"Naku Mam yung tahi nyo, humiga lang po kayo."
"Itigil mo 'to! Ibalik mo 'ko sa ospital!" sampal ko sa kanya. "Kakasuhan kita ng kidnapping!" duro ko sa mukha nya. "Nasa'n na ang anak ko?!"
"Ma'am please, huminahon po kayo!"
"Aray..." Ansakit... Ang tyan ko... "Nasa'n na yung anak ko," inda ko sa kirot. "Ahh..." Bumalik ako sa maayos na higa dahil sa sakit na naramdaman ko sa biglang kilos na ginawa ko.
"Hope, anak, andyan na si Mama..."
Naramdaman kong nahihilo ako. Nakita kong may ipinasok na gamot ang nurse sa IV ko.
"Ano yun?" tanong ko sa kanya habang pilit ko syang inaabot para saktan sana.
"Matulog po muna kayo Ma'am," sabi nya.
Lumabo ng lumabo ang paningin ko... 'Di naglaon, nakatulog ako.
May mga ibon. Humuhuni.
Hmmn...
Masarap ang hangin.
Naramdaman ko ang hanging umihip. Nagbukas ako ng mga mata.
Isang malawak na lupain ang nasa harapan ko. May kabundukan sa 'di kalayuan. Nasa loob ako ng isang silid ngunit malaki ang pintong salamin na nasa harapan ko at bahagyang nakabukas iyon. Inililipad ng hangin ang mga puting kurtina doon.
Nasa'n ako?
Tiningnan ko ang sarili. Naka-swero pa rin ako. Hinawakan ko ang tyan ko't nadama ko ang kirot dun sa pagkilos ko.
"Si Hope. Si Hope!" Nasa'n na si Hope? Dyos ko! "Sebastian!!! Sebastian!" Aray, ang tyan ko... "Sebastiaaaan!" buong lakas kong sigaw.
Hayup sya! Hayup sya! Makikita nya!
"Hope!!!"
"Ma'am? Ma'am! Kalma po. Tatawagin ko po si Sir," may nagsabi sa may likuran ko. Hindi ako nakalingon agad para makita kung sino yun. Napagtanto kong ang kama ko'y nasa gitna ng malaking silid sa pag-lingon lingon ko. Nasa likod ng kama ang pasukan sa silid na yun.
"Hope?" Anak kooo... Umagos na ang luha ko. "Hope?! Hooope!" Walang mangyayaring masama sa'yo anak. Pangako ni Mama yan anak...
"Wifey?" dinig kong tawag ni Sebastian mula sa likuran ko.
Kumulo kaagad ang dugo ko nang narinig ang boses nya. Sumakit ang tahi ko sa tyan pero mas masidhi ang galit ko kay Sebastian para pansinin ang kirot nun. "Sebastian, nasa'n si Hope?!" sigaw at tanong ko agad. Pilit kong tinatanaw at nililingon sya.
Mas umapoy ang galit ko sa kanya nang masilayan ko sya. Maayos ang hitsura nya - bagong gupit at bagong ahit. May pag-aalala sa mukha nya ngunit kilala ko na sya at wala akong pakialam sa kung ano ang damdamin o gusto nya. Galit na galit ako sa kanya at yun lang, at ang makita ang anak ko, ang importante. Dama ko ang lakas ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko'y sasabog ako. Mapapatay ko sya.
Lumapit sya sa kama. "Wifey, she's fine," sabi nya. Pagkatapos ng pag-oobserba sa akin ay ngumiti sya.
Ngumiti si Sebastian na parang ayos ang lahat... na parang ako pa rin ang asawa nya... na parang mahal, at tama ang pagmamahal nya para sa akin.
Mas umagos ang luha ko. Para syang baliw...
'Di ko alam kung saan ko sisimulan ang pagsasabi sa kanyang alam ko na ang lahat. Hindi ko matanggap na nagawa akong lokohin at gamitin ng taong pinagkatiwalaan at minahal ko sa mahabang panahon... taong akala ko'y kabiyak ko at nag-aalaga sa akin. Paano nya nagawa lahat sa akin? Bakit ako? Anong kasalanan ko, anong ginawa ko sa kanya?
![](https://img.wattpad.com/cover/67562191-288-k444424.jpg)
BINABASA MO ANG
His (Completed)
RomantizmBago ang mundo sa'kin. Sya ang nag-turo sa'kin ng lahat ng dapat kong malaman sa bago at modernong mundo na hindi ko kinasanayan, hindi ko kinalakhan. Naka-sandal ako sa kanya sa lahat. Ako ba'y kanya? O mahal ko lang sya?