Si Sebastian ang makakatulong ng maayos sa'kin sa ngayon dahil alam nya ang pagbubuntis ko pero pagkatapos nito, ayoko na. Hihiwalay na 'ko sa kanya. Hahanapin ko ang totoo kasama ang anak ko. Kakayanin namin. Kakayanin ko para sa anak ko.
"Sige po," sagot ng nurse at lumabas na ng silid.
Sa paglabas ng nurse, nabuksan din ang pinto sa gulo sa labas na iniwan ko. "Ligaya!" biglang sigaw ni Custan na biglang pumasok sa kwarto. Basa ang mga mata nya mula sa pag-luha, at pulang-pula ang mukha nya. "Ako ang boyfriend mo!"
Napasinghap ako sa hitsura at sinabi nya. Ipinipilit nya yung parang iyon talaga ang katotohanan. Paulit-ulit sya.
"Ligaya, hindi mo na ba 'ko naaalala?"
"Lahat? Bakit?"
"Anong ginawa ni Sebastian?"
"Ako ang boyfriend mo!"Pero hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Wala akong alam.
At kung ako nga... mag-aasawa na sya. Bakit, bakit... Ano ba talaga?
"Leave this room Sir!" sigaw ng Duktor sa kanya. "Please! This is a hospital! Ang gulu-gulo nyo!"
"Bitawan nyo 'ko!" pagpupumiglas ni Custan habang inilalayo sya sa'kin. "She needs me. She needs to know truth! Ginago sya!"
"Stop it Custan! Umuwi ka na!" sigaw ni Sebastian sa kanya. "Wifey, we'll talk, okay?" sabi din nya sa'kin habang hawak ang form na ibinigay sa kanya ng nurse. Pilit syang ngumingiti pero kita sa mukha nya ang galit kay Custan. May tuwa rin sa kanyang hindi sya ang pinipigilan ng mga tao roon kundi si Custan.
Nang mawala na si Custan sa paningin ko, na isinisigaw pa rin ang pangalan ko, dinig kong palayu na sya ng palayo. Pahina na kasi ng pahina ang mga sigaw nya.
Ako nga ang Ligaya na tinutukoy nya. Ako ang sinasabi nyang mahal nya, pero hindi nya mamahalin.
Sa pagtanto ko ng mga pangyayari, tumulo lalo ang mga luha kong nung nauna'y nahihiya-hiya pa. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga nagaganap.
Iniwan nya ako dahil kay Jade at sa anak nila. Kaya ba hindi ko sya maalala? Kinalimutan ko ba syang pilit? Mahal na mahal ko ba sya? Gaano ba kasakit?
Gaano na kaya katagal mula ng maghiwalay kami? Anak ba nya ang nasa sinapupunan ko o anak ni Sebastian?
Mas nahabag ako sa sarili. Masakit ang hindi ko alam kung gaano kasakit ang dapat kong maramdaman kay Custan pero mas masakit ang kay Sebastian. Pakiramdam ko'y napaglaruan ako ng marami, ginamit, pinaniwala, niloko at iniwan sa ereng mag-isa. Kahit masakit ang tyan ko, mas masakit ang nararamdaman ng puso ko.
Kung mahal ako ni Custan, bakit nya ako hinayaan kay Sebastian?
Bakit ako niloko ni Sebastian? Bakit nya pinagsamantalahan ang sitwasyon? Bakit nya ako pinaniwalang may relasyon kami? Bakit nya ako ikinulong at inilayo sa katotohanan? Akala ko ba mahal nya ako?
O mahal nya nga ba ako? O kailangan nya lang ako? Dahil mag-isa sya? Dahil iniwan sya ni Jade? O dahil gusto nya lang gumanti kay Custan?
Bakit naman ako naipit sa gitna? Bakit naman ako pa? Bakit ako napaglaruan? Nagamit? At ngayon, may bata pang nadamay. Ang pinakamamahal kong anak!
"Wifey, kumusta," pasok at sugod ni Sebastian sa akin. "Sorr-"
"Lumayo ka," agad kong nasabi. Bulong na lang ang lumabas sa akin dahil sa hinanakit ko sa kanya. "Layo," mariin kong utos.
Gusto ko syang ihambalos kung kaya ko lang syang buhatin at ihagis ng malayo sa akin. Nandidiri ako sa kanya. Iniisip ko lang ang mga ginawa namin bilang mag-asawa ay nanliliit ako sa sarili. Ibinigay ko ang sarili ng buong-buo sa taong hindi ko ata talaga kaanu-ano.

BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomantikBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?