Chapter 22

1.9K 45 3
                                        

Napakasarap talagang inisin ni Custan!

Maayos ko na syang naalalayan paupo sa kama nya. Hindi ko pa sya nasusuotan ng damit dahil alala kong baka madulas kami sa banyo kaya minabuti kong sa kama na lang sana sya damitan.

Ang bango ni Custan!

Biglang may lumagabog. Iyon ang main door ng bahay.

"Yo, yo, yo! Wassup Custan?!" biglang narinig namin.

"Dude!!! Race ulet!" isa pang sigaw.

"Knock, knock!" hiyaw pa.

Mga boses iyon ng mga lalaking sa tingin ko'y kapapasok lang sa bahay ni Custan.

Napatingin si Custan sa'kin, sa dibdib ko, sa hitsura ko. May pag-aalala dun.

"Ligaya! Dun ka sa CR bilis! Mag-lock ka!" mabilis nyang utos na pabulong.

Bigla ang kaba at taranta ko. "Ha? Magpapalit na lang ako-" Basa ako at ang suot ko, mahalay, 'di maaaring makita ng mga bisita!

"Wala ng oras! Bilis! At 'wag na 'wag mong bubuksan ang pinto kahit anong mangyari," bilin nya.

Ha?

Kahit may pagtataka, sinunod ko sya.

Hindi nya naman siguro ako ikinahihiya.

Pagka-sara ko ng pinto ng CR pagpasok, saktong bumukas ang pinto ng kwarto ni Custan at pumasok ang mga lalaking dumating.

Wala pa nga pala syang suot!

"Whoa! Tayung-tayo ang alaga pare ah! Kasha-shower! Hoo!"

"Tang'na mo pare! Baldado ka na nga pero you're still getting some? May babae ka dito 'no? Iba ka!"

"Anong ginagawa nyo dito?" dinig kong tanong ni Custan. Hindi masaya ang tono nya sa pag-bisita ng mga lalaking yun.

"Sabi nga ni Lilibeth active ka pa rin eh. Galing daw sya dito last week for fun times. Pare, sinong girl mo ngayon?"

"Umuwi na kayo. Wala kayong mapapala dito," sabi ni Custan.

"Maganda 'tol for sure. Tayung-tayo sya kanina eh."

"Yayayain ka sana naming mag-race ulit. Dun ka sa passenger's side 'tol. Inspiration kita."

"'Tol, sinong girl mo ngayon?"

"Mga gago kayo! Umuwi na kayo!" sigaw ni Custan. May pag-aalala na sa boses nya.

Hindi nya ako ikinahihiya. Pinoprotektahan nya ako.

"An' damot mo p're. Sinong ka-bed mo?"

"Tang'na! Nasa CR 'no?"

Hala.

"Gago! Umuwi na kayo!"

Mas bumilis ang tibok ng puso ko.

Mukhang hindi maaayos ang mga lalaking 'to. Sana wala naman silang gawing masama.

May phone ba ako dito sa CR? Naku, wala! Nasa kusina!

Nakita ko ang damit na sinuot at hinubad ni Custan sa loob ng CR kaya yun ang ipinatong ko sa sariling suot.

"Ay an' damot! Dati Custan nagshe-share ka. Compare notes pa nga tayo diba?"

"Pare, artista? Model? College girl? High school? Masarap 'no! Kaya hindi ka nagshe-share! An' sama mo!"

"'Tol! Uwi na kayo. Umalis na kayo!" sigaw nya pa.

Umalis na kayo. Please.

"Gago! Damot!"

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon