Chapter 50

2.6K 46 1
                                        

(Thank you all for reading this. Took me quite some time to post this already done chapter.)

(A bit SPG-ish)

Ilang ulit naming ginawa ang ginagawa ng mga mag-asawa nang gabing yun. Hindi na 'ko nahihiya at naging natural na sa'king mahalin ko sya sa ganung paraan.

Dama ko ang kasabikan nya sa akin sa aming pagniniig. Bukod don, alam kong nakikiramdam rin sya dahil alam nyang nagkaroon na ako ng takot sa pagbibigay ng sarili dahil sa karanasan ko kay Sebastian - mga ilang patunay na malaki ang respeto at pagmamahal nya sa akin at sa nakaraan at naranasan ko.

Nang mag-umaga, pinuntahan namin agad ang puntod nina Inang at Itang. Nagsabi ako ng ilang dasal habang nag-alay ng bulaklak si Custan at nagsindi ng kandila.

Ipinagpasa-Diyos ko ang pangangalaga sa kaluluwa nila. Humingi ako ng tawad sa ilang taong nakalimot ako at hindi ako nakadalaw sa kanilang puntod. Tahimik ko ring ibinalita ang kalagayan ng mga kapatid ko. Alam ko namang nalalaman na nila pero may galak na nasasabi ko ng may kumpyansa na napangalagaan ko sila kahit paano.

Nagpasalamat ako sa Diyos na nakilala ko si Custan, minahal nya ako at naging tulay sya sa pagbalik ng alaala ko at pagbalik ko doon sa lugar kung saan ako lumaki at nagka-isip. Buo na ang nakaraan kong gagabay sa kinabukasan namin. Hindi ko man maalala ang parte ng buhay ko nang makilala at magsimula kami ni Custan, alam kong pupunuin nya naman ang bukas ko. Kukumpletuhin nya ako.

"When can we get married?" tanong ni Custan habang pababa na kami mula sa puntod at pabalik na sa hotel.

"Ikaw. Kailan mo ba balak?" tanong ko.

"Bukas," sabi nya agad.

"Ganon ba kadali yun?" halos tawa ko sa gulat sa sinabi nya.

"I know, it's not. I was engaged once. But I'll make the process quick. I want to spend the rest of my life with you."

"'Wag tayong magmadali kung hindi naman kailangan. Kampante naman akong nandyan ka para sa akin, para sa pamilya natin," paniniyak ko sa kanya.

Hinalikan nya ang kamay ko. "I know. But fate can intervene and take you away from me again. Ayoko na, nakakapagod na. I'd fight for you over and over but if I can help it-"

"Sa'yo ako at mahal kita," putol ko sa kanya. "At alam kong mahal mo rin ako. Wala nang makakapaghiwalay sa atin. Quota na tayo sa magulo, sa masakit, sa mahirap."

"I love you Ligaya."

"I love you din Custan."

Hinalikan nya ako sa paanan ng bundok, sa gitna ng kagubatang nag-alaga at nagmulat sa akin. Ibinalik nya ako sa kinagisnan kong mundo at alam kong kumumpleto ito sa akin pero batid ko ring nasa mundo nya na rin ako. Sya na. Sya na talaga.

Niyakap nya ako at nadama ko ang saya nya. Hindi na kailangan pa ng mas maraming salita sa pagitan namin. Kuha ko na sya at kuha nya na ako.

Kinuha nyang muli ang kamay ko at inalalayan pababa ng bundok. Masaya at kuntento ang mga ngiti namin. Magsisimula na kami ng buhay na magkasama, magiging opisyal na. At totoo na talaga. Totoo at may pagmamahal.

Sya na ang makakasama ko habambuhay. Sya na nga talaga.

Pagkaraan ng ilang buwan...

"Okay lang ba na dyan ka?" tanong ko sa kanya sa phone.

"Halika dito. Samahan mo 'ko dito," sabi ni Custan. Nasa kabilang kwarto sya dahil gusto ni Hope na kami lang dalawa ang nakahiga sa kama. Sinisipa nya si Custan pahulog ng kama kapag hihiga ang tatay nya kaya naisip na lang naming sa gabing yun, lumipat si Custan ng higaan.

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon