Gabi's POV
Pagkatapos ng pangyayari kanina sa Hotel agad akong nagpahatid sa bahay namin. Hindi na kami nakakain ng dinner ni Topher sa hotel.
Ayoko nga sana kumain pero inisip ko yung kambal kaya kahit konti kumain ako.
Andito ngayon si Topher sa bahay, hinihintay lang ako makatulog.
"Sige na Topher umuwi ka na nakakaistorbo na kami ng kambal sayo" Sabi ko sakanya. Nakahiga na ako sa kama ko samantalang siya nakaupo lang sa tabi ng kama.
"Okay lang hihintayin na kitang makatulog" He said.
"Wag na sige na lalo akong di makakatulog niyan eh" Sabi ko sakanya. Napabuntong hininga naman siya.
"Sige na nga basta matulog ka ng maaga ah" Eto talagang si Topher napaka caring.
I am really lucky to have Christopher in our lives. Swerte mapapangasawa niya. Sana nga lang mahanap na niya ang babaeng mamahalin niya.
"Opo boss" Napatawa naman siya sa sinabi ko.
Sigurado naman ako na wala na siyang feelings sakin. Gusto pa nga niya na ipaalam ko na kay Hayme eh.
"Sorry pala sa nangyari kanina"
"Wag ka mag alala wala ka namang kasalanan sa nangyari eh. Sige na umalis ka nagagabihin ka pa, i lock mo na lang yung pinto sa baba. Ingat ka ah" I said.
"Opo. Sige na goodnight. Ako na bahala. Ingat din kayo ng kambal ah" He said then he kissed my forehead the umalis na rin siya.
Nung makaalis na siya sinubukan ko ng matulog pero hindi ko talaga kaya. Pinipilit ko namang hindi isipin pero hindi parin ako makatulog.
Gusto ko na nga matulog eh para hindi ko na maisip yung mga nangyari kanina.
Ilang oras ko ding sinubukan matulog. Nung hindi ko na talaga kinaya, bumangon na ako then kinuha yung sweater ko.
Magpapahangin muna ako sa labas para makatulog ako.
Kinuha ko yung susi ng bahay kasi i lolock ko muna. Pero pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko. Nakaupo siya sa harap ng pintuan ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sakanya. Napatayo naman siya agad.
Andito siya ngayon ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog kung bakit hanggang ngayon nasasaktan parin ako.
"Gabi, I'm really sorry for what happened, for everything" He said then niyakap niya ako pero agad akong bumitaw.
"Sa tingin mo mababawi lahat ng sakit na nararamdam ko sa sorry lang?! Ulul"
"I'll do anything, everything para mapatawad mo lang ako" Sabi niya then hinawakan niya kamay ko pero binitawan ko agad. Ayokong mahawakan siya. Ayokong malapit sakanya.
"Wala ka ng magagawa Hayme. Tapos na. Atsaka pano mo nalaman na andito ako?"
"Sinundan ko kayo. Gabi please ayusin natin toh" Pag mamakaawa niya.
"Ayusin? Hindi mo ba alam kung gano kasakit lahat lahat? Ang umasa sayo? Ang magpakatanga sayo?" Nanahimik siya sa sinabi ko.
"Hirap na hirap ako sa nararamdaman ko sayo kasi hindi ako yung mahal mo at ikakasal ka na. Alam mo bang mahirap manatili sayo ng hindi ko alam kung saan ko ba dapat ilugar sarili ko? Tas nung nagpakalayo layo ako ginulo mo nanaman buhay ko, buhay namin. Tapos nagawa mo pa akong sabihan ng mga masasakita na salita. Pagkatapos kong ibigay ang sarili ko ng buong buo pag bibintangan mo ako na iba ang ama ng pinagbubuntis ko?! Gago ka ba?! Sige nga Hayme pano mo aayusin?"
Hindi parin siya makasalita. Tatalikod na sana ako ng bigla siyang nag salita.
"Wala na kami ni Sophia" Nagulat ako sa sinabi niya kaya hinarap ko ulit siya.
"Anong ibig mong sabihin na wala na kayo?"
"Hindi natuloy ang kasal" Hindi natuloy? Bakit?
"I don't love her anymore. It's you that I want to spend my whole life with" Matutuwa na sana ako sa sinabi niya kaso naalala ko yung sinabi niya sakin nung lasing siya.
"Hindi mo siya hiniwalayan kasi mahal mo ko, hiniwalayan mo siya kasi she cheated on you." I said.
"No, hindi yun totoo"
"Tigilan mo na ang pag sisinungaling mo Hayme. How can you move on so easliy sa taong matagal mo ng kasama. Ako nga sayo eh wala pang isang taon hirap na hirap nakong mag move on." Hindi ulit siya makasalita.
"Kaya wag mong sasabihin sakin na hindi mo na siya mahal. Hinahabol mo lang ako kasi natapakan pride mo. Hinahabol mo lang ako kasi nalaman mong buntis ako. Wag ka mag alala kaya ko sarili ko at ang magigiging anak ko. May mga tao na susuporta sakin."
"Ano ba pwedeng gawin para lang bigyan mo ko ng chance?"
"Wala na Hayme, wala ka ng magagawa" Sabi ko sakanya at sinaraduhan siya ng pinto.
[A/N: Hello! Makikisingit lang hehe. Try niyong basahin yung new story ko na "Possibilities" Lakas gumawa ng story noh samantalang ang dami pang di pa tapos hahaha. Pero anyway sana basahin niyo! ILY GUYS]
BINABASA MO ANG
Just His Wedding Planner
Любовные романыUNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Gabi always fight for love, but suddenly she became a coward. After all, She's JUST HIS WEDDING PLANNE...