(A/N: Salamat sa pasensya at suporta.)
Namawis ako bigla.
Paliliguan ba sya or pupunasan lang? Sa kama ba o sa shower? Itatanong ko ba sya kung ano ang gusto nya? Dapat ba alam ko na 'to?
"O? What now? Clean me!" ulit nya. "'Diba that's what you're here for? To serve me?"
"Tigilan mo nga yang kakasigaw mo Custan. Hindi ako bingi. 'Wag mo 'kong gawing bingi," mahinahon kong sabi sa kanya.
"You have an attitude with me now? Ganyan ka ba sa mga inaalagaan mo sa UK?" balik nya sa'kin.
"Custan pwede bang maging maayos ka naman?" sabi ko habang iniisip kung paano nga ba sya maliligo o malilinisan.
"Stop blabbering and start doing your job! Trabaho pala 'ko eh so do it. Serve me. Paliguan mo na 'ko," sabi nya.
Binuksan ko ang pinto ng banyo nya sa kwartong yun. May nakita akong upuan don.
Ah! So dito ko sya paliliguan.
"Bilis Ligaya, ano ba?" inip nyang sabi.
"Mas babagalan ko sa kakaganyan mo," irap ko.
"You'll be fired in no time. Keep screwing up," sabi nya pa.
"Walang natatakot sa'yo Custan. Lalo na ako," madiin kong sabi.
Pa'no ba? Lapitan ko na ba sya? Aakayin ko sya papunta sa banyo. Yun, yun ang gagawin ko. Sige. Kaya ko 'to.
Nilapitan ko sya. "Dadalhin na kita sa banyo," sabi ko.
Saglit nya 'kong tinitigan. "You don't know what you're going to do 'no?" hula nya. Nag-taas sya ng gwapo nyang kilay.
Ewan ko ba. Madali lang naman kay Madame Emma. Pero si Custan kasi!
"If 'di mo kaya ang trabaho, 'di mo dapat tinanggap! Ako ang mapeperwisyo sa'yo eh. Baka mamaya nyan mas ma-injure pa 'ko sa'yo," sabat nya.
Heh. Tumigil ka nga. Babawi ako sa'yo, sa ayaw at sa gusto mo.
Napalunok ako bago hawakan ang malakas nyang kamay, yung walang cast. Dama ko ang lambot at kinis ng balat nya at tigas ng muscles nya. Nakaka-taranta.
Hindi ko alam kung hihilahin ko o iaangat ko lang ang kamay nya para maakay sya. Nagmukha tuloy na pinipisil-pisil ko lang ang braso nya.
"What are you doing?! Ligaya we don't have all day!" sigaw nya.
Nabitawan ko sya sa gulat. "Ang sungit mo!" sigaw ko rin.
"Ano bang ginagawa mo? Paliguan mo na 'ko, ngayon na! Ako pa ba ang magtuturo sa'yo ng gagawin mo? Ha?"
"Halika na," hawak at hila ko sa kanya patayo. Naupo sya.
Naramdaman ko ang pagsinghap nya sa paglapit ko sa kanya. Niyakap ko sya at binuhat ang likod nya patayo. Kahit bedridden halos, samyo ko ang bango nya. "Bilis!" utos nya.
Nagwawala ang puso ko sa kaba. Nang mailipat ang timbang nya sa'kin sa pagtayo namin, hindi ko nakayanan ang suportahan sya dahil hindi malapad ang balanse ko kaya natumba kami sa sahig. Naitungkod nya ang malakas na braso nya para hindi lumapat ang ulo at likod ko ng agaran sa sahig. Kahit yun lang ang tanging malakas sa kanya, nagawa nya pang itungkod yun para hindi ako madisgrasya.
Sandali syang napatitig sa'kin sa pagkakatumba namin. Nakita kong napalunok sya. Tiningnan nya ang kabuuan ng hitsura namin. "Gusto mo ba 'kong maaksidente pa, ha?"
Natauhan ako. "Sorry! Sorry! Kasi mabigat ka pala," nasabi ko.
"Natural Ligaya. Hindi ako insekto! I have a man's weight!"
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?