(A/N: Sorry super tagal ng update nito.
Warning: SPG)
"Anong sabi ni French?" tanong ni Astian paglabas ko ng clinic ni French kung saan ako nagpa-check up.
"Healthy naman daw si baby," sagot at ngiti ko. "Healthy din naman daw kasi ako. Syempre kailangan ko lang kumain ng tama, matulog ng maayos, mga ganun. May mga gamot din." Mas lalo akong napangiti sa nararamdaman ko. "Excited na excited pala talaga 'ko Hubby. Medyo ngayon ngayon ko lang napagtatanto na excited na 'kong makita ang baby natin," pagbabahagi ko. Nakakatuwa na magkaka-anak na kami ni Hubby! Magiging nanay na 'ko! May batang lumalaki sa tyan ko!
Inakbayan nya ako at hinalikan sa ulo. "We need to prepare now. Bili na ba tayo ng mga gamit for the baby?" tanong nya.
"Oo, gusto ko na," ngiti ko. Gusto ko ng berde, pula, dilaw na mga kulay-
"Sige, I'll go to Manila bukas kasi. Bibili na rin ako ng mga gamit ng bata," sabi nya.
Ha? "'Di mo 'ko isasama?" tanong ko at tiningnan ko sya.
"Ang sabi kasi ni French diba mas delikado ang kapit ng baby sa first trimester? Baka matagtag ka sa plane or baka mahilo ka pa. Nag-uuulan pa naman ngayon, baka mas malala ang turbulence. Ako na muna ang pupunta sa Manila. Tas 'pag fourth month mo na, kuha tayo ng clearance from French na okay ka na to travel."
"Sige na nga," payag ko na. "Gusto ko kasing nakikilatis yung mga bibilhin. Gusto ko sanang ako yung pipili. Gusto ko ng dilaw at berdeng mga kulay ng damit. Pwede bang dito ako sa Puerto Princesa bumili? San ba pwedeng bumili dito?"
"Wala namang maganda dito. At saka 'wag ka nang naglalalabas. Akala ko ba tatapusin mo pa yung design ng kwarto ng baby natin? Tatawag naman ako, pipicturan ko at ipapadala ko sa'yo yung mga gamit bago 'ko bilhin," pangako nya.
"Wala pa 'kong phone," naalala ko. "Nawala nga yung phone ko diba?"
"Bibili tayo ngayon," sabi nya. "Since andito na tayo sa labas. Daan tayo sa palengke. Malapit na yun dito."
"Sige. Pwede kayang makuha yung dati kong number?" tanong ko.
"Prepaid ka kaya hindi pwede," sagot nya agad.
Talaga? Hindi ba? "Hmmmn... ang alam ko pwede. Hindi ba pwede yun?" tanong ko.
"Hindi eh," sagot nya. "Bagong number na lang. Ganun din naman yun."
"Sayang. Yung Contacts ko kasi." Para sana makatawag ako ng mga dating kakilala na makakapag-paalala sa'kin ng nakalipas.
"Kopyahin mo na lang yung mga nasa phone ko," sabi nya. "Tutal magkakapareho lang naman."
"May number ka ba nung mga dati kong kaibigan? Yung sabi mong mga nasa ibang bansa?" usisa ko. Sana meron syang contact numbers.
"Ay oo nga pala. Wala eh," iling nya. "Halika na, sakay na tayo sa sasakyan. Bago pa umulan," bigla nyang sabi. Binilisan namin ang lakad patungo sa sasakyan dahil nagdidilim na.
Pagdating sa bahay, kumain agad kami ng tanghalian. Menudo ang ulam na niluto ni Ate Minang.
"Astian, hindi tayo gaanong lumalabas," sabi kong nakanguso. Napansin kong 'pag naglalambing ako sa kanya, nakukuha ko ang gusto ko. "Okay lang naman ako dito sa bahay, marami namang magagawa, pero gusto ko rin kasi sanang mag-ikot ikot dito. Para maging pamilyar ako sa lugar natin," sabi ko sa kanya.
"Sige, 'pag magaling ka na talaga," payag nya. "Wifey, kasi, nadisgrasya ka," sabi nyang may pang-aalo. "I'm just concerned with your head, baka sumakit ulit. Tapos buntis ka pa. Ayoko lang ma-overwhelm ka or mapagod," katwiran nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/67562191-288-k444424.jpg)
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?