JHWP: Twenty Seven

9.7K 201 7
                                    

Gabi's POV

"Ano tapos na ba?" Naiinip na tanong ni Cess sa labas. 

"Hindi pa. Atat ka naman eh" Sagot ko. 

Andito ako ngayon sa cr hinihintay yung result ng pregnancy test. Nung sinabi ko kay Iya yung nangyari agad nila akong pinuntahan nun kinabukasan at kinulat mag take. 

Maya maya kinuha ko na yung pregnancy test para tignan yung result. 

Two lines. 

Positive. I'm pregnant. 

Biglang bumuhos ang mga luha ko ng makita yung result.

Hindi dahil malungkot ako kaya ako umiiyak. Umiiyak ako dahil sa sobrang saya. 

Lumabas ako ng cr dala dala ang pregnancy test. Nang makita nila ako agad silang lumapit sakin. 

"Ano buntis ka!?"

"Patingin!" 

Pinakita ko naman sakanila yung result. Nung makita nila yung result ng pregnancy test, nag tatatalon sila sa tuwa. 

"Buntis ka ngang gaga ka!" Sabi ni Iya at binatukan ako. 

"Hoy buntis nga yung tao bat mo binabatukan!" Sita sakanya ni Cess. 

"Eh malayo naman sa tiyan yan, atsaka bat ba sobrang na excite ako eh!" Iya said. 

"Ako din!" Sabi ni Cess at nagtatalon ulit sila. Parang mga bata talaga. 

Natuwa naman akong excited sila. Akala ko super magagalit sila. Oo nung una galit sila kasi hindi ko raw iniisip ang mga ginagawa ko pero nung huli nanlambot din ang mga puso nila. 

"So kelan mo balak sabihin kala Tita?" Biglang nawala yung mga ngiti sa labi ko ng sabihin yun ni Cess.

Hindi ko kasi alam kung pano ko sasabihin kala Mommy. Lalo na kay Kuya. Sobrang over protective nun. Baka kung ano pang gawin niya kay Hayme. 

"Hindi ko pa alam. Bahala na" Sagot ko. 

"Eh kay Hayme?" Natigilan ako sa sinabi ni Iya.

"Wala" 

"Huh?! Bakit wala?!" Sigaw nila sakin. 

"Ano ba, ayoko ng manggulo pa. Hindi na nga ako magpapakita sakanila diba. Ikakasal na sila ni Sophia, mag tira naman ako ng konting dignidad samin ng anak ko. Ayoko ng manggulo pa" Explain ko sakanila.

"Eh malay mo panindigan ka niya.Tignan mo nga toh si Cess at Mark nagkakamabutihan na" Sabi ni Iya. 

"Anong nagkakamabutihan?! Nagkikita lang kami dahil kay Jared" Cess said. 

"Atsaka iba yung kay Mark at Cess. Si Mark hindi ikakasal si Hayme oo" Sabi ko sakanila. 

"Sige, basta hindi kami nagkulang ng paalala sayo. May karapatan parin diyan si Hayme" Tama ang sinabi ni Iya pero hindi pa ako handa sabihin kay Hayme. 

"Atsaka andito lang kami sasamahan ka namin sa journey na toh" Cess said. Nag group naman kami. 

I'm really so lucky to have them. 





Hayme's POV

Kanina pang daldal ng daldal si Ate Jae pero hindi ko siya pinanpansin. We're on our way to the hospital. Ngayon yung monthly check up niya. 

Hindi kasi siya masasamahan ni Carlo kaya ako na lang. 

These past few months wala ako sa sarili ko. 

Hindi mawala sa isipan ko yung nahuli kong niloloko ako ni Sophia. Lalo na nung gabing may nangyari samin ni Gabi. 

Tandang tanda ko lahat ng nangyari even though I was drunk. She was a virgin when I took her. 

Napaka gago ko nun. Kaya umalis agad ako bago pa man siyang magising kasi hiyang hiya ako sa nagawa ko. 

But pinag sisihan ko yun. Because of that. She left. She left us. Hindi na siya kayang pigilan nila Mommy. Even Ate Jae. 

And then I realized, I was so lost when she is not around.

Nang makarating kami ng hospital, wala parin akong imik. I was really not in the mood. 

Andito lang kami sa labas ng clinic nakaupo waiting for our turn. 

"Hayme, cr lang ako ah" Ate Jae said. I just nodded. 

While patiently waiting, napatingin ako sa mga babaeng lumabas sa kabilang clinic. 

Nang ma recognize ko kung sino isa sakanila, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Agad akong tumayo at lumapit sakanya. 

"Gabi!" Napalingon siya nung tinawag ko siya. Halata sakanya na nagulat siyang nakita ako. 

Tiniginan ko kung saan silang lumabas na clinic. Sa OB din sila galing. Anong ginawa nila dun?

She was about to say something, pero may lumabas na babae na mukang secretary sa clinic na pinasukan nila at kinausap siya. 

"Ms. Villegas? Naiwan niyo po toh" Sabi sakanya nung secretary sabay abot sakanya nung envelope. Agad naman itong tinanggap ni Gabi at nag pasalamat. 

Ano yung laman ng envelope? Result ba yun?

"What are you doing here? May sakit ka ba?Are you okay?" I asked her. Hahawakan ko na sana pisngi niya kaso bigla niyang tinaboy yung mga kamay niya. 

Sila Iya naman pinapanood lang kami. 

"Wala ka na dun"She said. 

"I'm so worried about you. Simula nung umalis ka na sa bahay hindi ka na nag paramdam samin" Napairap naman siya sa sinabi ko. 

"Hindi naman required i update kita sa mga bagay bagay na nangyayari sa buhay ko. Sino ka ba ha? Dating wedding planner mo lang ako, hindi yun kasama sa trabaho ko." 

"Bu-" 

"Iya, Cess let's go" She said then umalis na sila.


Wala akong magawa. Hindi ko siya mahabol. Kasi alam kong kasalanan ko tong lahat kung bat nangyayari toh. 

I'm a jerk for hurting a girl like her. She was always there forme .She picked up the broken pieces of my heart. 

At hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. 




Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon