JHWP: Thirty Two

9.9K 180 7
                                    

Gabi's POV

Andito siya.

Andito ang taong tinakbuhan ko.

Ang taong pilit kong kinakalimutan.

Bakit ganun? Kahit anong gawin ko bat parang di na siya maalis sa buhay ko?

Kung kelan onting onti na nagiging okay saka siya babalik.

"Lalim ng iniisip natin ah" Natauhan ako ng biglang nag salita si Christopher.

"Di naman" Sagot ko.

"Oo nga pala kamusta yung inaanak ko?" Tanong niya.

Bigla akong napangiti sa sinabi niya.

"Ayun okay naman daw sila" I said.

"Sila?" Nagtatakang tanong ni Topher.

"Yup. Kambal ang magiging anak ko" Sagot ko sakanya habang nakangiti.

"Talaga?! Grabe kaya pala ang laki ng tiyan mo!" He said.

Tama siya. Kumpara sa ibang 5 months na buntis napakalaki ng tiyan ko.

"Eh di ibig sabihin nun doble na gastos ko" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Baliw ka talaga"

"So siya yun?" Galing talaga mag change topic neto. Kahit hindi naman niya sabihin yung pangalan kilala
ko na sino yung tinutukoy niya.

"Oo siya nga" Sagot ko habang nakatingin sa labas.

"Gwapo ah" Napairap naman ako sa sinabi niya.

"Eh di sayo na lang" Hindi ko alam kung mapapangiti o magagalit ako sa sinabi niya.

"Pano magiging sakin yun kung may asawa na siya" Aaminin ko habang sinasabi ko yun nadudurog ang puso ko.

"Sure ka bang kinasal sila? Baka naman hindi natuloy" He said.

"Bat hindi matutuloy? Mahal na mahal niya si Sophia" Pero deep inside umaasa ako na kahit konti may puwang ako sa puso niya.

"Bahala ka nga diyan. Walang masama kung susugal ka. May karapatan si Hayme na malaman"Simula nung magkita kami palagi niyang sinasabi yan.

Hindi nako sumagot. Alam na niya na pag ganun ayoko ng pag usapan yung topic na yun.

Kumain kami ng lunch sa isang favorite na restaurant dito. Kahit sandali nakalimutan ko saglit yung problema ko.

Tinawagan ko na rin sila Mommy para i share yung good news. Sobrang excited sila lalo na nung nalamam nila na kambal.

"Gabi" Tawag sakin ni Topher.

"Bakit?"

"Pag binalikan ka ba ni Hayme, tatanggapin mo ulit siya?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Ba-kit mo naman tinatanong yan?"

"Wala naman. Basta kahit anong maging desisyon mo, susuportahan kita" He said then smiled. Yung ngiti na yan, yan ang dahilan kung bat ako nainlove sakanya dati.

Hindi nako nagsalita ngumiti na lang din ako.
After namin kumain hinatid na rin agad ako ni Topher sa bahay kasi may aasikasuhin pa siya kasi ang dami nilang guest ngayon sa hotel nila.

"Sunduin ka ni Manong Remi mamaya ah. Dinner tayo sa hotel" Sabi niya bago ako bumaba ng sasakyan.

"Sige ingat ka ah!" Sabi ko then bumaba nako.

Nag smile muna ako bago siyang tuluyang umalis.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpahinga.

Habang nakahiga ako sa kama napaisip ako sa sinabi kanina ni Topher.

Tatanggapin ko nga ba siya ulit? Hindi ko alam kung bat hindi ko nasagot yung tanong niya.

Ayoko na lang mag isip kaya nag ayos ako nh konti sa bahay at nag nap habang hinihintay mag dinner.

Saktong 6 PM dumating si Kuya Remi. Nakasuot ako ng isang long floral dress.

I greeted kuya Remi then sumakay na kami sa sasakyan papunta sa hotel na pag mamay ari nila Topher.

Pag dating sa hotel, sinabihan ko si Kuya Remi na sa lobby ko na hihintayin si Topher. Ang gusto pa nila sa room ako mag hihintay eh mas nakakatamad yun.

Umupo lang ako sa lobby at hinintay si Topher.

"Ga-bi?" Napatigil ako sa ginagawa ko sa phone ng marinig ang boses na yun.

Hindi ko na kailangan lumingon para malaman kung sino ang may ari ng boses na yun. Hindi ko na lang siya pinansin.

Pero nagulat ako ng lumapit siya sakin at lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.

"A-nong ginagawa mo?"

"Dito ka rin ba naka check in?" He said. Di niya pinansin ang tanong ko.

"Hindi. Tumayo ka nga" Sabi ko sakanya habang pilit na inaalis yung kamay niya.

Magsasalita na sana siya ng biglang dumating si Topher.

"Let go of her" Topher said. Tumayo agad ako at lumapit sakanya.

"Sino ka ba ha?" Maangas na tanong ni Hayme.

Pero hindi siya pinansin ni Topher.

"Okay ka lang?" Topher asked me. I just nodded. He's holding my hands na para bang pinoprotektahan niya ako.

"Sino ba siya sa buhay mo Gabi?! Siya ba ang pinalit mo sakin?! Siya ba ang nakabuntis sayo?!" Pagkasabi na pagkasabi niya nun agad ko siyang sinampal.

Nagulat sila sa ginawa ko. Kahit yung ibang guests dito sa lobby pinagtitinginan kami.

Wala akong masabi. Nakatingin lang ako sakaya. Hindi ko na napigilan bumuhos ang luha ko.

Pano niya nasasabi ang mga yun? Pagkatapos ko ibigay sakanya buong buo ang sarili ko. Pagkatapos kong magpakatanga gaganyanin niya ako?

Ganun ba tingin niya sakin kasi purket pumatol ako sa ikakasal na kung kanikanino na lang ako magpapagalaw.

Iniwan ko na sila na wala man lang sinasabi. Naririnig ko na tinatawag ako ni Topher pero di ko ito pinapansin.



Hindi ko alam kung maghihilom pa ba ang mga sugat na iniwan sakin ni Hayme.

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon