-impeksyon o umiiyak sya o napuwing. Ayokong isiping galit sya dahil kung galit nga sya, bakit naman?
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?