Chapter 39

1.7K 41 4
                                    

(A/N: Here you go Crestel! :) )

Huminto ang sasakyan sa harapan ko.

Ilang pulgada na lang, masasagasaan na talaga 'ko. Patay na dapat ako. Hay salamat. Buti na lang. Thank you Panginoon!

Natulala ako sa muntik nang mangyari.

Muntik na 'kong masagasaan.

Mabilis na umulit-ulit sa'kin ang muntik nang naganap kaya paulit-ulit rin sa'kin ang pasasalamat.

"Wifey!!!"

Nagulat ako sa narinig na boses ni Sebastian. Nagulat rin ako nang makita ko sya. Lulan pala sya ng sasakyan na muntik ng makasagasa sa'kin.

"What are you doing out?! You were almost hit!" sigaw nya. "Are you alright?! Let's go!"

May gulat pa rin akong nagpadala sa akay nya. Isinakay nya ako sa sasakyan na muntik nang makasagasa sa akin. Masaya at mabuting nandoon agad sya sa tabi ko pero batid kong lagot rin ako sa kanya.

"Ma'am sorry po," sabi ng driver sa'kin pagkapasok ko ng sasakyan. Hindi ko sya kilala. Noon ko lang sya nakita. "Okay lang po ba kayo?"

Tulala lang akong nakatitig sa driver. 'Di pa rin ako nakapagsalita dahil pa rin sa gulat.

"Ligaya! What were you doing out?!" sigaw ni Sebastian sa'kin. Natingnan ko tuloy sya. "Muntik ka nang masagasaan!"

Nakahinga na 'ko kahit paano nang maisip na buhay pa talaga ako at kinagagalitan pa nga ni Sebastian sa loob ng sasakyan.

"Kasama ko si Mae," mahina kong sabi at katwiran.

"O eh asaan na sya?" tingin ni Sebastian sa paligid. Hindi pa kasi umaandar ang sasakyan.

Baka nauna na. Takot yun sa'yo eh.

"Ser iandar na po ba natin?" tanong ng driver kay Sebastian. "O may inaantay pa po-?"

"Sige, sige," sagot ni Sebastian. "Andar mo na."

Biglang may kumatok sa mga bintana ng sasakyan, "Ligaya! Ligaya!"

Sino yun?

Pilit kong inaninag ang tumatawag sa'kin mula sa labas pero hinaharangan ni Sebastian ang tingin ko.

Beep! Beep! Beeeeep!

Malakas na ang mga busina ng sasakyan sa likod namin para umandar na kami at nang magpatuloy na ang trapiko.

"Saglit," sabi ko sa driver.

"Iandar mo na Greg. Umalis na tayo," pagmamadali ni Sebastian.

Pero may tumatawag sa'kin. Sino yun?

"Ligaya!!! Buksan mo 'to! Ligaya! Si Manang-"

"Eh kakilala nyo po ata yung kumakatok," sabi ng driver kay Sebastian.

"We're in the middle of the road Greg. Drive!" utos ni Sebastian.

Wala na 'kong nagawa. Tulala ko na lang na sinundan ng tingin ang babaeng kumatok sa pintuan habang palayo na kami doon.

"Kilala ba natin yun?" tanong ko kay Sebastian.

"You had me worried," sabi ni Sebastian sa'kin. "Malakas pa rin ang tibok ng puso ko o! Feel it!" Ipinahawak nya sa'kin ang dibdib nya at malakas nga ang tibok nun. "You almost died! I almost lost you and our baby!"

"Sorry," sabi ko. "Ako rin naman natakot."

"You're stressed out now! The baby's stressed. Sabi ko naman kasi sa bahay ka lang."

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon