Chapter 40

1.8K 35 1
                                    

Ba't kasi sya nakatanga sa'kin?

Pangit ba makeup ko? Makapal ba masyado?

Minasdan ko ang suot ko. Wala naman akong napansing madumi o mali sa damit ko. Nang tumingin ako ulit sa kanya, nakatitig pa rin sya.

Teka magkakilala ba kami? Dapat bang pansinin ko sya? Kilala nya ba si Sebastian? Ang alam ko lang, crush ni Sebastian si Jade. Pero parang pareho silang racer ni Hubby?

Ay ewan! Gutom na 'ko!

Sandali lang anak ha, kakain na tayo. 'Wag kang magwala agad dyan.

Hinanap ko ang waiter. Gusto ko kasi sanang umorder din ng appetizer habang nag-aantay sa main course ko para maitawid ang gutom ko.

Napatingin ulit ako kay Custan dahil dama ko pa rin ang mga titig nya. Hindi ko sya dapat papansinin pero laglag-panga syang nakatingin sa'kin.

Parang nakakabastos na ah. Iba na 'to.

"Excuse me? Why are you staring?" tanong ko sa kanya. May kaba sa tanong kong yun. Mapapa-English pa tuloy ako nito dito sa foreigner na 'to. Foreigner sya diba? Imposibleng hindi sa tangos ng ilong nya at sa kutis nya.

"Li-ligaya? Si-si Custan 'to," nautal nyang sabi. Bahagya syang ngumiti pero halata pa rin ang gulat at pagkalito sa mukha nya.

Alam nya ang pangalan ko. Magkakilala nga ata kami.

"Missus Martina," tawag-pansin sa'kin ng waiter. "I'm sorry, but we have also ran out of Bucatini."

Mali mali naman 'tong waiter. Ano bang Martina ang pinagsasabi nito?

Kilala rin ako dito sa resto ah. Nabilinan din siguro 'tong mga 'to ni Sebastian. Grabe talaga yun.

At wala ring Bucatini? Magsara na lang kaya sila? Anong kakainin ko ngayon? Haaa, gutom na 'ko!

Kinuha ko ang menu sa waiter para pumili ulit ng kakainin.

"Martina?" singit ni Custan. Alam kong patungkol sa akin ang tawag na yun dahil sa maling banggit ng waiter ng pangalan ko.

"Yes?" sagot ko kay Custan. Nag-angat ako ng tingin para bigyan sya ng pansin.

Ang gwapo nya talaga. Mabait ang mga mata nya. At ang labi nya, natural na mapula.

Napakaswerte ni Jade. Good job girl.

"You're Martina?" ulit ni Custan.

"Huh?" Um. "Uh, yes," tango ko na lang para hindi na humaba pa ang usapan. Gutom na 'ko!

Martina... Hmmm, magandang pangalan yun ah! Mabanggit nga kay Sebastian nang maipangalan yun sa anak namin kung babae. Pero ampangit naman ng Martina Martin. Hahaha!

"Ma'am how 'bout our specialty for tonight? Foie gras in delicate cream with-" suhestiyon ng waiter na pinutol ko na.

"No liver for me please," iling ko. "I'll have Gemelli with shrimp, arugula and feta." Ngumiti ako at ibinalik ang menu sa waiter. "Thank you."

"Thank you Miss," sabi ng waiter bago nagpaalam.

"I'm sorry, but you're someone I know," lapit na ni Custan sa'kin. Mabilis ang pag-lapit nya na ikinagulat at ikinakaba ko.

"Sorry? Who are you again?" natanong ko na napaurong pa. Sa paglapit nyang bigla, nag-alinlangan na 'kong sya nga ang mapapangasawa ni Jade. Yung sikat na si Mr. Estanislao.

Kung sya, bakit sya pakalat-kalat? At bakit wala sya sa Palawan? 'Diba ikakasal na sila dun? Bakit 'di nya kasama ang mapapangasawa?

"Custan," sagot nya.

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon