JHWP: Thirty Four

9.9K 191 5
                                    

Gabi's POV

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Medyo nakakasilaw ang sinag ng araw.

Feeling ko namamaga yung mga mata ko. Pano ba naman kasi nakatulog ako kagabi sa kakaiyak.

Pinilit kong bumangon para kumain na. Ang bigat bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon.

Nag ayos na ko at kumain ng breakfast. After nun ginawa ko na ang morning routine ko. Lumabas ako ng bahay para makapag lakad lakad sa beach.

Napapakalma talaga ako ng dagat pati ang simoy ng hangin. Napaka hawak naman ako sa tiyan ko.

"Sorry babies ah pati kayo nadadamay" Sabi ko habang hinahaplos ang tiyan ko.

Kagabi kasi after kong makipag sagutan kay Hayme kumirot ang tiyan ko. Kinabahan ako nun kasi di ko alam gagawin ko at mag isa lang ako kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Good morning" Napangiti ako ng marinig ang boses ni Topher.

"Good morning din" Bati ko sakanya.

"So how's your sleep?"

"It was good" Liar.

"Talaga ba? Eh bat muka kang panda ngayon" Pang aasar niya.

"Grabe ka inaaway mo na ako ngayon"

"Joke lang syempre maganda ka parin" He said. Ngumiti na lang ako at naglakad lakad kami.

"So napag isipin mo na ba?" Biglang tanong niya.

"Ang alin?"

"Kung bibigyan mo ba ulit ng chance si Hayme" Napatigil ako sa sinabi niya.

"Yung mga salitang binitawan niya enough na yun na reason para hindi ko siya bigyan ng chance" I said  the nauna ng naglakad.

Nagiging selfish ba ako? Oo deep in side gusto kong bigyan ulit siya ng chance. Pero hindi ko alam kung pano mag simula ulit ng bago kasama siya sa kabila ng mga nangyari.

Oo kay Topher nagawa ko. Pero kasi friends na lang kami. Iba si Hayme. Kahit ilang beses kong i deny, I still love him.

Hinatid na ako ni Christopher sa bahay then umalis na rin siya para bumalik sa hotel. Maya maya naman tumawag si Iya. Agad ko naman sinagot.

"Hello"

[Haluu Gabi! Kamusta ka namern?]

"Okay naman. Kayo? Si Cess at Jared?"

[Eto maganda parin naman. Tas sila Cess ayun magiging pamilya na rin] Buti pa sila.

"I'm happy for them lalo na kay Jared" Alam kong gustong gusto na ni Jared magkaron ng Daddy.

[I know you're hurting Gabi] Kilalang kilala niya ako.

"He's here"

[Huh? Sino?]

"Sino pa ba. Eh di yung lalaking nilagyan ako ng kambal sa tiyan]

"Ah si a- huwaiiit! Paki ulit nga! Kambal?! Tama ba narinig ko?! And andiyan si Hayme?!]

"Hoy bunganga mo Iya ang sakit sa tenga! Oo kambal ang magiging anak ko at oo andito tatay nila!" Sigaw ko sakanya.

[Grabe sharpshooter si Hayme ah! Pero mas grabe kasi nagkita kayo diyan ibig sabihin nun meant to be kayo!]

"Hindi ko alam. He's asking for a second chance." Kwento ko.

[Then give him a second chance! Alam naman namin na you still love him. Atsaka hindi naman natuloy kasal nila ni Sophia] Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"You know about it? Bat di niyo sakin sinabi"

[Excuse me ah, sinusubukan namin sabihin sayo pero binabanggit palanh namin yung name ni Hayme umaayaw ka na] She's right. Pag si Hayme na ang topic namin nagagalit na ako.

[Kaya kung ako sayo bigyan mo na ng second chance. Don't be afraid to take risk kasi ganyan talaga sa love. and isipin mo rin para rin toh sa kambal, they need a father. You need Hayme also.] Tama ulit siya. Bat ba napaka selfish ko.

"Sige na mag aayos pa ako. Thank you Iya"

[No prob! Sige bye na ingat kayo diyan! Mwah!] She said then she ended the call.

Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan ko na magisip ng sasabihin kunh sakali magpakita ulit si Hayme. Tataas palanh sana ako ng kwarto ko para mag bihis ng may biglang kumatok.

Pag bukas ko nakita ko si Hayme. Tangines bes hindi pa ako ready sa speech ko mag prapractice palang ako!

Agad siyang pumasok sa bahay at sinarado ang pintuan.

"I know you hate me so much. But I won't stop until you give me another chance. I will prove to you that I deserve to be part of your life again. Kahit di mo sabihin kung sino ang ama ng dinadala mo, I know i'ts mine. I can feel it. I will always be here hanggang sa maging ready ka na ibalik ako sa buhay mo" He said.

"Okay. I will give you a second chance" Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Ta-laga?" Di makapaniwalang tanong niya. I just nodded. Sa sobrang saya niya agad niya akong niyakap.

"Thank you so much Gabi. Thank you" He said. Bumitaw naman ako sa yakap.

"Maliligo lang ako" I said he just nodded. Muka siyang tangang nakangiti.

Pero bago ako makataas sa hagdan tumigili ako at nilingon siya.

"We're having a twins, Mr. Reid"

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon