"Ba't ka umiiyak?" puna ni Custan sa'kin.
Pinunasan ko agad ang mga tumulong luha sa pisngi ko. "Ba't mo gustong malaman? Wala ka namang pakialam na sa'kin diba?"
"Umiiyak ka eh nasa trabaho ka. Yun ang issue ko," sabi nya.
"Sorry Boss!"
Sa paglabas ko, nakasalubong ko ang dalawang babaeng inaasahan ni Custan na plinano kong harangin sana.
Kainis! Nakalimutan ko nang balikan at harangan ang mga 'to sa pinto! Si Jade kasi! Si Custan kasi! Nakakainis! Nakaka-galit!
"Oh who's that Custan? 'Wag mong sabihing new girl mo?" tanong ng isa bago ako nakalabas ng kwarto.
"Just my maid," sagot ni Custan. Ang pag-sara ng pinto ang sunod kong narinig.
Hindi ko alam kung anong mas masakit, yung kay Jade o yung patuloy na pagbabalewala ni Custan sa nararamdaman ko.
Gusto kong umasang may pag-asa pa kaming dalawa pero unti-unting naglalaho yun sa bawat diin nyang hindi nya na 'ko mapapatawad.
Ni sa galit, may mas hihigit pa sa'kin - si Jade, na talaga namang kinamumuhian nya. Mas nagtataka tuloy ako sa pinagsamahan nila. Mas malalim siguro, mas pumunyal sa kanya kaya nang iwan sya tumatak talaga at hindi na naalis. Baka nga mahal nya pa.
Nang gabing yun, mahina akong umiyak habang nakahiga sa kutson sa bahay. Tulog na ang mga kapatid at pamangkin ko pero gising na gising pa rin ako. Iniisip ko si Custan.
Gusto kong bumawi kay Custan pero nasasaktan na 'ko. Mas lalo naman ata akong mawawala sa sarili ko 'pag ipinagpatuloy ko pa ang trabaho ko sa kanya.
Pero ito ang gusto nyang mangyari, ang magpaubaya ako sa gusto nyang layuan sya para mapatunayan nyang walang-wala sya sa akin. Hindi totoo yun. Mahal ko pa sya. At ipinangako ko rin kay Don Rico na hindi ako susuko.
Pero bakit ba galit na galit sya kay Jade?
At galit pa rin sya sa'kin.
Puno ng galit ang puso nya. Kaya nga siguro hindi ko sya dapat iwan. Kailangan nyang maalagaan si Don Rico habang buhay pa ito. Para magawa nya yun, kailangang gumaling muna sya agad. Mas mahihirapan syang gumaling ng madali kung laging masama ang nasa isip nya at lagi syang galit at naka-sigaw.
Pero pa'no ba palalambutin ang matigas na si Custan?
Pressure cooker? Hindi naman sya kasya dun.
Mahina akong napatawa sa biro ko sa sarili.
"Ate," tawag tuloy ni Elisa sa'kin.
"Uy pasensya, nagising kita," sabi ko.
"Naririnig kitang umiiyak kanina Ate. Pinabayaan kita dahil kako baka may pinagdadaanan ka lang sa trabaho. Ngayon naman tumatawa ka. Okay ka lang ba?"
Natawa ako sa sinabi nya. "Okay lang. Pasensya na," bulong ko.
Ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyayari kina Custan. Lumipat na kami sa kusina para mas makapag-usap pa tungkol dun.
"Yun ang problema ko. Masyadong masungit at masigaw si Custan," pagbabahagi ko.
"Lalaki yan Ate. Madali lang ang mga lalaki. Noon ay nagustuhan ka naman ni Sir Custan. Pwedeng maibalik yun."
"Ayaw nya na nga sa'kin," pilit ko. "Ilang beses nya na ring sinasabi yun."
"Eh ibang-iba ka na kasi Ate. Maiksi na ang buhok mo at balut na balot ka naman."
"Malamig kasi sa bahay nya."
"Ay tamang-tama ang lamig. Yakap-yakapin mo sya Ate. Lambing lang ang katapat nun Ate."
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?