Chapter 18

1.8K 36 3
                                    

"Tuyo na 'ko!" sigaw ni Custan. "Dun na 'ko sa kama," utos nya.

"Please! Mag-please ka muna," sabi o utos ko. Ayokong umubra ang pagsusungit nya kaya gusto kong labanan.

"Ligaya!!! Dalhin mo na 'ko sa kama ko!!!" sigaw nya. Nabingi ata ako sa lakas nun.

"Ang ingay, ingay mo!!!" ganti ko na itinutok ko pa sa tenga nya.

Inalalayan ko na syang makatayo. Wala na rin akong nagawa kundi ang tulungan sya dahil busangot na busangot ang mukha nya. Itinapis nya sa sarili ang twalya. Inakay ko sya palabas ng banyo.

"You're not here to run my life. Don't ever expect me to be nice to you," sambit nyang tumarak sa'kin. Totoo sa kanya ang mga salitang yun.

Pero kilala ko sya. Hindi sya ito. "Alam kong mabait ka. Sa'kin, kahit kanino. Alam kong nag-iinarte ka lang," sabi ko.

"People change. I changed. If ayaw mong maniwalang pwedeng mag-bago ang kahit sino, lalo na ako, hindi kita pipilitin. Just don't be annoying pwede?" sabi nya.

Ako pa? "Ikaw ang nakakainis," pagtatama ko sa kanya.

"Buti naman naiinis ka," mabilis nya ring pakli.

Bumagsak sya sa kama. May ininda syang sakit sa paghiga.

"Anong masakit Custan?" natanong ko tuloy. Naku naman, sana gumaling na sya!

"Get me something to eat pati ang gamot ko. Sana bilisan mo."

"Sige," sagot ko agad.

May inihanda na si Manang Delia na tuna sandwich at fruits para kay Custan na kinuha kong mabilis mula sa kusina. Nasa tabi na rin ng pagkain ang iinumin nyang gamot.

"Ito na Custan," lapit ko sa kanya dala ang mga yun.

"Iwan mo dyan," sabi nyang alam kong namimilipit sa sakit. "Tawagin mo si Eros, magbibihis ako."

"Ako na Custan. Ako naman ang andito," prisinta ko. Naaawa ako sa hitsura nyang halatang may iniindang kirot na tinatago nya lang.

"Ligaya I want nothing to do with you. Hindi pa rin nagbabago yun. You have got to go home now. Hindi ka kailangan dito."

Masakit ang mga salitang yun sa'kin. Alam kong seryoso sya. Talagang dama ko ang bigat ng mga salitang yun pero naipangako ko na sa sarili ko at kay Don Rico na hindi ako susuko.

Gusto kong mapatawad ako ni Custan. Kung hindi man mangyari yun, gusto kong masabi sa sarili kong sinubukan ko ang lahat ng paraan para makuha yun sa kanya.

"Ayoko Custan. Hindi ako aalis. Kumain ka na-"

"Umalis ka na. Kahit kailan, hindi na magbabago ang tingin ko sa'yo."

Humugot ako ng kinakailangang hininga para kayanin ang sinabi nyang yun.

Inilapag ko ang pagkain nya sa katabing mesa. Desidido akong ako ang magpapakain sa kanya.

Ayokong magkamali. Ano pa bang kailangan nya?

"Teka, kukuha ako ng juice," sabi ko sa kanya. Pabagsak na ang mga luha ko kaya minabuti ko talagang umalis muna ng kwarto.

Sa kasisigaw nya makakatulong ang calamansi juice para sa lalamunan nya.

Lumuluha ako habang nagtitimpla ng juice. Mahirap na nakikita kong nasasaktan si Custan pero alam kong mas kailangan nya ako ngayon at kailangan kong bumawi kaya hindi ako aalis.

"Calamansi juice para sa masungit na si Custan na sigaw ng sigaw. Para hindi sya magka-sore throat," sabi ko sa hangin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako bumalik sa kwarto nya.

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon