Chapter 30

1.9K 36 9
                                    

Nasan ako?

Tumingin ako sa paligid. Napalilibutan ako ng berdeng kurtina. Naka-Dextrose ako.

Nasa ospital ako. Bakit?

Aray. Ayun, masakit ang ulo ko kasi. Kinapa ko ang ulo ko pati ang likod ng ulo ko. Balot iyon ng gasa.

Anong nangyari?

"Okay na po ang Misis nyo. Wala naman po kaming nakitang alarming. But please let us know if after several days may mapansin kayo," narinig kong sabi sa kabila ng tabing ng kurtina.

"Thanks Doc." Sebastian.

"Sebastian?" tawag ko.

"Gising na ata," sabi nung lalaki na si Sebastian nga. Nahawi ang kurtina at nakita ko si Sebastian at ang kausap. "Kumusta ka na?" tanong ni Sebastian sa'kin. Nag-aalala ang mga mata nya.

Tiningnan ko ulit ng mariin si Sebastian. Alam ko ang pangalan nya. Alam kong si Sebastian yun pero hindi na 'ko makaalala pa kung sino sya.

"How are you feeling hija?" tanong ng lalaking kausap nya. "I'm Doctor Salim."

Ahh.

Wala akong gaanong maalala.

Pumikit-pikit ako. Masakit pa rin ang ulo ko. Ininda ko ang sakit nun.

Wala akong ibang maalala. Ba't ganun?

"Sebastian," banggit ko ng pangalan nya at tiningnan ko sya. Sya lang ang naaalala ko. Pero kung sino sya, hindi ko alam.

"Ligaya? Is everything alright?" tanong ng Doctor. Bumaling ang Doctor kay Sebastian na nakatanga naman sa'kin. "Tanungin mo ang wife mo Sebastian kung may masakit bang iba maliban sa ulo nya."

Mag-asawa kami ni Sebastian?

Ha?

"Ligaya, how are you feeling?" tanong ni Sebastian. Ngumiti sya.

Bakit hindi ko maalala?!

"Wala akong maalala Sebastian!" nasigaw ko sa pilit kong pag-alala ng kahit ano. Hindi ko maalala ang sarili kong kasal kay Sebastian! Ano bang nangyayari?

Naalarma ako pero pinakalma ko ang sarili. Ayokong mag-ingay sa ospital at sumasakit ang ulo ko sa paglakas ng boses ko.

"Calm down," nasabi ni Sebastian sa'kin pagkatapos ay tumingin sa Doctor. "Ano pong nangyayari?"

Tumingin din ako sa Doctor.

"Do you feel any pain?" tanong ng Doctor sa'kin.

"Masakit yung ulo ko," sabi ko.

"That's normal. You suffered a head injury. Mukhang may memory loss. Dapat in a few hours, everything will be back to normal. Pero okay naman ang lahat ng scans mo."

Ngumiti ako. Baka nga saglit lang 'to. Ang sakit lang kasi talaga ng ulo ko.

'Di ko dapat alalahanin muna. Masakit mag-isip dahil masakit ang ulo ko.

"And congratulations sa magiging baby nyo. Your baby is healthy, hindi ka naman dinugo sa aksidente mo," sabi ng Doctor.

Napanganga ako. Buntis ako? Alam ko ba 'to? Hinimas ko ang tyan ko.

"Po?" natanong ni Sebastian sa gulat.

Hindi nya alam?

Buntis talaga ko?

"Hindi nyo ba alam? Buntis ang misis mo Mr. Martin. O, 'wag masyadong mag-ingay dito sa ER sa excitement ha? Maiwan ko na kayo."

Pinanood naming umalis ang Doctor. "Magkaka-baby na tayo," sabi ko kay Sebastian na ngumiti. Magkaka-baby na 'ko.

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon