Chapter 44-A.5

1.6K 38 3
                                    

"She's mine," nasabi ni Custan. Ibinalik nya ang tingin kay Hope at binuhat nya ito.

Ha?

"Ate!" nasigaw ni Ning. Pumalakpak sya.

"Wow!" sigaw ni Utoy na napatayo pa.

"Ang galing," nasabi ni Elisa. "Oo nga."

Hindi ko naiintindihan. "Ano?" tanong ko.

Yakap yakap na ni Custan si Hope at magkadikit ang mga pisngi nila. Umiiyak si Custan.

Anong kanya? Anong-?

Napalunok ako.

Sya ang ama?

"Umalis muna kayo," nasabi ko sa sunud-sunod na kaguluhan na nangyayari. "Pakiusap. Gusto ko na munang mapag-isa."

"I'm Hope's father Ligaya," sabi ni Custan sa'kin. "I'm sure by now you know, you realize na tayo ang mag-boyfriend bago ka nawalan ng memory."

"Alam ko," sagot ko agad. "At alam ko rin na ikakasal ka na sa iba."

Nagulat ang lahat. Kita iyon sa mga mukha nila.

"Iwan nyo muna ako," ulit ko. "Gusto kong mag-isip. An' daming nangyayari at nahihilo at-"

"I know it's overwhelming," putol ni Custan sa'kin. "But we're just here, okay?" Lumapit sya at iniabot nya sa akin ang phone nya. "This is now yours. Tatawagan kita ngayon nang alam mo how to reach me."

Iyon nga ang ginawa nya. Naglabas sya ng isa pang phone at tinawagan ang phone na ibinigay nya sa'kin.

"Don't worry about a thing, alright? The hospital bills are all paid for. We're going to give you time now to think but I want you to be cautious of Sebastian."

"Hindi ako tanga. Alam ko ang gagawin ko," sagot ko sa kanya.

"Nandito lang ako Ligaya," sabi ni Custan. Kakaiba ang liwanag ng mukha nya kahit patuloy ang iyak nya. "Let's give your Ate her rest," sabi nya sa mga kapatid ko. "She's processed a lot of information in her head today."

"Ate, babalik ka na sa'min diba?" tanong ni Ning. "Ate, Ate ka namin."

Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sya masagot. Napakalaki para sa akin yung bagay na mali pala lahat ng nakagisnan ko nang magising ako sa ospital noon.

Hindi ko sila kilala. Marami silang nasabi tungkol sa akin pero hindi ko sila kilala o maalala. Hindi ako sigurado. Hindi ko alam kung paano mag-patuloy. Ano bang gagawin ko?

Paano nila ako tatanggapin ulit?

May mga responsibilidad ba ako noon na natalikuran ko?

At si Custan! Ama ng anak ko!? Ang sabi ni Sebastian sya daw.

Ano ba 'tong nangyayari?

Tiningnan ko ang anak ko. "Anak, ano bang gagawin natin?"

Kumuha ako ng malalalim na hininga.

Kailangan kong gawin ang makabubuti sa anak ko.

Nang mabigyan ako ng gamot para sa tahi ko, nakatulog ako.

Nang nagising ako, nasa ambulansya na ako.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa paligid. Isang nurse ang nasa tabi kong abala sa kausap sa telepono. "Asan si Hope?!" tanong at hanap ko sa paligid. "Hope?!"

"Misis, 'wag ho kayong maggagagalaw," sabi ng nurse sa'kin.

"Saan ako dadalhin at nasaan ang anak ko?!" tanong at kurot ko sa kanya.

"Aray! Lilipat lang po tayo ng clinic Ma'am. Please calm down. Nasa Mister nyo po ang bata."

"Wala akong asawa! Ibalik mo 'to sa ospital na pinanggalingan ko!"

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon