Chapter 36

1.8K 41 1
                                        

Nakahihilo ang byahe kaya nang nakarating na kami sa Manila, sa condo, ay naupo kaagad ako. Hinayaan ko na lang si Sebastian, at ang tila mga bago na naman naming kasama sa bahay, na mag-ayos ng mga gamit namin.

"Are you alright?" tanong nya. Hinalikan nya ang ulo ko.

"Okay lang. Nakakahilo lang. Nasusuka nga ata ako," sabi ko.

Hinagod-hagod nya ang likod ko. "Hinga ka ng malalim Wifey."

Ganun nga ang ginawa ko. Inulit-ulit ko ang paghinga ng malalim. Mas bumuti nga ng kaunti ang pakiramdam ko.

Isinandal ko ang ulo ko sa bisig ni Astian. Ano na lang ang gagawin ko nang wala sya? Napakabait ng asawa ko.

Nakatanggap ng tawag si Astian. "Hello Manang? O..." Tumingin sya sa'kin. Mukhang may nangyari. "Ganun ba? Hindi ko napansin... Sige... Babalikan ko na lang dyan. Baka may mga naiwan din kasi kami... Sige, sige. Kayo na muna ang bahala dyan."

"Ano yun? Ano daw problema?" tanong ko agad pagkatapos ng tawag. 

"Mahal mo 'ko, remember that," sabi ni Sebastian na ngumiting parang aso.

"Ano?" taas-kilay kong tanong sa kanya. "Anong kasalanan mo?" Alam kong 'pag nagpapa-cute sya, may kasalanan sya.

"Naiwan natin yung phone mo sa Palawan," lahad nya sabay pupog sa mukha ko ng halik.

"Ano? Pa'no nangyari yun? Diba hawak mo?" tulak ko sa kanya. Naku yung phone ko! Sasaliksikin ko pa naman sana si Jade at ang nalalapit nilang kasal ng nobyo nya.

"Baka nung pasakay na tayo sa chopper nalaglag. Sabi ni Manang sa helipad daw nya nakita eh," sabi nya at ngumuso para humalik ulit sa mukha ko.

"Hay naku naman Hubby!" Sumakit pa ata ang ulo ko bukod sa hilo dahil sa nangyari. Minasahe ko ang sentido ko.

"I am so sorry pero babalik naman din ako dun and I'll get it. Why are you so concerned? May katext ka ba?" akusa nyang biro.

"Oy wala. 'Wag mo ngang ibalik 'to sa'kin."

Niyakap nya ako. "Sorry na nga! I love you Wifey! So much!" Pinang-gigilan nya ako. "Love ako nyan eh. Hindi na magagalit yang pinakamagandang buntis na yan eh." Pinupog nya ako ng mga halik.

Magagamit ko itong pagkakataon na 'to para makuha ko ang gusto ko, ang matagal ko nang pinagpapantasyahan. "Sa isang kundisyon," sabi ko.

Tumigil sya sa paghalik sa'kin. Mataman nya 'kong tiningnan. "What is it?" tanong nya habang nakayakap sya sa braso ko.

"Punta tayo ng mall!" masaya kong yaya. "Gusto kong bumili ng mga gamit ng bata, laruan, damit!"

Bumuntung-hininga sya. "Sige," mahina nyang payag. "Sige payag ako. Alam ko namang magpipilit ka eh."

"Yehey!!!"

"Pero! Pero last na pasyal na 'to kasi malapit ka nang manganak o," sabi at himas nya sa tyan ko.

"Hindi ko pa naman kabuwanan," irap ko. "Masyado kang mag-alala."

"Tsk. Basta."

"Yay! Sa wakas! Makakapasyal ako!" Ako naman ang humalik-halik sa kanya.

"Tamang-tama kasi may meeting ako sa Pampanga. Sa Mall sa Pampanga ka-"

"Pampanga? Ano namang mabibili ko dun?" yamot kong usal. "Kaya ko gustong mag-mall Hubby kasi gusto kong yung ibang gamit ni Baby ako ang pumili. Walang tinda sa mall sa mga probinsya. Kita mo sa Palawan-"

"Are you insulting Pampanga's biggest malls? May Robinsons at SM dun," sabi nya.

"O eh di sige, mag-mall don," payag ko na. "Sabagay marami rin naman siguro don. Ang akala ko lang kasi dito tayo sa Manila mamamasyal."

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon