Aliw na aliw ang mga kapatid ko sa nakikita nila sa baba ng helikapter. Ako naman nakatingin sa taas, o sa tuhod ko, o sa bag ko, kahit saan 'wag lang sa labas, sa tanawin sa baba.
Pinapaalala ko pa sa sarili kong huminga. Maayos ang lipad namin pero puro masasama ang naiisip kong mangyayari sa'min. Pinilit kong hindi takutin ang sarili ko.
Si Custan naman yakap yakap pa rin ang Ning na mahigpit ang kapit sa kanya. Umiiyak si Ning tulad ng hula ko pero binubulungan sya ni Custan, inaalo, at minsan hinahalikan sa ulo para tumahan.
Mabuti nga si Custan para magmalasakit sa amin ng ganito. Pwede naman nya kaming papirmahin na lang at bahala na kami sa mga buhay namin pero inaasikaso nya kami.
Nangangatog pa ang tuhod ko nang makababa kami mula sa helikapter. Lumapag din kasi kami sa napakataas na gusali na hindi naman kalaparan. Pakiramdam ko, liliparin ako sa lakas ng hangin dun, hanging may dulot rin ng helikapter.
Nakababa na kaming lahat. Sinundan namin si Custan na buhat pa rin si Ning.
"Welcome to my bahay guys," sabi nya pagkababa namin ng isang palapag mula sa pinagbabaan namin.
"Saan?" tanong ko.
"Ito na. We're here," sabi nya.
"Buong gusali?" tanong ni Udong.
"Hindi naman. Buong floor. But yeah, the whole building's being maintained by my company so yeah, the whole building," sagot ni Custan.
"Wow," nasambit ni Utoy na nagsimula ng maglakad palayo sa'min para tingnan ang paligid.
"Utoy dito ka lang," tawag ko sa kanya pabalik.
Tumingin si Utoy kay Custan. Tinanguan sya ni Custan kaya tumakbo na si Utoy palayo.
"Custan. Baka makabasag sya," sabi kong may pag-aalala. "Akina si Ning. Kanina mo pa buhat yang batang yan."
Ayaw bumalik sa'kin ni Ning. "Udong tingnan mo nga 'tong kapatid mo oh," sabi ko. Paglingon ko, wala na rin si Udong.
"Custan nasan na ang mga kapatid ko?"
"Hayaan mo na sila. Ihiga mo na 'tong si Ning. Inantok na kaiiyak."
Sinamahan ko si Custan na ihiga si Ning. Hindi naman sya binitawan ni Ning.
"Ning sama ka na sa Ate," sabi ko sa kapatid ko. "Hindi ka ba nahihiya kay Kuya Custan kanina ka pa nagpapabuhat sa kanya o."
Ngumiti lang si Custan sa'kin. Naaaliw sya sa mga reaksyon ni Ning.
Pinakitaan ni Custan si Ning ng cellphone nya. May pinapanood sya dun. Kinuha yun ni Ning kaya binitawan nya na si Custan.
Tumabi sakin ng upo si Custan sa kama.
"Ang mga kapatid ko hindi na sumusunod sa'kin. Mas nakikinig na ata sila sa'yo," pahayag ko kay Custan. "Hindi maganda yun."
"They're just growing up. Mga bata pa sila eh. Mas kukulit pa yang mga yan," sabi nya. "Wow, I can't believe the stuff I'm saying."
Buti malawak ang pang-unawa ni Custan at hindi sya naiinis sa'min. "Salamat ah," sabi ko.
Kinurot nya ang pisngi ko. "No worries. Para sa'yo naman eh. For you guys." Hinalikan nya ang pisngi ko. "I actually didn't know I'm good with kids. I thought they annoyed me as hell before. But I think I'm quite okay now 'no?"
Mukhang natutuwa si Custan sa napagtanto pero alam kong hindi dapat kami mas mapalapit sa kanya.
Naisip ko ang dapat kong gawin agad, ang tapusin ang kung anong meron kami. Hindi kami pwedeng mag-tagal ng taong kahit mabait ay may ibang mundo sa'kin, sa'min. Hindi ako pwedeng mabuhay sa imposible. "Custan may sasabihin ako sa'yo."

BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?