Chapter 45

1.9K 41 1
                                        

Nina Custan at Jade? "Yung kasal ni-"

"Opo, yung model at saka yung mayaman," tango nya.

"Si-"

"Opo," putol nya sa'kin ulit.

Parang ayaw nyang sabihin ko ang pangalan ni Custan. "Nabalita po ba?" tinanong ko na lang.

"Nagkausap kami sa telepono," sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Bago ko pa sya matanong tungkol don ay umalis na sya.

Nakausap nya si Custan? Totoo ba?

Ibig bang sabihin alam na ni Custan kung nasaan kaming mag-ina nya?

Napapikit ako sa pag-asang yun nga ang mangyayari. Nagdasal ako sa Panginoon. Kung tutulungan ako ni Custan, tulungan nyo po sya...

Para po sa anak namin... Panginoon pakiusap, para po kay Hope.

Custan bilisan mo. Kailangan ka namin ng anak mo.

May ibang nurse na bumalik sa kwarto ko. Isang lalaking nakaputi rin na naka-mask.

"Nasa'n na yung isang nurse?" tanong ko sa lalaki.

Hindi nagsalita ang nurse na lalaki. Nagpatuloy lang sya sa ginagawa.

Napansin kong naghahanda sya ng gamot at tuturukan nya ng gamot ang IV ko.

Hindi! Pampatulog ata yan. "Para saan yan?" tanong ko sa kanya. Inilayo ko pa ang swero ko para hindi nya basta-basta matuloy ang gagawin.

"Sa pain po. Para rin po mabilis na mag-heal ang sugat ninyo," sabi nya.

Mukha naman syang nagsasabi ng totoo kaya hinayaan ko na sya sa gustong gawin.

May naramdaman na 'kong kakaiba pagkatapos lang ng ilang segundo.

Pampatulog... pampatulog ang tinurok nya.

Walanghiya!

Pa'no na... Hope... Custan...

Nagising ako sa isang magandang kwarto. Malinis at maputi ang paligid at kagamitan doon. Wari ko'y silid sa bahay at hindi ng isang ospital.

Napansin ko agad na may lalaking nakatalikod na tila si Custan. Nakaupo sya sa 'di kalayuan.

"Custan?" tawag ko. Sana si Custan. Pinipilit kong bumangon pero hindi ko magawa.

Biglang may umiyak na bata.

Si Hope!

Tila hawak ni Custan ang bata. Inalo nya ito at marahang iniyuyugyog. "Baby, don't cry. I'm here. And Mommy's here."

Boses ni Custan.

"Hope?" tawag ko. "Pabuhat kay Hope."

Tumayo si Custan at humarap. Wala syang dalang bata at mukha ni Sebastian ang nakita ko.

Naalarma na 'ko. "Hope?! Hope?! Hooope!!!" sigaw ko.

"Ligaya! Ligaya!"

Nagising akong tunay sa yugyog sa akin. Naramdaman ko ang masuyong hawak sa mga braso ko.

Nagbukas ako ng mga mata at si Custan ang nasa harap ko.

Tiningnan ko syang maigi. Gusto kong makasiguradong hindi na ako nananaginip. Dumaan rin sa isipan kong baka naka-maskara lang sya. Kinurot ko ang mukha nya, "Custan? Ikaw ba yan?"

Nangiti sya at ininda ng kaunti ang pagkurot ko sa mukha nya. "Oo," tango nya.

Bago pa 'ko makapag-salita ulit at makahinga ng matiwasay, ay siniil na nya ako ng halik.

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon