"Huh," singhal ni Custan sa sinabi ni Miss Rina. Muntik pa syang matawa.
Napayuko pa 'ko lalo sa naging reaksyon nya. Hindi ko alam ang gustong sabihin ni Miss Rina sa kasal na nabanggit nya pero tila biro iyon kay Custan na tila para sa kanya malayo sa katotohanan.
"Iwan mo nga kami Rina," inis na dagdag at utos ni Custan.
"Kayo ni Ligaya? Bakit?" tanong ni Miss Rina, nang-hahamon.
"Nobody would be able to get a word out of me 'pag 'di mo ginawa yun ngayon na. Leave Rina now!" marahas na utos ni Custan.
"You can't scare her Custan. And I won't let you. She's determined to stay, to help you," sabi ni Miss Rina.
"Leave!!!" sigaw ni Custan sa kanya.
"Your Uncle Rico wants you to have a good life. He wants to give your inheritance early but you have to deserve it, hindi yang ganyang puro ka kalokohan. You love Ligaya diba? Hindi ka naman magkakaganyan kung hindi mo sya mahal at hindi ka nagalit sa pag-alis nya. This is a win-win situation for all if you only let it. If ayaw mong gawin para sa sarili mo, do this for Don Rico Custan. Masama ang lagay nya at-"
"Fvck Rina! I told you to leave!" dagundong ng boses ni Custan. "Now!"
Hala.
"Ang ingay mo, aalis na sige," ayon na ni Miss Rina. Bumaling sya sa'kin. "Don't believe what he's going to tell you. Baliw yan. Usap tayo bago ka umuwi ngayon okay? 'Wag kang basta basta aalis."
Tumango ako kay Miss Rina.
Nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari at sa mga salitang nabitiwan. Hindi ko inasahang magsisisigaw si Custan. Napakabastos nya kay Miss Rina. Nagulat din akong nilalabanan sya ni Miss Rina sa ganoong paraan. Nag-uunahan ang mga isipang yun sa loob ko habang pansin kong tila tagos tagos ang tingin ni Custan sa'kin. Nakakapanusok ang mga tingin nya.
Mahal pa nga ba 'ko ni Custan? Kaya ba sya nagkakaganito dahil naiwan ko sya? Napalunok ako sa kaba, sa hiya sa kanya at sa galit sa sarili ko.
Narinig ko ang pagsara ng pinto na gumulat sa mga naiisip ko. Nakalabas na si Miss Rina.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong agad ni Custan. Galit na galit ang mga mata nya. Lumalaki rin ang mga butas ng ilong nya. Pansin kong may pag-nginig sa kanya. Nagpupuyos sya sa galit.
"Uh-" simula ko sana.
"Umalis ka na diba? Dapat dun ka na lang sa kung nasan ka!" sigaw nya. Nanginig ang boses nya.
"Custan-" hakbang ko. Naramdaman kong tumulo ang luha ko.
"You're not going to be here. Mahiya ka naman!" sigaw nya.
Nilapitan ko sya. "Custan, pakiusap."
"I don't ever want to see you," buong galit nyang bulong. Nakita kong may mga pumatak na luha sa mga mata nya. Nadurog ako dun, nalusaw ang puso ko sa naging hitsura nya. Namula ang mga mata nya sa naglalawang luhang susunod sa mga nahulog na.
Hindi kinaya ng damdamin ko ang naging pag-iyak nya. "Custan-" may pagmamakaawa kong sambit ng pangalan nya bilang umpisa sana pero pinutol nya yun.
"Umalis ka na Ligaya. Tagalog yan. Naiintindihan mo naman diba?" Diretso ang tingin nya sa'kin. Seryoso sya.
Malinaw ang gusto nya at batid kong iyon talaga ang nais nya pero hindi ko sya iiwan. Lalo nang ganun ang lagay ng katawan at damdamin nya. "Custan sorry-"
"Pvta, saan? Sa pag-iwan mo sa'kin? Sa gitna ng pagkakadisgrasya ko? Pagkatapos ng pag-aalaga ko sa inyo? After saving your baby sister from death? Saan Ligaya? Sa pagbabalewala mo sa'kin?"

BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?