Chapter 4

2.5K 45 0
                                        

Hindi na tumila ang ulan. Kumanta-kanta si Utoy sa taas, sa kwarto. Binasahan naman ni Udong si Ning ng libro sa mesa sa kusina.

Pinagmamasdan lang kami ni Custan. Seryoso ang mukha nya. Tila may gusto syang sabihin na hindi nya masabi. Tiningnan ko sya na napansin nya. Maliit ang naging ngiti nya. "Wala kayong libangan kundi ang mga sarili nyo lang," puna ni Custan. Alam kong may kaunting awa yun.

Maayos akong ngumiti. "Oo, pero wala namang problema yun," sang-ayon ko. "Masaya kami kasi magkakasama kami."

Matipid syang ngumiti. Tumango sya.

"Basahin na natin ang kontrata?" yaya ko sa kanya.

"Okay." Kinuha nya ang mga papel sa bag nya nang tila may hinahanap sya sa kisame.

"Anong hinahanap mo?" tanong ko.

"Umm. Wala," sagot nyang halos bulong.

"Ano nga?" pilit ko.

"Wala pala kayong ilaw," mahina nyang sabi. Parang sya pa ang nahiya.

Ah. "Oo. Lampara lang. Ayun o." Tinuro ko ang mga lampara namin. "Maaga pa pero pwede na nating buksan. Medyo madilim na kasi dahil sa ulan."

May sumilay na ngiti sa kanya. "Ang cute. Lampara. I've not heard that said since I don't know, since I was learning Filipino in grade school."

"Lampara, lampara, lampara," ulit ko.

Natawa naman sya.

"Lampara," ulit nya. Tumawa kami.

Tiningnan nya ang mga papel. "Malabo mata ko, eh naiwan ko yung glasses ko. Hindi ko kasi masyadong sinusuot yun eh. It's hard without lights. Bukas na lang kaya? Or you can read it."

"Mabagal akong mag-basa lalo na pag Inglis."

"English," ulit nya.

Hay naku. "Oo na, mali na banggit ko."

Umiling sya. "Just say it again: English," udyok nya.

"Ingglish," ulit ko.

"Close. Kaya practice it." Binigay nya sa'kin ang mga papel. "Go. Read it."

Umiling ako. "Ayoko Custan. Bukas na lang. Basahin mo sa'kin tapos ipaliwanag mo. Mabilis naman akong maka-intindi 'wag ko lang babanggitin."

"Ikaw bahala," sabi nya.

Hay. Buti 'di nya 'ko pinilit. Nakakahiya.

"So high school you finished right? Ba't 'di ka nag-College? Kahit as a Scholar?" tanong nya. "I'm sure you're smart. Kahapon pa 'ko nage-English and you get me."

Tiningnan ako agad ni Udong. Nagtama ang mga paningin namin.

"Wala," iling ko. "Wala Custan."

Pumanhik ako ng kwarto. Humiga ako sa dulo.

"Um, excuse me," katok ni Custan sa sahig ng kwarto. Nakasilip sya mula sa baba. Wala naman kasing pinto yun, hagdan lang paakyat. "You just walked out on me. We were talking Ligaya."

"Pasensya," hingi ko ng paumanhin.

"Iniwan kasi sya ng nobyo nya," sabi bigla ni Udong.

Napaupo ako. "Udong!" Ano ba yan? Ba't nya sinabi? Nakakahiya!

"Ano?" tingin sa'kin ni Custan na may halong gulat. "What?" ulit nya pa.

"Hay naku!" takip ko ng mukha ko. Si Udong naman!

"Papasok ah," gapang ni Custan paakyat. Tumabi sya kay Utoy. Marahan nyang siniko si Utoy. "May nalalaman ka ba sa boyfriend ng Ate mo?"

Tumango si Utoy na nakangiti. "Si Vic."

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon