Chapter 26

2.1K 36 0
                                    

"Kung bakit galit na galit ka kay Jade?" tanong ko. Malalaman ko na ba ang matagal ko nang pinagtatakhan?

"Please don't be mad okay?" sabi nyang may pag-aalala. "And please don't judge right away. I'm afraid you'd be mad and hate me eh."

Umiling ako. "Hindi," sagot ko. "Ano ba yun? Ano yung tungkol kay Jade?"

Malalim syang bumuntung-hininga. Hindi nya alam kung paano nya uumpisahan ang sasabihin. Kung saan saan sya bumaling. Hindi sya mapakali. Humigpit ang hawak nya sa kamay ko. "She got pregnant," bulong nya.

Ano?

Natigilan ako at napalunok. Ano ang ibig sabihin nito?

'Di ako nakapagsalita sa gulat pero hinayaan ko syang magpatuloy.

"I was so happy then," patuloy nya habang hawak ang mga kamay ko. Parang ayaw nya 'kong bitiwan na parang tatakbo ako 'pag lumuwag ang hawak nya sa'kin. "Kahit bata pa lang ako nun, I was excited to have a family kasi I didn't have a family growing up. And I loved Jade. She was my everything."

Loved. Was. Tapos na. Tapos na Ligaya.

'Di ko maiwasang hindi mag-selos sa narinig ko kaya kinailangan ko pang ipaalala sa sarili ko na nagkukuwento na lamang sya at tapos na ang lahat sa kanila.

...Kahit bata pa ang naging kunekyon nila... anak nila.

Pumikit sya. "But she had our baby aborted." May poot at sakit sa pagpikit nya.

"Ano?" nagulat kong bulong. Ipinalaglag?

"Ang sabi nya, masisira daw ang buhay nya, ang katawan nya. She expressed that she didn't want our child. I didn't do anything to ensure our baby's safety. She went on a trip. I thought it was just for her work. I had ideas of what can happen pero ang sabi ko sa sarili ko nun, hindi ganun si Jade. She'd care enough, she'd love our baby to keep it."

"Pero hindi ganun ang nangyari," hula ko.

"I didn't see her again after that. I chased after her. Kung saan-saan ako pumunta para hanapin sya. Pero hindi mo mahahanap ang taong nagtatago."

Ako naman ang bumuntung-hininga pagkatapos ng pagpipigil ko nun sa mga sinasabi nya. Kinakaya ko ang mga naririnig ko tungkol sa naging pagsasama nila ni Jade.

Huminga sya ng malalim ulit. "I had asked Uncle's help, to help look for her. I told him we have a baby on the way kaya it was imperative I find her. Uncle helped look kaya lang wala na talaga. She then called and said wala na yung bata."

"Kaya galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon?" hula o sabi ko.

"Oo, 'cause what she did was unforgivable. She killed my baby. She took matters into her own hands. That's my baby she killed. I couldn't forgive her for that. Kasi sarili ko nga hindi ko mapatawad sa nangyari, sya pa kaya na nagdesisyon ng kanya lang tungkol sa anak namin. All for what? Her career."

Sandali kaming nanahimik. Batid kong pinakakalma nya ang sarili sa mga emosyong bumabalik sa kanya sa pag-alala ng nakaraan.

"Kaya mahilig ka sa bata," puna ko.

"Oo," matipid nyang ngiti. "Mga kasing-tanda na siguro sya ni Ning kung buhay sya. I punish myself everytime I think about what happened. I should've been more responsible, you know? Jade and I, we were very wrong."

"Mahal ka pa ata ni Jade," banggit ko ng katotohanan. Bakit naman kasi maghahabol si Jade, kung hindi nya na mahal si Custan?

"Ang katwiran nya kasi dahil lang naman daw sa baby kaya kami nagkahiwalay. Willing na daw syang magka-family ngayon. She believes I still love her but I don't, not anymore. Kung hindi ako galit sa kanya, I would be indifferent to her."

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon