Makalipas ang ilang buwan...
"Don't tell me I had missed my baby saying Mama?" nag-aalalang tanong ni Custan habang ibinababa ang mga gamit ni Hope na dala nya. Susunduin na nya si Hope bago ako pumasok ng trabaho.
Na kay Custan si Hope buong araw habang nasa trabaho ako. Pumapasok ako bilang Saleslady sa isang jewelry store. Susunduin ko na lang si Hope sa gabi sa penthouse ni Custan kung saan pinipilit nya 'kong lagi na dun na lang kami magpalipas ng gabi. Lagi syang ganun pero parati rin naman ang tanggi ko.
Nung una tumatanggi ako kasi 'di ko pa sya talagang kilala. Ayoko nang maulit ang nangyari noon kay Sebastian. Nag-ingat na 'ko. Kahit naman si Custan ang tatay ni Hope, at noon ay magkasintahan kami, dahil hindi naman bumalik ang alaala ko, estranghero pa rin sya sa'kin.
Nitong huli naman, tumatanggi ako sa alok nyang sa bahay nya na matulog at manirahan dahil sa hiya na lang. Naiisip ko ring paunlakan sya minsan, para na rin sa bata, para hindi na mahirapang bumyahe-byahe pa si Hope, pero hindi ko naman alam kung pa'no sabihing oo, kung pa'no pumayag. At dahil ganun, hinahatid rin kami ni Custan pauwi sa bahay - sa bahay na kasama ko ang mga kapatid ko.
"Tsk," nguso ko. "Hindi nga eh. Dada nga lang ng Dada na parang hinahanap ka." Nakatitig ako kay Hope. Umaasa akong bigla syang magsasalita ng Mama kahit na ilang gabi ko nang inaantay yun mula nung nagsimula syang magsalita ng Dada.
Syempre bilang ina, nagseselos ako. Mas gusto kong ako ang nag-aalaga kay Hope. At nung una'y pinabubulaanan ko pa sa sarili pero naglao'y naging aminado na rin ako na mas close na silang mag-ama kaysa sa'ming mag-ina.
"She'll come around," sabi ni Custan. "Wala eh, favorite nya talaga kasi si Dada nya." Binuhat nya si Hope. Sumama naman agad ang bata. Tuwang-tuwa pa nga sya na Dada na nya ang bubuhat sa kanya. Hinalikan nya ng hinalikan si Custan.
"Iyak sya ng iyak. Buong gabi," sumbong ko sa tatay nya habang tila wala ng ibang tao sa mundo nila. Tuwang-tuwa sila sa isa't isa na parang wala ako sa silid.
"Talaga? Aww, wawa naman si baby," halik ni Custan sa kamukha. "Isayaw mo kasi dapat sya. Gusto nya nun eh." At sinayaw sya ni Custan na ikinatawa ng bata.
"Hindi nya 'ko pinatulog buong gabi kakaiyak nya. Wala namang sakit, busog naman, hindi naman sya basa. Mukhang nag-iinarte lang talaga. Mukhang hinahanap, tinatawag ka. Pa'no na naman kaya ako nito mamaya sa trabaho dahil sa puyat," dugtong ko.
"'Wag ka na kasing pumasok. I've been telling you that. Spend the day with us," yaya ni Custan.
"Nye," nguso ko dahil gusto ko naman talaga. "Syempre kasi kailangang pumasok," sagot ko.
Gusto kong hindi na talaga pumasok sa trabaho para ako na ang makapag-alaga kay Hope, o gusto kong magkaroon man lang ako ng mas maraming oras sa kanya, pero kailangan kasing kumayod. Maraming gastusin sina Ning at Utoy sa eskwela. Sa akin kailangang manggaling ang pampaaral nila at hindi sa tulong o tustos na gustong ibigay ni Custan. Hindi ko naman kailangang problemahin ang gastos kay Hope dahil si Custan naman ang may gustong gumastos sa lahat pagdating sa anak namin.
"Your years with Hope is irreplaceable," simula ni Custan. "Lalaki na sya before your very eyes. Ako I see her grow up everyday. You don't. Ayoko lang magsisi ka. Ikaw din."
Eh 'di sya na. Sya na ang laging kasama ng anak ko!
"I know you want to spend more time with Hope. You could do that," patuloy ni Custan. "Just say yes."
Eto na naman sya. Pero kasi...
"Hmmm," natutuwang sabi ni Custan. "Mukhang 'di ka na tumatanggi ah. Am I winning? Nananalo na ba kami ng anak natin?" silip ni Custan sa mukha ko. Itinatago ko kasi ang ngiti kong alam kong lagi nyang puntirya.
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?