"Hindi ko alam Ate. Tawagan mo daw sya. Iniwan nya ang number nya sa'kin. Itext ko sa'yo ngayon," sabi ni Utoy.
"Sige, tatawagan ko pero 'di ko yan maaasikaso ngayon. Bukod sa mga gamit kong aayusin pauwi, may mga ituturo pa 'ko kay Ate Sabel dito sa pag-aalaga kay Mam Emma. Natataranta sya kay Mam Emma eh. Baka hindi pa nga 'to magtagal dito."
"Sige Ate. Basta itetext ko number nya sa'yo. Namimilit eh. Importanteng importante ata," sabi nya pa.
Tungkol kaya kay Custan?
Nawala sa isip ko ang tawagan si Don Rico sa dami ng mga ginawa ko bago ang pag-alis ko.
Hindi sigurado ang mukha ni Ate Sabel nang nasa Heathrow airport na 'ko paalis patungong Dubai kung saan lilipad ako pauwi ng Pilipinas. Hindi sya sigurado sa pinasok nyang trabaho sa London kay Mam Emma at nakikita yun sa hilatsa ng mukha nya. Alalahanin ko pang hindi sila magkasundo ni Madam Emma hanggang sa huling magkakasama kami.
"Sabihin mo kay Nanay tumawag ng tumawag sa'kin ah," paulit-ulit na bilin ni Ate Sabel.
"Oo sige. Okay ka na ba Ate?" tanong ko ulit sa kanya.
"Hindi ko alam. Siguro saglit lang 'to. Sige na, umalis ka na. Basta kapag tumawag ako, sagutin nyo ah."
"Oo Ate," paninigurado ko.
Sa eroplano nang nakaupo na 'ko, dinungaw ko ang naging tahanan ko sa loob ng dalawang taon, ang London. Hindi ko magawang malungkot dahil uuwi na 'ko sa Pilipinas... sa wakas. Mas sabik akong umuwi kaysa ang iwan ang nakasanayan kong ibang-ibang buhay sa London.
Makikita ko kaya si Custan? Makakasalubong?
Hindi sya nawala sa isip ko sa loob ng dalawang taon akong nasa London.
May asawa na kaya sya? Anak?
Ay! Ang Tiyo Rico nya! Nagpapatawag nga pala!
Hindi ko na nagawa ang tawagan ang Tiyo Rico nya dahil paalis na ang eroplano.
Sinubukan kong tawagan si Don Rico sa Dubai pero naalala kong gabi nga pala sa Maynila at maaaring tulog na ito. Nakatulog ako pagkatapos at nang nagising ako boarding na para sa lipad ko pauwing Manila.
"Ate!!!" sigaw ni Ning ng nakita ako.
"Ning!"
Tumakbo palapit ang bunso kong kapatid at niyakap nya ako agad. Nabitawan ko lahat ng hawak ko. Niyakap ko rin sya.
Nakita ko rin silang lahat na kasama nya: si Utoy, ang asawa ni Udong na si Elisa at ang bagong parte ng pamilya namin, si baby Elle.
"Ang ganda ganda nya!" halik ko sa pamangkin ko. Buhat ko si Elle hanggang sa makarating kami ng condo.
Gusto ko ang inabutan kong malinis at maayos na condo namin. Sa hitsura ng mga gamit, malalaman mo kung saan ang pahingahan nilang lahat.
"Salamat talaga Elisa sa pag-tingin sa mga kapatid ko," pasalamat ko sa kanya. "Buti napagtyatyagaan mo ang kulit ng mga 'to."
"Naku Ate walang wala yun," sagot nya. "Mas salamat sa mga padala mo sa'min at para kay Baby. Malaki rin ang ginastos mo sa panganganak ko at sa mga gamit ni Baby. Ngayong si Udong ang nasa ibang bansa, sana lumaki ng ganun sa sahod mo sa UK ang maging sahod ni Udong sa Saudi nang makabawi kami sa'yo."
"Wala yun 'no. Magkaka-pamilya tayo. 'Di bale Elisa, magtatrabaho din ako dito sa Maynila nang bukod sa ipon, natatanggap natin sa lupa at sa padala ni Udong, may pang-gastos pa tayo. Mahirap na magka-College na 'tong si Utoy at malayo pa tayo sa tatahakin nitong si Ning."
![](https://img.wattpad.com/cover/67562191-288-k444424.jpg)
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?