Nang mabuksan na ang napakaliwanag palang ilaw, panandalian akong nasilaw.
"Look," sabi ni Custan sa'kin.
Nang nasanay na ang aking paningin sa liwanag, isang kubo ang nasa harapan namin, na ilang metro lang na nakatayo mula sa balkonahe.
Ano yan? Treehouse?
Parang... May kulungan ng mga manok at kambing sa gilid ng bah-...
Naiyak akong bigla. Tumulo agad ang nag-uunahan kong mga luha. Dumagundong ang dibdib ko.
Alam kong, ang maliit na, parteng iyon, sa tabi ng kubo... ay kulungan ng mga kambing, dahil dito kami dati nakatira!
Patuloy ang buhos ng mga luha ko sa mga naalala: Kung paano ang naging buhay namin sa bahay na yun, kung paano kami kumain, matulog - lahat ng iyon ay ikinatuwa kong maalala ngunit naalala ko rin ang pagkamatay ni Itang at ni Inang. At yun ang pinakamasakit. Biglang bumuhos ang lahat mula sa nakalipas, at ang iba: ang mga masasakit na alaala, ang mga iyon ay sumuntok ng malakas sa pagkatao ko.
Parang kamamatay lang ng mga magulang ko. 'Di ko napigilang sisihing muli ang sarili sa lahat ng nangyari noon. Nakatulong sa sakit ng damdamin ni Itang ang maling pag-ibig ko noong ako'y mas bata.
Naalala ko ang katigasan ng ulo ko, ang mga pangaral ni Itang, ang bilin ni Inang na alagaan ko lagi ang mga kapatid ko, ang mga mumunti naming saya bilang pamilya...
Mas lalo akong naiyak dahil sa pagpapasalamat nang naisip kong maaaring nabaon ang lahat ng iyon sa limot kung hindi ako sinagip ni Custan kay Sebastian. Sumaya ang puso ko sa kinalalagyan sa kasalukuyan kasama ng taong pinagkakatiwalaan ko at mahal ko: si Custan.
At hindi ko pa nadadalaw na muli sina Itang at Inang! Ipakikilala ko sa kanila si Custan!
"Ligaya? Ligaya? Are you alright? I shouldn't have surprised you, I shouldn't have overwhelmed you like this!" naririnig kong sabi ni Custan sa tabi kong hindi ko pa pala napapansin dahil sa mga bumugsong alaala sa'kin.
Umiling lang ako sa kanya. Pinilit ko ring ngumiti.
Salamat Custan sa pagbibigay sa'kin ng parte ng nakaraan ko. Hindi ko pa masabi iyon dahil sa bugso ng damdamin ko, at sa dami ng naaalala ng utak ko, pero salamat.
"Are you mad? Sorry," sabi ni Custan habang nakaluhod na sa harapan ko.
"Mahal kita," sabi ko at halik ko sa kanya sa noo para tumigil na sya sa kakaalala.
"But you're crying. And you're crying like crazy. Hindi yan tears of joy," sabi nyang pinupunasan ang mga luha ko.
Umiling ako. "Naalala ko lang, naalala ko lang ang, ang buhay namin noon pati ang pagkamatay nina Inang at Itang." Huminga ako ng malalim nang makahinahon ang dibdib ko kahit saglit. "Parang bago ang lahat ng yun na biglang nagpasakit ng damdamin ko. Pero naalala ko rin lahat ng saya. Nakakalungkot lang na nawala sa isip ko, na nawalay ako sa mga kapatid ko dahil sa nakalimot ako pero ang mahalaga ngayon, naalala ko na Custan. Salamat. Maraming salamat sa'yo."
Niyakap ako ni Custan. "I'm sorry. I hadn't thought this through. 'Di kita dapat binigla."
"Salamat sa pagbibigay mo sa'kin nito. Nasorpresa nga ako," sabi at tawa ko na sa kanya. "Maraming, maraming salamat." Tuluy-tuloy na 'kong ngumiti nang hindi na sya mag-alala sa pag-iyak ko sa isang malaki at mabuting bagay na ginawa nya.
"Sorry for making you cry. So you remember everything now?" tanong nya.
Hindi ko pa rin naalala ang parteng nakilala ko sya. Umiling ako. "Hindi lahat," amin ko.
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?