Chapter 47

1.8K 28 0
                                    

"Tulog na si Hope at si Elle. Hay, ang hirap magpatulog ng mga bata," buntung-hininga ni Custan, full-time na ama at Uncle. "Nabilin ko na rin sila kay Manang Delia pati sina Ning. Let's go or you tired na?"

Nangako ako sa kanya ng date, yung lalabas kami na kaming dalawa lang na hindi pa namin nagagawa mula nung nanirahan kaming lahat sa bahay nya. Bukod sa paglilipat, bago ang trabaho ko at makulit ang mga bata. Bukod kay Hope, kami na rin ang nag-aalaga kay Elle ng full-time. Minabuti kasi ng mag-asawang Udong at Elisa na magtrabahong pareho para sa kinabukasan ni Elle kaya kasama na ni Udong si Elisa sa Saudi. Sa susunod na buwan, lilipat na sila sa Dubai kung nasaan ang bago nilang mga trabaho. Kaya sa bahay ni Custan, nakatira kami nina Hope, Elle, Ning at Utoy kasama nya, ni Manang Delia at ang mga matatagal na rin doong sina Emily at Eros. Isa kaming magulo at maingay pero masayang pamilya.

"Hindi, okay lang ako. Lalabas tayo. May isa-submit lang akong report sa head office," sabi ko sa kanya habang inaayos na ang email na isesend sa corporate office. Huli na yun at tapos na ang trabaho pagkatapos nun.

"I'm Head Office," lahad nyang may diin. Tumabi sya sa'kin. "Maaaring babysitter ako dito sa bahay but I'm owner of everything. At bilang boss mo, I'm telling you: bukas na yan."

Hayyy, eto na naman sya.

Hindi ko sya pinansin na alam kong alam nya na ang ibig sabihin pero 'di ko rin natiis at nagpaliwanag ako: "Ayokong sabihin ng kahit sino na nagpapabaya ako sa trabaho kasi boyfriend kita," sagot ko sa kanya habang ine-edit ng maigi ang email na isesend ko. Tinapunan ko sya ng tingin saglit.

Wala syang nagawa kundi ang bumuntung-hininga. "Sige na nga. Suko na 'ko. Hardworking ka na." Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan yun. Kinausap at hinimas-himas nya ang kamay ko. "Hanggang sa'yo na lang ata talaga ako."

Nangiti ako sa pagpapa-cute nya. Naawa ako sa kanya kahit papa'no sa pa-cute nyang pagpapaawa, sa 'di malamang kadahilanan, pero 'di ko kasi basta-basta maiiwan ang trabaho ko para magka-oras ako agad sa kanya.

Naitanong nya rin siguro sa kamay ko ang nabanggit nya dahil bukod sa saglit at paminsan-minsan naming halik sa isa't isa, hindi pa kami nagniniig.

Naiilang kasi ako, ewan ko. Gusto ko naman at inaasahan ko yun, pero natatakot ako na kinikilig na hindi ko maintindihan. Magulo na nakakatawa pero ganun eh. Nahihiya pati ako. May anak na kami pero parang nakakahiya sa kanya na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam o matandaan kung paano kami noon, bilang magkasintahan, kaya siguro nahihiya ako sa kanya? Baka may nakagawian kami na hindi ko magawa ng mabuti ulit? Hay ewan.

Nag-shut down na ako ng laptop.

Gusto ko na syang pagbigyan. Gusto ko na. Gusto ko naman talaga. 'Di ko lang alam pa'no simulan, o pa'no sya pagbigyan.

Gusto ko ng maging buo akong maging kanya. Mahirap yun nung una dahil sa mga napagdaanan ko, naming dalawa, pero iba si Custan. Ang totoo'y natatangi sya. Dama ko ang suporta at pag-aalaga nya sa'kin, sa pamilya ko at sa anak namin, bukod sa pagmamahal nya sa'ming lahat. Hindi sya nagkukulang, madalas sumusobra pa nga. Kailangan ko nang maibigay ang buo kong pagmamahal. Hindi lang ang pag-iisa namin ang dapat kong ibigay, kailangan ko na ring iwaksi ang mga natitira kong takot.

"Ang ganda naman ng ngiting yan," sabi nya sa'kin. "Sulit naman lahat ng pagod ko sa pag-aalaga sa mga bata with that smile," ngiti rin nya.

Tyaga at bait ang nakita ko sa ngiting iginanti nya. Batid kong mas naging masaya sya sa naging sitwasyon namin... kumpara noon, sa masalimuot na noon.

Kinuha ko rin ang kamay nya at dahan-dahang hinalikan yun. Nakita kong ngumiti ang mga mata nya sa ginawa ko. "Salamat sa pag-aalaga kay Hope, pati kay Elle, pati sa mga kapatid ko," hingi ko ng pasasalamat.

"Pati sa'yo," paalala nya. "I take care of you Love, don't I?"

Nakikita ko sa mga mata nya ang habambuhay. "Alam ko naman yun," tango at sagot ko. "Halika na. Lakad na tayo," yaya ko sa kanya.

Hinayaan nya akong maghanda para sa date namin. Mabilis akong naligo at nagbihis. Akala ko sa bilis ko'y mauuna pa 'ko sa kanya at ako ang maghihintay sa kanya, pero talo ng sabik ang mabilis kumilos. Nauna pa rin sya.

Sa paglabas ko ng kwarto, nagulat ako sa lalaking nag-hihintay sa'kin. Nakatayo sa tabi ng malalaking bintanang tanaw ang mga magagandang ilaw ng mga gusali, kabahayan at daan ng Maynila ng gabing yun si Custan. Maganda ang Maynila, ang tanawing yun na gabi-gabi kong ikinabubuntung-hininga, tanaw sa kinatatayuan ko... pero naluma iyon. Hindi ko pa nakikitang ganun kagandang lalaki si Custan.

Maayos ang buhok nyang banayad na sinuklay palikod. Mukha at amoy syang mabango. Kumulit ang tyan ko sa nararamdaman. Ngumuso ako para hindi gaanong mamangha.

Nahihiya ang ngiti nyang nakatingin rin sa akin ngunit batid pa rin sa kanya ang kumpyansa nya sa sariling likas na sa kanya, na naituro ng nakasanayan nyang marangyang buhay. Kumindat syang bigla na hindi ko inaasahan. Suminglot naman ang puso ko.

Tumawa ako sa ikinikilos namin. Walang mga salitang namamagitan pero napasasaya nya ako. Tumawa rin sya.

Hindi bakas sa mga mababait nyang mga mata ang puyat at pagod sa pag-aalaga sa mga batang mahal na mahal nya. Itim ang suot nya mula leeg hanggang sapatos pero litaw ang kagwapuhan nya.

"Ang gwapo, gwapo, gwapo mo naman," kinailangan kong sabihin sa kanya. Bakit nya na nga ako gusto?

Bahagya syang natawa. "Tell me something I don't know." Niyakap nya 'ko. Mahigpit. Suminghap sya. Itinapat nya ang bibig sa tenga ko. "Grabe. You're gorgeous," bulong, hinga nya. Hinalikan nya ang ulo ko.

Kinurot ko ang tagiliran nya. "'Wag kang manggaya."

"Can we stay like this?" bigla nyang sabi habang magka-yakap pa rin kami. "For a while lang. I need to feel you. To make myself believe I'm not dreaming that you're back. Here with me."

"Hindi na ako aalis. At wala nang magpapaalis sa'kin. Kahit ano, kahit sino. I'm yours and you're mine," sabi kong lalo pang isinubsob ang mukha sa dibdib nya.

Humiwalay sya at tumitig sa'kin habang idinikit nya ang aming mga noo. "I love you Ligaya. I will never cease to tell you that and to make you feel that. I'm always afraid to not be able to express in words what I feel about you. It's overwhelming and it's all I am. I love you."

"Ako rin," sagot ko habang nakatitig sa labi nya. An' dami nya pang sinasabi. Gusto ko na syang halikan. Gusto ko nang iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko at gusto ko na ring malaman kung paano ko mararamdaman yun sa kanya sa paraang sumasabog na sa akin. Ngayon na, okay na 'ko, game na.

Dalang-dala na 'ko sa mga titig at hawak nya. "Halika na," bigla nyang sabi sabay hawak sa kamay ko. Hinila nya 'ko patungo sa pinto. "Alis na tayo agad para maaga tayong makabalik," masaya nyang sabi habang may pagkandirit pa sya.

Ah gusto nya talagang umalis. Akala ko pa naman ito na. Okay. Sige.

Baka may pinlano sya. Baka dun kami sa lugar na gusto nya?

"Bilis! I want you to meet my friends!" dagdag nya.

Friends? Marami kami? Hindi ko sya masosolo? Hayyy...

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon