Si Jade. Si Jade na naman. Narinig ko na naman ang pangalang yan. "Bakit ba galit ka pa rin kay Jade?" tanong ko na.
Nag-iwas sya ng tingin. Mabanggit lang talaga ang pangalan ni Jade, naiinis na si Custan. "Alam mo na naman diba? Nasabi ko na diba?" sabi nya.
Bakit nya iniiwasang pag-usapan namin 'to? "Dahil iniwan ka nya? Ibig sabihin mahal mo pa rin sya para magalit ka sa kanya," pandidiretso ko na.
Umiling sya at bumaling na sa'kin. "Ikaw lang ang mahal ko. I just don't want to deal with her anymore. Ayoko na lang makita, makausap sya. I just hate her," sabi nya.
"Bakit ka galit pa kung 'di mo na mahal?" tanong ko.
Hinawakan ni Custan ang mukha ko at tumingin sa mga mata ko. "I love you Ligaya, only you. I can give my life for you. Please don't ever think I love someone or something else more than I love you. Lalo na sya. I hate her. I love you. Is that clear?"
Totoo ang mga mata nya pero hindi ko pa rin maintindihan. "Kung hindi ba sya umalis, kayo pa rin?" tanong ko.
"Tsk, Ligaya, let's not bring back the past lalo na't maganda ang future natin. Tayo together, having a life together. We'll have a family of our own, we'd be happy," sabi nya at ngumiti.
Ngumiti ako sa ganda ng sinabi nya at kung paanong makikita sa mga mata nya ang paniniwala sa mga yun. Nagkaroon ng linaw ang mga susunod na taon ko: ako kasama sya.
Masaya sya. At yun na lang siguro ang importante.
Baka nakakainis lang talaga si Jade. At kahit ako naman, inis din sa kanya - sa pananalita nya, sa pag-sulpot nya... at ang ganda rin nya kasi. Nakakaselos. Ang hirap pantayan.
"Bring your whole family here tomorrow, okay? They can even sleep here if they want," paalala ulit ni Custan.
"Naku mapapagod ka lang 'pag pinatulog mo yung mga yun dito," sagot ko. Ang ingay ingay pa naman ni Ning, malikot si Utoy at nag-iiiyak si Elle. "Pinagod na nga kita ngayon o," biro ko.
Ngumisi sya. "Not tired yet. I can make love with you over and over Ligaya." Nag-taas baba sya ng mga kilay sa kapilyuhan nyang alam kong naiisip nya.
Kinurot ko ang pisngi nya sa kagwapuhan. Para malukot naman ang perpekto nyang mukha.
Hindi nakabubuti sa kanya ang palagian naming pagniniig lalo na't 'di pa maayos na maayos ang lagay nya. Hindi pa nagbabalik ang lakas ng mga binti nya. "Kailangang lumakas ka na Custan. Yun ang gusto ko. Yun ang magpapasaya sa'kin ngayon. Gusto ko maipasyal mo 'ko. Gusto kong lumabas tayo bilang mag-nobyo," dahilan ko sa kanya.
"Sige, sige. I'll do that," tango nya. "Sawa na rin akong nakahiga lang dito sa kama. Pero kung kama with you, I'm fine." Lumandi ulit ang ngisi nya at niyakap ako.
"Naku, tama ka na nga. Matulog na tayo. Magpahinga ka na."
"Isa pa?" hiling nya.
"Matulog na!" tawa ko. "Bukas na lang."
"Bukas nandito na si Manang Delia, andito na silang lahat," nguso nyang nangangatwiran.
"Naku, alam ko namang hindi ka mapipigilan ng kahit sino 'pag may gusto ka."
Tumawa sya. At tumawa sya ng malakas. Napuno ang kwarto ng masayang tunog galing sa kanya.
Mula sa sigaw, halakhak na ang naririnig ko sa kanya, sa buong bahay nya. Nakaka-ligaya.
Niyakap nya 'ko habang nakahiga pa rin kami sa kama nya. "Sorry for being such an ass. Ikaw kasi. Niiwan mo 'ko eh." Hinalikan nya 'ko sa pisngi habang halos magkanda-duling kami sa titig sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomansaBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?
