JHWP: Forty

9.4K 185 6
                                    

Gabi's POV

Future Mrs Reid. 

Hindi na nawala sa isipan ko yan simula nung sinabi niya sakin yan. 

Ano ibig sabihin nun? 

Totoo ba yun or joke time lang? Para umalis lang yung babae. 

"Gabi, hindi ka pa ba gutom?" Tawag sakin ni Ate Jewel. 

"Lalabas na rin po ako" Sagot ko. 

Buti na lang may pasok ngayon si Hayme kaya hindi ko siya makikita ngayon. I feel awkward kasi eh pag nakikita ko siya. 

Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto. Pag labas ko si Ate Jewel lang ang nakita ko. Nakahinga naman ako ng maluwag. 

"Okay lang ba pakiramdam mo Gabi?" Nag aalalang tanong sakin ni Ate Jewel. 

"Okay lang po ako. " I said then smiled. 

"Sige kain ka na" She said. I just nodded then kumain nako. 

"Good morning" Napatigil ako sa pag kain ng marinig ko yung boses na yun.

Si Hayme yun ah. Anong ginagawa niya dito? Diba may pasok siya? 

"Oh andiyan ka na pala, Hayme mag palit ka agad pawis na pawis ka na" Ate Jewel said. 

Hindi ko siya pinansin, tinuloy ko na lang yung pag kain ko. 

"Good morning Gabi" Bati sakin ni Hayme then umupo siya sa harapan ko. 

"Morning" Sabi ko. 

"Are you feeling okay? Wala ka bang morning sickness?" Tanong niya. Umiling lang ako. 

"Do you want to go to the office with me?" Nagulat naman ako sa tanong niya. 

"Office? Bakit anong gagawin ko dun?" Tanong ko. 

"Well, may meeting lang ako mamaya 10 AM. After nun pwede na ako umalis ng office. Punta sana tayo ng mall para maka pasyal na rin" Nagulat naman ako sa sinabi niya. 

Hindi ba siya nahihiya na kasama ako? 

"A-ko? Sigurado ka?" 

"Of course. Why not?" He said. 

"Sige" Sagot ko. He just smiled.

After ko kumain ng breakfast naligo na kami at nag ayos kasi nga may meeting siya ng 10 am. 

Halos sabay lang kami natapos. Nag paalam na kami ni kay Ate Jewel then umalis na. He's very talkative habang nasa byahe kami. 

Ang dami niyang tanong, ang dami niyang sinasabi. Hindi siya nauubusan ng topic. Ako napapagod sakanya eh. 

After an hour nakarating na rin kami sa company nila. Inalalayan niya ako sa pag labas. Lahat ng tao nakatingin samin habang nag lalakad. Lalo na sa tiyan ko. 

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Hayme kamay ko. Tinignan niya lang ako at ngumiti tas nag umpisa na kami mag lakad hanggang sa office niya. 

"Gabi this is Kyla may secretary, Kyla this is Gabi" Pakilala niya. 

"Hello" Greet ko sakanya habang naka smile ang gaan na agad ng loob ko sakanya.  

"Good morning po Mam Gabi" She said. 

"Gabi na lang" Sabi ko sakanya. 

"Sige po" Sagot niya. 

"Kyla ikaw muna bahala kay Gabi okay? I'll just go to the meeting" Hayme said. 

"Yes po sir ako po bahala" Sagot ni Kyla sakanya. 

"And Gabi please just stay here okay?" I just nodded. Then umalis na siya. 

"Comfortable po ba kayo?" Tanong sakin ni Kyla. 

"Wag mo naman ako i-po halos mag kasing edad lang tayo. Ilang taon ka na ba?" I asked. 

"20 yrs lang po. Bata ko pa po noh? Hehe. Ojt lang po kasi talaga ako dito tas scholar din nila. Tutal wala pang mahanap si Sir na secretary ako muna." Explain niya. 

"Ah kaya pala ang bata mong tignan" I said. 

"Grabe po mas maganda kayo sa personal tas ang bait niyo rin po" Nagtaka naman ako sa sinabi niya. 

"Mas maganda sa personal?" 

"Ay nakita ko na po kasi picture niyo. Nung nawawala po kasi kayo sobrang nabaliw si Sir kakahanap sayo" Hindi ko alam kung bakit pero natuwa ako sa narinig ko. 

"May papabili po ba kayo?" Natauhan naman ako ng biglang nag salita si Kyla. 

"Um. Ano bagoong sana tas rice kanina ko pa kasi iniisip yun eh" Sagot ko. 

"Sige po bibili lang ako sa canteen, dito lang po kayo ah? Pag may kailangan po kayo tawagan niyo ako sabi ni Sir naka save na daw po yung number ko sa phone niyo" 

"Sige" I said then umalis na siya. 

Habang naghihintay bigla akong naihi. Mag c-cr sana ako kaso hindi ko mabuksan yung pintuan ng cr sa office ni Hayme. Ayoko naman tawagan si Kyla baka sabihin pag bukas ko lang ng pintuan di ko na kaya. 

Kaya lumabas ako ng office at hinanap yung cr. Pag pasok ko walang tao kaya pumasok ako sa cubicle. Habang umiihi may mga narinig akong pumasok. 

"Uy girl! Nakita mo ba yung dinala ni Sir na babae kanina?" 

"Ah oo. Yun yung kabit niya diba?" 

Kahit hindi sila mag banggit ng pangalan alam ko naman na ako ang pinag uusapan nila. 

"So siya yung dahilan kung bat hindi natuloy kasal ni Sir" 

"Pano matutuloy eh ang kati ni girl yan tuloy jontis" 

Hindi ko na napagilan. Tumulo na ang mga luha ko. 

"Balita ko nga siya yung wedding planner nila eh. Tas nag live in sila ni Sir." 

"Ay baka plinano na niya mag pabuntis kay sir. You know baka poorita" 

Ganun ba ako kasama? Sobrang makasalanan ko na ba? 

Inayos ko na lang ang sarili ko. Lalabas na sana ako pero bigla kong narinig boses ni Kyla. 

"Hoy impakta kayo! Ang kapal ng face niyo sabihan ng ganyan si Mam Gabi!" Sigaw ni Kyla. Nag stay muna ako sa cubicle. 

"Ay andiyan na pala ang sipsip" 

"Bat mo ba yun kinakampihan? Siguro parehas kayo makati noh" 

Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko kaya lumabas na ako ng cubicle. 

Nagulat silang lahat ng makita nila ako. Yung dalawang babae naman parang nakakita ng multo. 

"Mam Gabi?" Bakas sa muka ni Kyla ang pag aalala. 

"Tara na" Sabi ko sakanya. 

Lalapit na sana ako sakanya kaso bigla akong napahinto. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sakit. 

"Hala Mam! Okay lang po kayo?!" Nag aalalang tanong ni Kyla.

Hindi namana ko makasagot. 

Sinabihan ako ng Doctor na iwasan ang stress at eto ako ngayon. Napaka walang kwenta kong Ina. 

"Gabi!" 

Hayme. 


Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon