JHWP: Thirty Seven

9.3K 177 1
                                    

Gabi's POV

Naka sakay ako ngayon sa sasakyan ni Hayme. Papunta kami ngayon sa hospital kung saan naka confine si Ate Jae pati ang baby niya. Galing kami sa mall dito, kumain kami then nag hanap din ng gamit ng twins.

Medyo kinakabahan ako ngayon kasi matagal ko na ring hindi nakikita si Ate Jae, tas nag sinungaling pa ako sakanila.

Pag pasok namin sa room ni Ate Jae andun siya naka higa habang nanonood ng tv. Siya lang mag isa kasi sila Tita Nadz bumalik ng hotel para kumuha ng ibang gamit.

Nakausap ko na rin sila Tita Nadz. They were happy to see me and syempre super excited kasi magkakaroon ulit sila ng apo. Syempre nung una natakot ako kasi ano na lang iisipin nila sakin. Pumatol ako sa ikakasal na.

Nang marandaman niya presence namin agad siyang bumangon at sumandal sa kama niya.

"Gabi!!" Masaya niyang bati sakin.

"Hello Ate Jae" Sabi ko sakanya at niyakap siya.

"Oh baka maipit baby mo. Kamusta ka? I missed you" She said.

"Okay naman po. Sorry Ate Jae nag sinungaling ako sayo"

"Ano ka ba, I'm not mad or anything. Naiintindihan kita, pinag daanan ko rin yan. But the important thing is magkasama na kayo" I'm so happy na kahit nag sinungaling ako sakanila hindi siya sakin nagalit or ano.

"So asan pamangkin ko?" Tanong ni Hayme na nasa tabi ko.

"Ayun galit na agad sa tito niya kasi napaka walang kwenta" Natawa naman ako sa sinabi ni Ate Jae.

"Kelan mo pala balak bumalik Gabi?" Ate Jae asked.

"Pag iisipan ko pa po" Sagot ko.

Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Carlo na may dalang pagakain. Bigla naman nag bago mood ni Ate Jae. Hindi ba sila okay?

"Oh Gabi and Hayme kayo pala yan" Kuya Carlo said.

"Duh" Mahinang sabi ni Ate Jae. Hindi na lang siya pinansin ni Kuya Carlo.

"We're here to visit Ate Jae and the baby" Hayme said.

"Oh sayang, tapos na yung visiting hours ni baby. Don't worry baka bukas lalabas na sila dito sa hospital" Kuya Carlo said.

"Ah. Sige we're going home na rin. Napagod kasi ngayon si Gabi" Sabi ni Hayme.

Nag paalam na kami sakanila then umalis na. Pinilit pa nga ni Ate Jae na mag stay pa ako kaso nag away sila ni Hayme. Gusto na kasi ni Hayme na mag pahinga ako.

Pag bukas ko ng pintuan sa bahay nagulat ako sa nakita ko.

"Ku-ya"

Andun si Kuya naka upo sa sofa sa living room.

"An-ong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Tumayo naman siya at lumapit samin ni Hayme.

Kinakabahan ako ngayon para kay Hayme. Kuya really hates him so much.

"I should be the one asking you that. What is he doing here?!" Sigaw ni Kuya.

"I'm he-" Hindi na natapos yung sasabihin ni Hayme dahil nagsalita na si Kuya.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko kaya manahimik ka"

"I'm giving him another chance kuya" Diretso kong sabi.

"What?! Anong naisipan mo at bibigyan mo ng chance tong gagong toh?!" Sigaw ni Kuya.

"Yes. Naging gago ako. But I can prove that I will do my best to make Gabi happy. I will never leave her. I will be the best father to our twins." Hayme said to Kuya. 

Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako sa sinabi niya. 

"Gabi, can we talk in private?" Kuya said. I just nodded. 

Kaya umakyat kami sa kwarto ko at iniwan si Hayme sa baba. 

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo Gabi? Hahayaan mo siyang pumasok ulit sa buhay mo?" Nag aalalang tanong ni Kuya Gab. 

"I'm sure Kuya. Atsaka hindi naman ito para sakin eh para sa kambal toh" Bigla naman siyang napangiti nung sinabi kong kambal.  

Sobrang tuwa nun ni Kuya na kambal ang magiging anak ko. Worth it daw ang pag tiis niya sa bagoong na kinakain ko. 

"Pero may tanong ako" 

"Ano yun Kuya?" 

"Is he in love with you" Nagulat ako sa tanong ni Kuya. 

Natuahan ako.  Napaisip. At nagtanong sa sarili ko kung mahal ba ako ni Hayme. 

"Hi-ndi" Sagot ko. 

"Then bakit siya humihingi ng isa pang chance?" 

"Hindi porket humihingi siya ng chance mahal na niya ako. Remember, mag kakaanak kami. Kaya gusto niyang bumalik sa buhay ko. " I said. 

"But maari kang masaktan" Sabi ni Kuya na may pag aalala sa boses niya. 

"It's okay Kuya. Sapat na sakin na mahal at tinanggap niya ang magiging anak namin. Kuntento na ko dun" Kuntento na nga ba?  

Napa buntong hininga naman si Kuya. 

"Alright I'll respect your decision." Kuya said then niyakap naman niya ako. 

"I'm so proud of you" He said at napangiti naman ako dun. 

Kinausap pa ako ni Kuya. Binigyan niya ako ng mga advice at siya na rin daw bahala mag explain kala Mommy sa nangyayari ngayon. After nun hinatid ko na siya palabas kasi may aasikasuhin pa siya sa Cebu. 

Si Hayme naman nasa living room parin nag hihintay samin ni Kuya. Tinanguan lang siya ni Kuya. Syempre may sama pa rin ng loob si Kuya kay Hayme. 

"Hayme" Tawag ko sakanya ng maakalis na si Kuya. 

"Yes?" 

"I'm going home...... with you"



Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon