Chapter 32

1.8K 31 9
                                    

Bumaba ang helicopter sa gitna ng malawak na lote. Malaki ang lupain at maluwag at malapad ang bahay na natanaw ko sa 'di kalayuan.

Ang ganda. Ang ganda dito.

Napapasinghap ako sa ganda at hindi ko na napigilang 'di ngumiti dahil sa napakaraming puno sa paligid. Magaganda at makukulay ang mga bulaklak kung saan-saan. Berdeng berde rin ang damo na binababaan namin.

Malaki ang ngiti ko kay Sebastian. Masaya ako. Walang duda yun.

Hinagkan nya ang mukha ko dahil sa nakikita nyang saya ko. Hinalikan nya ang noo ko.

Sinalubong kami ng tatlong babae at dalawang lalaki sa pagbaba namin ng helicopter. Dinala kaagad nila ang mga gamit namin. Walang humpay ang pasasalamat ko sa kanila.

Nakapagsalita na lang kami ng maayos nang nakalipad at nakaalis na ang helicopter pabalik ng Maynila. "We haven't really completed all the stuff needed inside the house kasi the other stuff are still in the old house. 'Di bale, once we're settled, check natin kung ano pa ang kailangan natin," sabi ni Astian sa'kin.

"Sige," sabi ko. "Lalo na yung mga pictures. Ga'no ba kalayo yung dating bahay dito?"

"Especially the pictures," tango nya. "Of course. Um, mga two hours away."

Tumango ako. Malayo rin pala. "Gusto ko kasing malaman o maalala yung hitsura natin nung kasal natin," sabi ko sa kanya.

"Oo naman," ayon nya. Iminuwestra nya ang mga taong naroon. "Syangapala, these are... Ay hindi ko pa pala talaga kayo kilala," sabi ni Sebastian sa mga naroon.

"Ay Ser, ako po si Minang, yan po si Jane, si Wendy at ang dalawa ko pong anak na pinatulong ko lang dito ngayon, Ernesto at Ramil po. Ako po yung kapatid ni Ate Maring," pakilala ng isang matandang babae sa'min. Ngumiti at tumango ang mga naroon sa'min na sinuklian din namin ng ngiti.

Bumaling si Astian sa'kin. "Si Aling Maring yung dati naming katulong," paliwanag nya. "Kaya lang, may sakit na sya." Bumaling sya kay Ate Minang, "Kumusta na pala sya?"

"Ayun, 'di pa rin po ga'nong nakakagalaw at nakakapagsalita dahil sa stroke," sagot ni Ate Minang na lumungkot.

"Please update us regarding her ha?" sabi ni Astian.

"Ako po pala si Ligaya," pakilala ko sa sarili. "Sana nga gumaling na si Aling Maring."

"Oo nga pala, si Ligaya asawa ko," pakilala ni Astian sa'kin. "Kahit Joy na lang itawag nyo sa kanya. Tawagin nyo na lang rin akong Asti, para maiksi."

"Sige po Ser Asti," sagot ni Ate Minang.

"Can you take a picture of us?" sabi nya kay Ate Minang. "Syempre move in na at saka complete na yung construction ng bahay eh, so dapat documented. Sorry, excited lang."

"Sige po," payag ni Ate Minang at kinuha ang phone nya.

Nang nakunan na kami ng litrato ni Ate Minang sa iba't ibang parte ng bahay, pati sa labas, isinama rin namin sila sa picture-taking.

Naglakad-lakad pa kami sa bagong bahay at talagang napakaganda ng bawat sulok. Pareho kaming namangha ni Astian sa disenyo at ayon sa kanya, sa kinalabasan ng bahay mula sa naplano nilang mga konsepto.

"The Architects and the Interior Designers did amazing work. The house came out as very modern with clean lines na gusto ni Ate but it's also very nature-friendly that I wanted naman. Maaliwalas." Bumuntung-hininga sya. "Sana nakita 'tong lahat ni Ate. It's a shame na 'di na nya naabutan. She worked hard for this."

"Nakikita nya 'to. At masaya sya kasi masaya ka," sabi ko.

"Tayo Babe, masaya tayo," pagtatama nya. Hinawakan nya ang kaliwa kong kamay at lumuhod syang bigla. "I got us new rings," ngiti nya.

His (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon