JHWP: Forty Nine

8.5K 161 6
                                    

Gabi's POV

Nag stay pa kami ng konti sa office ni Mommy Nadz tas pumunta kami sa mall para bumili ng mga ibang gamit na kulang pa sa bahay.

It's already night ng makaalis kami sa mall, hindi na kami nag dinner dun. Sa bahay na lang daw sabi ni Hayme kasi nag luto si Ate Jewel.

Pag dating namin sa bahay sarado yung ilaw. Asan si Ate Jewel? Baka natulog ng maaga kaya sarado yung ilaw. Pero hindi naman kami nag sasara ng ilaw kahit tulog nag iiwan parin kami ng nakabukas na ilaw.

Inalalayan naman ako ni Hayme sa pag baba ko.

"Bat walang ilaw?" Tanong ko sakanya.

"Maybe it's brownout" Sabi sakin ni Hayme. Tumango na lang ako.

"Surprise!!" Yan agad ang bumungad sakin pag bukas namin ng ilaw at pintuan.

Pagtingin ko andun ang mga kaibigan ko at ang family nila Hayme. Nagulat din ako ng makita sila Mommy dun. Parang anytime iiyak nako. Nagulat din ako ng makita ko si Topher dun. 

Lumapit naman sakin sila Mommy at niyakap ako. Sa sobrang shock ko hindi ako makapag react sa nangyayari ngayon.

"Miss na miss kita anak, lalo kang gumaganda ngayon ah" Sabi sakin ni Mommy ng makabitaw na siya sa yakap.

"Na miss ko na rin po kayo, pe-ro ano pong meron?" Natawa naman sila sa tinanong ko.

"Hay nako Gabi, buntis ka lang makakalimutin ka na" Sabi sakin ni Kuya. Bigla naman ako napaisip.

Shit.

Birthday ko na pala mamaya.

"Happy Birthday anak" Dad said at niyakap ako.

Sobra kong pinipigilan hindi umiyak pero hindi ko na talaga kinaya, kaya napaiyak na talaga ako habang yakap yakap ko si Daddy. Nagulat naman siya kaya napabitaw siya.

"Hey why are you crying? Are you okay?" Nag aalalang tanong sakin ni Hayme.

"Nako okay lang yan, nag iinarte lang yan" Asar sakin ni Kuya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"I'm okay. It's just that hindi ko lang ini expect toh." Sabi ko sakanila. 

"Yan kasi si Hayme nakipag tulungan samin para i-surprise ka" Nagulat naman ako sa sinabi ni Ate Jae. Napatngin naman ako kay Hayme. Napakamot tuloy siya ng ulo. 

"Oo nga anak siya ang nag contact samin" Sabi naman ni Mommy. Parang gusto ko pa lalo umiyak sa sinabi nila. 

"Mamaya ka na umiyak, mag blow ka na muna ng candle para maganda ka naman sa picture" Asar sakin ni Kuya Hans. 

Binigyan ako ni Hayme ng panyo para punusana yung luha ko tas pumunta na kami sa cake para makapag blow nako. 

"Happy Birthday Gabi! Happy Birthday Gabi! Happy Birthday, Happy birthday, happy birthday Gabi!" Sabay sabay nilang kanta sakin. 

"Make a wish!" Masayang sabi sakin ni Hayme. 

Looking at him and at them. Mukang wala na akong hihingilin pa. Pinikit ko ang aking mga mata at nag wish then nag blow ako ng candle. 

"Yehey!!" 

"So ano ang wish mo?" Tanong sakin ni Kuya. 

"Secret!" Sabi ko at nag belat ako sakanya. Ayoko ngang sabihin. Saakin na lang yun. 

Nag start na kami kumuha ng pagkain. Excited nako kasi si Mommy daw ang nagluto ng mga toh. Miss na miss ko na ang luto ni Mommy lalo na pag tuwing birthday ko. 

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon