Chapter 15

1.9K 39 11
                                    

Si Custan? Talaga? Pero ano daw? May sakit? Disabled? Ano bang nangyari?

Tiningnan ko si Don Rico. Hirap syang huminga. Hindi ko naman pwedeng ratratin ng tanong si Don Rico tungkol kay Custan.

"Si Custan po? Ano po bang nangyari sa kanya?" 'di ko na napigilang tanong.

"Speak to Rina hija. I can't quite speak now."

Sabi ko nga. "Sige, sige po, pasensya na po. Mag-pahinga na po kayo," sabi ko habang paatras na paalis.

"Ligaya," habol nya.

"Po?" Lumapit ako ng bahagya sa kanya.

"Don't fail me. Take care of my Custan. He's like a son to me."

Matindi ang tango ko. "Opo. Opo Don Rico," sagot ko. "Pahinga na po kayo."

Iniwan ko syang nakangiti. Ipinikit na nya ang mga mata. Ikinapagod nya ata ang pagsasalita pero mas gumaan ang hitsura nya pagkatapos ng pag-uusap namin kaysa nung dinatnan ko sya.

"Miss Rina okay na po ata," sabi ko agad sa kanya paglabas ko.

Tumango sya. "Wait here," sabi nya sa'kin. Pumasok sya at dalawang lalaki na mga nurses ata, o yung isa Doctor 'di ako sigurado, sa loob ng kwarto ni Don Rico.

Asan si Custan? Kung malala ang Tiyo Rico nya, dapat andito sya dumadamay.

Maliban na lamang kung malala rin sya?

Hala, ano bang nangyari? Nung gumising na sya, nagkasakit ba uli sya?

"Miss Rina, si Custan po?" tanong ko agad ng lumabas sya sa kwarto ni Don Rico. 'Di nya na kasamang lumabas ang dalawang lalaking kasama nyang pumasok dun.

"Pupuntahan natin sya ngayon. So you've agreed to work huh? Sabi ni Don Rico pumayag ka na," sabi at ngiti nya.

Tumango ako.

Tumango rin sya. "Halika na. Sumunod ka sa'kin."

Ramdam ko ang bigat ng trabaho ni Miss Rina. Kahit pangiti-ngiti sya sa'kin, alam kong marami syang iniisip. Tila pagod na pagod sya. Magdadalawang isip ka talagang biruin o kulitin o hindian sya kung may sasabihin sya.

"Weekends you have to sleep at Custan's place, okay lang ba?" sabi nya habang naglalakad papunta kung saan sa mansion. Nakasunod lang naman ako sa kanya.

"Ha? Oo sige. Walang problema. Ano po bang nangyari?"

"Sa ibang araw may mga katulong naman na nagbabantay at natutulog dun. Weekends lang kasi ang days off ng mga katulong kaya 'pag weekends kailangan ka talaga dun. Pero araw-araw ang trabaho."

Araw-araw? Wala namang problema. Si Custan naman yun. "Nandun pa ba sya sa apartment nya?"

"Oo. Ngayon, lalagi na yun dun."

Bakit ngayon? Dati ba wala sya dun? "Ano po bang nangyari sa kanya Miss Rina? Akala ko nung inalok ako ni Don Rico eh sa kanya ako mag-aalaga. Kay Custan pala."

Pumasok kami sa isang kwartong puno ng kung anu-anong supplies. Naglagay ng mga bagay-bagay si Miss Rina sa mga bag. Mga pagkain, gamot, at mga kagamitang panustos sa bahay at sa katawan ang mga yun.

"Custan had a car accident," walang anumang sabi ni Miss Rina.

"Ano po?!"

"Racing accident. Nakipag-karera two weeks ago, ayan natuluyan na."

"Ho?"

"Eh nung nagising sya from his comatose parang daredevil, kung anu-anong sinubukan. Akala ata sa buhay biro. Skydiving, bungee jumping, racing, kung anu-ano sinubukan."

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon