GABRIELLA MARIE's
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Bumangon ako na naiinis at pinatay ang alarm clock ko.
Ewan ko ba isang taon ko na 'to ginagawa hindi parin ako sanay. Buti nga nagigising ako sa alarm clock eh, nasanay kasi ako na may gumising sakin.
Bigla naman tumunog ang phone ko.
Nakita kong si Mommy ang tumatawag kaya agad ko 'yon sinagot.
"Hello Mom"
[Good morning baby. Kumain ka na?]
"Hindi pa po. I just woke up"
[Ah. Sige eat ka na ng breakfast mo. Baka ma late ka pa sa work. Bye. I love you and I miss you] Napa smile naman ako sa sinabi ni Mommy.
"I love you and I miss you too. Pati po sila Daddy. Sige po bye" I said then I ended the call.
Bumango na ako at pumunta sa kitchen para kumain ng breakfast. Mag isa ako nakatira sa condo unit ko.
Sila Mommy kasi nasa Cebu. Dun ang hometown ko. Pero dito ako sa Manila nag College. Dati may kasama akong maid dito sa condo. Pero pinauwi ko na sa Cebu simula nung nagka trabaho na'ko.
I want to be independent.
My family owns a business in Cebu. Ayaw ko pa mag handle nun. Andiyan pa naman si Kuya eh. Gusto ko may panutayan ako bago ko i-handle. Gusto ko ma experience ang magka boss. Because in that way I can learn lessons from it.
I ate my breakfast at agad agad nag ayos ng sarili, binilisan ko ang pag kilos ko kasi baka ma traffic ako.
Mga walang pa ang isang oras nakarating nako sa office.
Nagtratrabaho ako sa Dreamers Event Planning. Kilala na siya, kaya medyo marami rami kami palaging clients. Majority ng events namin ay weddings.
Umupo nako sa table ko. At tinignan ang schedule ngayon.
''Gabriella Marie Villegas!!'' Narinig kong tawag ng boss ko saakin. Tumayo ako at pumanta sa office ng boss ko.
''Bakit Ma'm Thalia?''
Mabait yan si Ma'am Thalia. Ang kulet ngang kasama eh. Hindi siya mahigpit. She's casual sa'min.
''Ang baby boy ko ikakasal na!!'' She said.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Alam ko ka age ko lang yun eh. Gwapo sana 'yon kaso apaka yabang! Dati crush ko yun kaso nung nakausap ko, na turn off ako sa kahambugan niya.
''Exicted na 'ko Gabi!!''
''Hay nako Ma'am halata nga po!''
''Hehehe.Kahit alam mo na. Basta tayo ang magiging wedding planner nila!''
May issue kasi si Ma'am Thalia do'n sa girlfriend ng anak niya. Hindi naman sa tutol siya. Supportive naman siya eh, may iba lang daw talaga sa relationship nila. May something. Sobrang luwag daw kasi nung anak niya sa girlfriend.
Wala daw siyang makitang spark. Gusto ata ni Mam eh makuryente yung dalawa.
"Sige po, mag seset pa po ba ako ng appointment kasama sila?"
"Yes! Actually papunta na sila ngayon. " Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"P-po? Eh may appointment po kayo ngayon"
"Don't worry sila Donna na bahala do'n okay?"
"Okay po. Sige po labas nako"
Lumabas na ako ng office. Pag kasara ko ng pinto, para akong nabunggo sa sang matigas na pader.
"Tsss. Watch where you going" Ano ba yan umagang umaga sira na ang araw ko!
Hindi ko siya pinansin inirapan ko na lang siya at nag lakad papunta sa table ko. Ayokong ubusin ang energy ko sa kanya!
"Ang taray taray di naman maganda" Nainis ako sa narinig ko. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Purket di maganda, wala ng karapatan mag taray?" I said. Napa smile naman siya.
"So you're admitting that you're not pretty?" He smirked. Aba gago.
Nag lakad ako palapit sakanya.
"I'm not pretty. I'm beautiful, inside out" I said then walked away.
BINABASA MO ANG
Just His Wedding Planner
RomanceUNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Gabi always fight for love, but suddenly she became a coward. After all, She's JUST HIS WEDDING PLANNE...