JHWP: Eleven

9.3K 197 10
                                    

Gabi's POV

Nagulat ako ng makita ko si Hayme sa may hagdan. Kaya hindi ko agad na sagot ang tanong niya. Bat siya andito? Akala ko may pasok pa siya.

"Hi future brother-in-law!" Bati sakanya ni Jude. Pero tinignan lang siya ni Hayme at tumingin sakin.

"What is he doing here?" Tanong ulit ni Hayme sakin.

"A-no, makikipag usap siya sakin" I said.

"Ito naman si brother ang sungit! Dapat masanay ka ng makikita mo ko dito palagi kasi ikakasal na kayo ng kapatid ko and" Tumingin naman sakin si Jude.

"Liligawan ko si Gabi araw-araw" Hindi na ko nagulat sa kalandian ni Jude. Inirapan ko na lang siya.

"Whatever" Hayme said then bumaba na siya at pumasok ng kitchen.

"Umupo ka muna sa sofa, kukuha lang ako ng maiinom" I said then nilagay ko yung bag ko sa couch.

"Sabi na nga ba eh love mo rin ako" He said.

"Lul." Sabi ko at pumasok sa kitchen.

Pag pasok ko ng kitchen nakita ko si Hayme na umiinom ng tubig habang may ka text ata sa phone.

Di ko siya pinansin kinuha ko na lang yung juice sa ref.

Habang kumukuha ng mga baso biglang nag salita si Hayme.

"Don't tell Jude that Ate Jae is pregnant" Nagtaka naman ako sa sinabi ni Hayme.

"Eh anong sasabihin ko pag tinanong niya kung bat ako andito?"

"Ewan ko sayo. Basta don't tell him. Hindi pa handa si Ate Jae na mag explain sakanila" He said then umalis na siya sa kitchen.

Tss. Nag sungit nanaman siya. Kinuha ko na lang yung juice at mga baso at lumabas na.

"Oh" Alok ko kay Jude at niligay ang juice at baso sa center table tas umupo sa katabing couch.

"Thanks babe" He said. Di ko na lang siya pinansin.

"Oo nga pala, hindi mo pa sinasabi kung bat ka dito nakatira"

Bigla naman akong na stress. Anong sasabihin ko? Hay nako.

"Basta complicated. Nakakatamad mag explain. Pag nag tanong ka pa kung bat ako andito papalayasin kita" Sabi ko na lang.

"Tss. Sungit mo naman babe nahahawaan ka ni Hayme eh. Sige na nga. Asan pala parents mo?"

"They're in Cebu. Dun kasi talaga ang hometown ko. Pumunta lang ako dito sa Manila para mag study and mag trabaho" I said.

"Ah ang layo naman pala nila Mommy. Pero babalik ka pa dun?" Tanong niya.

"Oo. Pag ready na ko i handle ang business namin"

"Oh. May business pala kayo. Bat mo naman ayaw i handle pa yun?"

"Kasi gusto ko muna maranasan magka boss and maging independent. Atsaka andun naman si Kuya eh" Explain ko.

"Wow. Lalo akong na iinlove sayo. Pero teka may Kuya ka? Nako mahihirapan ako manligaw nito" He said.

"Ano naman kung may Kuya ako? Kahit wala hindi parin kita papayagan manligaw"

"Ouch naman babe grabe ka naman"

Mag sasalita na sana ako kasi nagulat ako ng biglang dumating si Hayme at umupo sa kabilang couch. Hawak niya lang ang phone niya.

"Hi bro!" Bati sakanya ni Jude.

"Hi" Matipid na sagot ni Hayme.

"Next week pa daw balik ni Sophia at Mae galing palawan ah" Jude said.

"I know" Matipid na sagot ni Hayme. Nakatingin parin siya sa phone niya

"Tss sungit talaga. By the way nagka boyfriend ka na?" Tanong ni Jude.

"Umm. Wala pa naging seryoso. Siguro hanggang ligaw at MU lang." I said.

"Talaga?! Bakit naman?. Hindi mo ba sila gusto?"

"Gusto naman. Kaso naka focus pa kasi ako nun sa studies ko."

"Wow. Ma swerte ang magiging first boyfriend mo. May first kiss ka na?" Napaiwas naman ako sa tanong niya.

Ang totoo kasi niyan wala pa.

"Wa-la ka na dun"

"Don't tell me wala ka pang first kiss?! Wow. Malay mo ako ang first and last kiss mo. Hinintay lang pala ni Lord na magkita tayo" Sasagot na sana ako kaso biglang nag ring ang phone niya.

Sinagot niya naman ito. Mukang may problema at pinapapunta siya.

"Sorry babe kailangan ko ng pumunta may emergency kasi eh. Don't worry babalik ako bukas" He said.

"Ay kahit wag na. Sige alis ka na" I said then tumayo na kami at hinatid ko siya sa may gate.

Pag pasok ko nakita ko si Hayme na nakaupo parin sa couch. Hindi ko na lang siya pinansin. Tumaas na lang ako sa room ko. Bago ako makapasok may biglang humawak sa braso ko.

"Ano nanaman ba Hayme?!" Sigaw ko sakanya.

"What were you thinking?! Bat mo dinala siya dito?!" Sigaw niya sakin. Tinanggal ko naman yung pagkahawak niya sa braso ko.

"Gusto niya nga kasi makipag usap" Sagot ko.

"What?! Eh bakit dito?!"

"Bat ba nagagalit ka?! Magiging future brother-in-law mo rin naman siya ah! Kaya walang masama kung pinapunta ko siya dito!" Kahit ako sumisigaw na rin.

"Ka-si muntik na niyang malaman na buntis si Ate!"

"Eh hindi ko naman alam eh! Bwiset ka!" Sigaw ko sakanya at tinalikuran siya.

Nakakainis. Oo medyo umasa ako na baka nga crush niya ako. Kahit alam kong mali. Pero sa pinapakita niya ngayon. Impossible talaga na crush niya ako!

Bago ko pa nasara ang pinto ng room ko may narinig pa akong sinabi niya.

"Mag sisimba tayo bukas"

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon