Chapter 31

1.8K 30 4
                                    

(A/N: Rated PeeGee)

Kinabukasan nang nagising ako, wala na si Sebastian sa tabi ko.

Naalala ko ang nangyari sa ospital at yung pag-uwi namin mula don pero bukod dun, bago ang lahat ng yun, wala pa rin akong naaalala. Pinilit ko talagang maka-alala pa pero sumasakit lang ang ulo ko tuwing susubukan ko.

"Babe? Gising ka na?" tawag ni Sebastian mula sa labas ng kwarto.

"Oo," sagot ko kay Astian.

"Don't get up! I'll bring you breakfast. 'Di ka dapat nagkikikilos."

Napangiti ako. Sweet sya.

Naka-nguso sya ng halik nang pumasok sya sa kwarto at inilapit nya ang mukha nya sa'kin kaya hinalikan ko sya. "Good morning Babe," sabi nya. "Cereals, fruit, croissant and butter. And of course, orange juice."

"Favorite ko ba 'tong mga 'to?" tanong ko sa kanya habang namamangha sa presentasyon nya ng agahan na yun.

"I'm your favorite," pagtatama at ngiti nya. "You eat anything I prepare kasi minsan lang ako magluto. I let you wow me kasi with the dishes you cook."

"Ah, mahilig akong mag-luto?" tanong kong napangiti.

"Oo," sabi nya. "And you love taking good care of me. Sige na, kain ka na. Later I'll change your gauze if needed. Let's see your wound. If kailanganin, punta tayo ng ospital ulit."

"Akala ko ba uuwi na tayo? Yung sa Palawan?" tanong ko.

"We are going to Palawan as soon as we know na okay ka na talaga. I don't think you'd need anymore tests pero let's just make sure. Though may Doctor naman tayo sa Palawan, your OB, si French."

Tumango-tango ako. Ngumiti. Hindi ko rin maalala yung French.

Magana kong nakain ang mga dinala nya. Hindi ko alam na gutom pala ako. Naubos ko kaagad lahat yun.

"You want some more? Mukhang matakaw ang baby natin ah," he said and rubbed my belly.

"Oo nga eh. Siguro maya-maya na lang," ngiti ko.

Kumportable ako kay Sebastian pero 'di ako makapante. Mayroon akong pakiramdam na parang may nakalimutan ako o naiwan ako dahil mayron nga naman. Marami akong nakalimutan o hindi maalala.

"Um Astian?" tawag ko ng pansin nya.

"Hmmmn Babe?" sagot nya. Ngumiti sya na parang walang inaalala. Mukha syang masaya. Kahit paano sa hitsura nyang yun na may kapayapaan, nakampante ako kahit may mga bagay na hindi ko pa naaalala.

"Um gusto ko sanang makakita ng mga pictures? Nung kasal natin? Yung mga ganun?" sabi ko.

"Ah, nasa Palawan eh," sagot nya. "Nasa lumang bahay dun. Ipapadala ko na lang dun sa bagong bahay natin sa Palawan," sabi nya. "Lumipat din kasi tayo. Nung umulan kasi ng malakas nun, nabasa yung iba kaya iniwan na muna natin dun sa lumang bahay lahat."

"Ah ganun ba? Sige," ngiti ko. "Um..."

"Hmmn?"

"May mga magulang, kapatid?" tanong kong bitin.

Malungkot syang ngumiti. "Unfortunately your parents had passed. You're an only child," sabi nya. "You have relatives abroad pero 'di kayo close. Your friends are mostly abroad all loved up as well, busy sa mga married lives nila."

"Ahhh," tango ko. "Para ngang hindi ako friendly," ngiti at biro ko.

"Hindi naman," sabi nya. "But you love my close friends. They're your friends too."

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon