Napabangon ako agad.
Gusto kong umuwi. Gising na si Custan ko!
Papayagan kaya ako? Magkano na ba ipon ko? Magkano ba pamasahe pauwi?
Kahit na! Uutang na lang ako kay Custan. Uuwi ako.
Lumabas ako ng kwarto. Aabangan ko ang amo ko at magpapaalam ako.
Nakita ko ang amo kong naka-bulagta sa kusina. "Oh! What happened?!"
Hindi sya makapag-salita. Kaagad na tumawag ako ng ambulansya.
"It's a good thing you woke up that early and saw Mom. Thank you. And thank you for calling us immediately. We are indebted to you. You extended her life," sabi ng anak ng amo ko sa'kin sa ospital. Puro lang naman ako tango sa kanya.
Pumasok ang Duktor pagkatapos non at ipinaliwanag ang mga nangyari.
"...Angina Pectoris... Diet, strict, therapy, closely monitor..."
Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi ng Doctor dahil si Custan lang ang nasa isip ko. Hindi pa 'ko nakakatawag sa kanya o kay Udong ulit dahil naiwan ko ang phone ko nang sumugod kami sa ospital. Hindi ko naman alam kung pwede akong gumamit ng telepono sa ospital para tumawag sa Maynila o kahit san sa Pilipinas. Hindi ko alam kung paano. Mahirap intindihin ang tuldik ng mga Singaporeans para sa akin kung magpapatulong ako.
"My Mom's Caregiver is the best," sabi ng anak ng amo ko sa Doctor. Tinapik pa nya 'ko sa balikat.
"Ha?" nasabi ko.
"I was telling the Doctor how quick-witted you were. And good thing you woke up really early and saw Mom."
Ngumiti lang ako.
Nakita kong nag-labas sya ng phone. Ipinantawag nya yun.
Baka pwede kong hiramin yung phone nya. Tutal natutuwa naman sya sa'kin.
Kabisado ko naman ang number ni Custan. Pihado ibibigay agad ng mga katulong nya ang phone nya sa kanya. Hinahanap ako nun, sigurado ako.
Tiningnan ko ang amo ko na nakaratay pa rin sa kama.
Siguro hindi pa 'ko makakauwi pero baka mapuntahan naman ako ni Custan. Lalo na kung magaling na magaling na sya. Kung hindi, okay lang. Basta matawagan ko sya. Makapag-paliwanag man lang ako kung bakit wala ako sa tabi nya.
"Miss can I borrow your phone? I just need to call the Philippines?" sabi ko sa anak ng amo ko.
"Oh I would let you but I don't have any battery left on this one now," sabi nya at ipinakita nya ang phone nyang patay na.
"Oh it's okay. Fine then. Thanks though," sabi ko. Sayang naman. Di bale bukas, susubok ulit ako.
"We are going to immediately transport you to London. There, Mom will be well taken cared of by my sisters."
London? Aalis kami? Lilipat kami?
"Where?" tanong ko.
"Don't worry, I'll arrange everything Leeguhyeah so you can come too. Mom needs you."
Ngumiti na lang ako.
Ano kayang address dun? Makakapunta ba dun si Custan? Mas malayo na yun. Kaya na kaya ng katawan nyang bumyahe? Kumusta na sya? Gising na sya pero nakakapagsalita na ba sya?
Dapat dalawin sya nina Udong! Naku matutuwa si Custan 'pag nakita nya si Ning.
Gusto kong umuwi pero hindi ata maaari. Bukod sa inatake sa puso si Madam, lilipat pa kami ng bansa.

BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomanceBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?