Chapter 20

2K 38 8
                                    

(A/N: Ito super Tagalog. Yung isa kong ina-update kasabay nito super English naman. Saya lang. #mema)

Ako kaya ang iniisip nya habang...

Ano ba yan?!!! Mahalay!

"Kain na Custan," sabi at tulak ko ng dalahan ng pagkain papasok ng tuluyan sa silid nya.

"Pinapatay mo ba 'ko, ha Ligaya?" inis nyang tanong.

Buong katawan akong humarap sa kanya. Napatingin sya sa dibdib ko. Nag-iwas din kaagad sya ng tingin. "Pa'no? Pa'no kita pinapatay?" tanong ko.

"Sa gulat! Kakatok ka dapat!" sigaw nya.

"Nagsabi naman ako. Malay ko bang abala ka sa sarili mo," may asar na sabi ko.

"Ilagay mo na lang dyan yung pagkain. Ako na'ng bahala."

"Mahihirapan ka. At saka baka matapon mo pa 'tong sabaw. Sinigang na isda pala ang ulam. Kung ayaw mo, nag-prito ako ng hotdog."

"Okay na yan. Salamat."

Nagsabi ba sya ng salamat? "Ano daw? May narinig akong kakaiba ah." Awww! Lumalambot na sya!

"Hindi ko na uulitin," madiin at masungit nyang sabi.

"Uy nagpasalamat sya," biro ko. Ang saya! Bago 'to sa kanya!

"Umalis ka na Ligaya. Ako nang mag-isa ang kakain," pilit nya.

"Sige. Bahala ka. Okay lang. Nagpa-salamat ka na eh. Kaya kahit ano ibibigay ko sa'yo. Buti naman pala at napapahalagahan mo ang mga ginagawa ko."

"An' dami mo pang sinasabi eh. Alis na!"

"Babalik ako pagkatapos ng limang minuto," masaya kong sabi. "Ayan ah, may warning ka na," sabi at turo sa kanya.

"'Wag mo nga akong asarin. Lalaki ako, ginagawa talaga namin yun," singhal nya.

"Yung alin?" maang-maangan ko.

"'Wag mo 'kong bwisitin!"

"Okay, sige. Aalis na 'ko. Babalik rin ako."

"Hindi ka ba kakain?" tanong nya bigla.

Nag-aalala sya?! "Kakain na. Sa labas," sagot at ngiti ko.

"O sya sya sige. Kumain ka na sa labas."

"O gusto mo tabihan kita sa pagkain?" tanong at lapit ko sa kanya.

"Ayoko. Alis!" sigaw nya.

"Owwkay."

Palabas na 'ko ng tinawag nya ako ulit. "Ligaya."

Na-miss nya na 'ko agad? "Nagbago isip mo? Gusto mong sabayan na kita dito sa pagkain?" asa ko.

"Mag-palit ka ng damit. Magpatong ka o magsuot ka ng bra. Hindi magandang ganyan ka sa harap ko. Nagtatrabaho ka lang sa'kin Ligaya. Amo mo ako at hindi dapat ganyan ang hitsura mo."

Seryoso sya at seryoso ang tingin nya sa mga mata ko.

Napalunok ako. May punto sya pero masakit ang pagkaka-sabi nya nun.

"Oo nga pala. Trabaho ko nga pala 'to. Sorry po Sir," sabi ko.

Akyat-baba ang emosyon kay Custan. Akala ko nakaka-alagwa na 'ko sa kanya pero bigla na lang syang mag-sasalita ng masasakit at balik na naman kami sa dati.

Tumawag si Elisa habang kumakain ako ng tanghalian sa kusina. "O Ate, kumusta?" bati nya.

"Matigas pa rin ang amo ko. Pinagpapalit pa 'ko ng damit. Walang epekto," pamamalita ko.

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon