JHWP: Fifteen

10.2K 190 17
                                    

Gabi's POV

Kasalukuyan akong nag da-drive ngayon papunta sa office kasama ko si Jared anak ni Cess. Nakiusap kasi si Cess na ako muna ang magdala kay Jared sa doctor. Nagka emergency kasi sa office niya at kailangan na kailangan siya. Yung yaya naman umuwi sakanila.

Yung family niya naman katulad ko nasa Cebu din. Hindi naman maiwan ni Cess ang manila kasi andito na ang buhay niya. May sarili na rin siyang bussiness dito.

Tinext ko naman si Mam Nadz, na hindi ako makakapasok kasi kailangan ko dalhin si Jared sa hospital. Baka mamayang hapon pa ako makakapasok. Ang sabi naman niya okay lang daw, naiintindihan niya. Wag na nga daw ako pumasok mamayang hapon eh baka daw mapagod pa ako.

Ang sabi ko naman okay lang, pero nag pumilit siya. Kaya nag decide na lang siya na dumaan muna ako sa office may ibibigay daw siya sakin at idaan ko sa dun sa souvenir shop. Kaya eto papunta na kami ngayon sa office. 

Habang nasa byahe hindi ako na bored dahil sa sobrang daldal ni Jared.

"Ninang ninang san tayo punta? Sa sm?" Natawa naman ako sa sinabi niya.

Masyado ata namin na spoiled ni Iya si Jared kaya laging gusto nasa mall.

"No baby, pupunta tayo sa doctor" I said.

"Hala tuturok naman ako ng doctor"

"Don't worry baby, kasama mo naman si Ninang eh" Sabi ko sakanya.

Jared is a smart kid. 4 years old palang toh pero ang dami ng alam. Napaka daldal. Masyadong curios sa lahat ng bahay. Kahit kinder palang.

Englishero nga tong batang toh eh. Pano ba naman kasi nung wala pang pasok walang ibang ginawa kung hindi manood sa youtube.

Pero sobrang tamad mag aral jusko. Ang sabi naman ng teacher normal lang daw yun kasi lalaki.

"Ninang why are we here? Di naman toh hospital ah"  Jared said.

"Baby, office toh ni Ninang. May kukunin lang ako okay? Tas pupunta na tayo sa hospital" He just nodded.

Bumaba na kami at pumasok sa office. Ang dami naman na kyutan sakanya yung iba kilala na siya kasi pumunta na siya dito dati. Kahit si Tita Nadz.

Pag pasok namin nakita ko si Tita Nadz at si Hayme na magkausap. Tumigil sila ng makita kami ni Jared.

"Oh, Gabi andiyan na pala kayo. Hi Jared!" Tita Nadz said then lumapit siya samin.

Tinignan naman siya mabuti ni Jared na para bang kinikilala niya. Nung nakilala na siya ni Jared agad na niyakap siya si Tita Nadz.

"Tita Nads!" Jared said. Tuwang tuwa naman silang dalawa.

Napatingin naman ako kay Hayme, ang sama ng tingin niya sakin.

"Akala ko ba walang aabsent? Eh anong gingawa mo ngayon?" Masungit na sabi ni Hayme sakin.

"Kailangan kong samahan sj Jared sa hospital. " Tipid kong sagot.

"Eh bakit ikaw? Asan ba ang nanay niyan?"

"May emergency nga kasi si Cess" Pinipigilan ko lang ang sarili ko magalit sakanya dahil andito si Jaredz

"Asan naman ang tat- Aray!" Bago pa masabi ni Hayme ang word na 'tatay' kinurot ko siya ng palihim.

"Oh may masakit ba sayo? Halika gamutin natin sa labas" Sabi ko sakanya at hinila siya sa labas.

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon