JWHP: Thiry Eight

9K 194 10
                                    

Gabi's POV

Andito ako ngayon sa condo unit na pag mamayari ni Hayme. It's been days simula nung umalis ako ng Bohol.

Nakaka miss din pala. I miss the beach, the food, i miss topher. I miss everything.

But I'm contented. Kasi kasama ko naman si Hayme. Andito siya para sa twins namin.

Pag balik namin galing Bohol pinipilit kami ni Tita Nadz na tumira sakanila. Pero sabi ni Hayme gusto daw niyang may sarili kaming titirhan.

Nagulat ako ng sinabi niya na mag sasama kami sa isang bubong. At ang tanga para isipin na hindi kami mag sasama. Pinilit ko si Hayme na wag ng tumira dito sa condo niya kasi meron naman ako pero mas okay daw na mag kasama kami kasi mababantayan niya ako.

Pero kahit nasa iisang bubong kami. Parang wala naman siya. I feel so lonely.

Halos ginagabi na siya sa pag-uwi niya. Sa umaga pag gising ko nakaalis na siya. Nararamdaman ko naman na sinisilip niya ako sa kwarto ko pag dumadating siya sa gabi.

Kaya eto naka higa lang ako sa sofa at nakikinig ng classical music. Maganda daw kasi ito pakinggan pag buntis ka.

Bigla naman akonh nakatanggap ng text galing kay Hayme.

Fr: Hayme
I'm going home late.

Napa buntong hininga na lang ako sa nabasa ko. Atleast nag text siya. Hindi na ko nag reply kasi wala naman akong maisip na sasabihin.

Tumayo na ako at pinuntahan si Ate Jewel na nagluluto ng dinner. Pinasama samin niya ni Tita Nadz para may makasama kami ni Hayme.

"Ate Jewel late na raw po makakauwi si Hayme" I said.

"Ah ganun ba. Sige. Intindihin mo na lang siya iha marami lang talaga siguro siyang ginagawa sa office" Ate Jewel said.

Sa office ba talaga siya busy? Ayoko na lang mag-isip.

After kumain nag ayos na ako at dumiretso sa kwarto ko at humiga.

Pinilit kong matulog pero di talaga ako makatulog. Bigla kasi ako nag crave sa bagoong. Ewan ko ba ang laki-laki na ng tiyan ko may cravings parin ako.

Simula talaga nung pinag bubuntis ko ang kambal lagi kong hinahanap-hanap yung bagoong. Nakakainis kasi eh bat kasi naubusan kami ng bagoong?!

Napatinging naman ako sa orasan. It's already 2 AM and I still can't sleep. Naramdaman ko na nga na dumating si Hayme eh.

At dahil hindi ko na kinakaya kinuha ko ang jacket ko at dahang-dahan lumabas ng unit. Mag hahanap na lang ako ng bagoong. Ayoko naman istorbohin si Ate Jewel lalong lalo na si Hayme.

"San po pwedeng makabili ng bagoong?" Tanong ko sa guard ng condo.

"Ay di ko alam eh. Mukang wala ng nag bebenta ng bagoong sa ganitong oras" Sabi ni kuya guard.

"Ganun po ba. Sige salamat po!" Sabi ko at umalis na.

Nag lakad lakad ako at naghanap ng bagoong. Safe naman sa lugat na toh. Ewan ko ba kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

"Gabi!" Nagulat naman ako sa narinig.

"Ha-yme" Nang makalapit siya sakin agad niya akong niyakap.

"Pano mo na-laman?" Tanong ko sakanya ng makabitaw ako sa yakap.

"Pumunta ako sa kitchen to get some water. Then napansin ko na your door was open pag pasok ko hindi kita nakita. Bigla akong natakot. Hinanap kita but fuck I can't find you. Then the security guard said na nag hahanap ka ng bagoong" Explain niya.

"Are you craving? Gusto mo na ng bagoong?" He asked. I just nodded.

"Okay let's go back. I'll buy" He said. Hinayaan ko na lanh siya na hawakan anh kamay ko habang pabalik kami ng condo niya.

Di na ako nag tanong kung saan siya bibili. He's Hayme. Kaya niya maging possible ang impossible.

Pag balik namin pinahiga niya ako sa sofa at kinuha niya ang phone niya at may kinausap.

Maya maya may dumating na lalaki at may inabot na supot kay Hayme.

"It's your bagoong. Wag ka ng bumangon kukuna na kita ng plato" He said. Hindi ko maiwasan na mapangiti.

Pag balik niya may dala na siyang spoon then nasa plate na yung bagoong. Agad ko naman kinuha sakanya iyon at kumain.

Pinapanood lang niya ako habang kumakain na para bang ngayon lang siya nakakita ng tao na kumakain ng bagoong.

After kong kumain inabutan niya ako ng water.

"Thank you" Sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya.

"No problem"

Tatayo na sana ako kaso bigla siyang nag salita.

"Gabi, don't do that again. You scared me" Nagulat ako sa sinabi niya.

"I'm sorry, sobrang nag crave lang talaga ako"

"I know but you can tell me or ate jewel. Hindi yung lalabas ka mag-isa" He said.

"Eh baka kasi nakaka istorbo ako" pag amin ko sakanya.

"Hindi ka istorbo sakin Gabi" nag simulang tumibok ng mabilis ang puso ko sa sinabi niya.

"You will always be my priority Gabi. You and our babies"

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon