"Ate?"
"Bilisan nyo na. Traffic daw sabi ng TV," sabi ko. May iba pang sinabi ang TV na hindi ko uulitin kasi... kasi...
"Pwede akong magpa-iwan sana pero gustong makita ni Udong si Elle-" sabi ni Elisa na pinutol ko.
"Okay ako Elisa. Sige na, umalis na kayo," ulit ko.
Napilit ko silang magmadali. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para mag-mukhang okay ako sa kanila. Biniro-biro ko sila at binilinan pa ulit ng mga gagawin nila sa pag-alis ng bansa. Ayokong mag-alala sila sa'kin. Ayokong isipin nila na malulungkot ako sa balitang narinig namin kung pwede naman silang mag-enjoy sa bakasyon nila.
Pero sa loob ko, mamatay-matay na 'ko sa sakit.
Nang naisara na ang pinto sa pag-alis nila, bumuhos kaagad ang luha ko.
Ikakasal na sila. Ikakasal na sila... IKAKASAL NA SILA!
Tumakbo ako sa kama, dumapa ako ron at inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. Sumigaw ako sa kama. Isinigaw ko lahat ng hinanakit ko sa nangyari sa akin. Akala ko kahit paano ay nakalimutan ko na ang nangyari. Pero hindi pa pala. Masakit pa pala at mas masakit ngayong nalaman kong ikakasal na sila.
Parang naging opisyal ang lahat ng sakit sa mangyayari sa kanilang dalawa. Siguro mas masakit pa kasi umasa akong ako pa rin sa huli ang isasama ni Custan kasama ang anak nya sa habambuhay.
Pero nag-desisyon na sya. Mangangako sya sa Dyos at sa batas na si Jade ang habambuhay nyang mamahalin.
Sinaktan ko ang kama, hinampas ko yun pati ang mga unan. Gusto kong maranasan nila ang sakit na nararamdaman ko kahit kaunti lang.
May bumulong sa kaibuturan ko na dapat akong bumangon, na hindi ako dapat miserable. Batid kong isang oras na lang ay may pasok na 'ko sa restaurant. Pinilit ko ang sarili kong pumunta sa banyo para maligo, para mag-handa.
Binuksan ko ang shower at nagpabasa sa ilalim non na may damit pa pala. Naasar ako sa sarili kong nakalimutan ang paghuhubad ng damit bago mag-basa. Nakita ko ang sarili sa salamin, at sa basa kong hitsura at damit, naalala ko lahat ng mga masasayang alaala kasama si Custan sa bundok. Naalala ko ang paghahabulan namin sa ulan, ang pagmamahalan naming simple noon. Ibinigay ko ang sarili ko sa kanya, inialay ko ang lahat para sa pagmamahal nya, pero naiwan ako.
Nagpalit ako ng damit na tuyo paglabas ko.
Iiinom ko 'to. Kailangang languin ko ang sarili ko para makalimot. Ayoko nang tiisin 'to ng matino ang utak ko. Gusto ko ng tulong. At makakatulong ang alak.
Para hindi mangulit ang boss ko, tinext ko sya: Mataas lagnat ko. 'Di ako makakapasok.
Nag-taxi ako at nagpahatid sa nababalitaan kong magandang inuman ng mga magkaka-barkada.
"Waiter, isang tequila shot nga," order ko sa waiter na dumaan.
"Tequila Miss? Alas singko pa lang ah," sabi nya.
"Gawin mo ng tatlo," sabi ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin. Naglatag agad ako ng isang libo sa mesa bilang pambayad sa paunang mga inuming yun.
Wala akong sinayang na oras. Sunud-sunod ang inom ko. Ihi lang ang naging pahinga ko. Isang oras lang, lasing na lasing na 'ko.
"Miss," sabi nung waiter. "Um, medyo naiingayan kasi yung ibang patrons sa'yo."
"Ang tahi-tahimik ko kaya!"
"Sa VIP room na lang po kayo. Libre na. Since earliest customer naman po kayo. Medyo maingay po kasi kayo."
"Hindi! Ayaw!"
BINABASA MO ANG
His (Completed)
Storie d'amoreBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?