Hinanap ko agad si Ning. Nakita at binuhat ko sya at pumunta kami malapit sa kwarto kung nasaan sina Custan at ang Tiyo nya. Kapag nahuli ako nila Custan, sasabihin ko na lang na hinabol ko lang si Ning doon kaya kami naparoon.
"You brought her here, in your home Custan," dinig kong sabi ng Tiyo Ric nya. "Their whole family is here."
"I know Tito. This is what I wanted to happen."
"What is this? Is she-?"
"Yes Tito, she's my girlfriend."
"You? Have a girlfriend? And in her?"
Bakit? Hindi ba sya pwedeng magka-nobya?
At sinasabi ko na nga bang halatang-halatang hindi kami bagay ni Custan.
"She's sweet and real Unc."
"Your job was to only buy the land, not the whole family. I told you to do everything you have to do pero this?"
"Uncle, chill. I actually like her. This is a win win for all Uncle."
"Money Custan. Isn't she-"
"No Uncle! That's the last thing on her mind."
Ako ba? Interesado sa pera nya? Hindi 'no!
Umalis na 'ko doon. Hindi na lang ako dapat nakinig!
Tinupi at inayos ko ang lahat ng mga damit na nabili. Babayaran ko 'tong lahat. Pipirmahan ko na ang kontrata para 'pag nagka-pera na 'ko babayaran ko 'to kay Custan. Lahat.
Kumuha ako ng papel at ballpen. Inilista ko lahat ng naitulong ni Custan. Kahit mga noodles na kinain namin sa bundok, isinama ko.
Hindi ko pinagsasamantalahan ang kabaitan nya. Hindi. Patutunayan ko yun.
"Ate sinong kausap ni Kuya Custan?" tanong ni Ning.
Mataman kong tiningnan si Ning. Lumalaki na sya at mas marami na syang naiintindihan, mas marami sa inaakala ko. Nagkamali akong isinama ko pa sya sa pakikinig doon.
Kaya dapat bumukod na kami sa lalong madaling panahon. Hindi pupwedeng ganito kaming mga kapatid ko, nakaasa sa iba. Hindi dapat maasahan ng mga kapatid ko si Custan sa kahit anong bagay. Baka iba kasi ang maging interpretasyon ng ibang mga taong nakapaligid sa kanya.
"Tiyo nya yun Ning."
"Mabait din ba sya?"
"Oo naman," sabi ko. "Ang ganda ng damit mo ah." Iniba ko ang usapan para malihis ang iniisip nya mula sa bisitang dumating.
"Bili ni Kuya Custan ito eh," sabi ni Ning na hawak ang damit nya.
"Hindi Ning. Bili ni Ate yan. Babayaran natin si Kuya Custan mo 'pag nagka-pera na tayo."
"Ate, mag-asawa na ba kayo ni Kuya Custan?"
"Hindi Ning, hindi. Mag-nobyo kami. Hindi pa mag-aasawa ang Ate. 'Pag natapos ka na ng kolehiyo saka na mag-aasawa si Ate."
"Ang tagal naman nun," biglang sabi ni Custan. Kasama nya ang Tiyo nya na pumasok ng kwarto.
Napatayo ako. "Inililista ko ang mga dinala ni Maxine. Para mabayaran ko."
"No Ligaya. Those are my gifts. Bigay ko yan."
"Hindi natin ito pagtatalunan Custan. Ako ang gagastos."
"Maiwan ko na kayo. Custan, Ligaya and little girl, mauuna na 'ko," paalam ng Tiyo nya sa amin.
"Hindi ho muna ba kayo mag-aagahan kasama namin?" tanong ko sa Tiyo nya.
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?